Chapter 4

2K 110 3
                                    

AMAZE

Hindi na maalis-alis ang kunot sa nuo ni Alazis habang tahimik na pinapanuod ang babae. Tulala ito nakaupo habang sumusubo sa kutsara dahiL wala ito sa sarili natatapon ang iba sa labas ng plato.

Is she's for real?

Kahit sino naman mawawalan sa katinuan kapag nalaman na buhay ka pa gayun alam mong patay ka na..anang ng isip niya.

Nagsalubong na ang kilay niya. Heto na naman kinakausap na naman ba siya ng isip niya?!

Marahas siyang napabuga ng hangin at walang ingay na lumapit rito. Awtomatikong dinala siya ng mga paa niya sa may ref at pinagsalin ng tubig ang babae. Agad na napabaling sa kanya ang kulay tsokolate nitong mga mata. Ang mga mata na natatabunan ng mahahaba at makakapal na pilik.

Kumurap-kurap ito.

Muling marahas na hininga ang pinakawalan niya at inabot ang baba nito para palisin ang ilang butil ng kanin na dumikit roon.

Hindi mo yan gawain,Alazis Daru!

Agad na natauhan siya at mabilis na binawi ang kamay. Padarag na binaba niya ang baso na kinapitlag ng babae.

"Shit!!!" bulalas nito sa pagkagulat. Nanlalaki ang mga mata at awang ang mga labi na tumitig sa malamig niyang mga mata.

"Anong pangalan mo?"walang emosyon na pagtatanong niya rito.

Makailang beses muna ito kumurap-kurap bago ito nakabawi sa sarili.

" E-evelyn..Evelyn Sacariaz,"pagsagot nito kahit tuliro pa rin sa kanya.

Tumango siya. "Kung ganun hindi naapektuhan ang ulo mo. Naalala mo pa ang pangalan mo," saad niya.

Napakurap-kurap ito. "H-ha?"

"Sasabihin ko sayo ang lahat..at kung bakit buhay ka pa kapag maayos ka na..wala ka pa sa sarili mo," malamig niyang sabi sabay talikod rito pero bago pa man siyang tuluyan makalayo rito nagsalita ito.

"Buhay ba talaga ako?! "

Pumihit siya paharap dito at pinagkrus ang mga braso sa harapan niya.

"Masasagot yan kapag maayos na ang lagay ng isip mo. Ayokong kausapin ka na wala sa sarili at baka tuluyan ka ng masiraan ng ulo," deretsahan niya sagot rito.

Napaawang ang bibig nito at maang na napatitig sa kanya. Tinalikuran na niya ito bago pa ito makapagreak.

"Kailangan magsunget..."

Nahinto siya sa paghakbang ng marinig iyun pero ng lingunin niya ito nakaupo na ulit ito sa harapan ng pagkain nito at nagbusy-busy-han doon.

Kitam mo yun!

Salubong ang kilay na nilisan na niya ang kusina.

Makailang beses na siya sa pag-ikot-ikot sakay ng bigbike niya pero hindi pa rin maalis sa isip niya ang dalaga.

Evelyn Sacariaz..

Maganda...

Kaso mukhang may saltik lang!

Oo sa nangyari sa kanya malamang talaga magiging epekto niyun pero...maganda siya!

Napapreno siya ng makitang na nasa dulo na pala siya ng bangin.

Ano ba nangyayari sa kanya?

Simple lang ang sagot,Alazis Dariu...namamangha ka sa babaeng binigyan mo ng bituin ng buhay!

Padarag na bumaba siya roon at marahas na bumuga ng hangin. Napasuklay siya sa kanyang buhok na tinatangay ng malakas na hangin. Sana tangayin na rin ng hangin ang pagkakamangha niya sa babaeng iyun!

Naikuyom niya ang mga palad at tumingala sa kalangitan.

"Nais ko ng bumalik pagkatapos ko ng ipaliwanag sa kanya ang lahat .." anas niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan.

Alam niyang ginagabayan siya ng Hari at Reyna ng mga bituin siguradong batid na ng mga ito ang nais niyang mangyari.

Pero alam mong kailangan mong maghintay pa ng mahabang araw bago ka makabalik.

Mariin niya naipikit ang mga mata at nasa ganun ayos lang siya hanggang sa maging maayos na muli ang pag-iisip niya.

Wala na ang pag-iisip sa pagkakamangha para sa babae.

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon