GOODBYE
"Iyan ba talaga ang gusto mong sundin?"turo ni Constell sa ulo niya. Nakaharap ito sa kanya at siya naman nakasandal sa katawan ng puno. Binisita niya itong muli sa tirahan upang magpaalam na rito. Ilang oras na lamang ang pananatili niya sa mundong ito.
Hindi siya kaagad nakatugon. Nahihirapan siyang magsalita. Natatakot siya na baka ipagkanulo siya ng tunay niyang nararamdaman sa nalalapit na paghihiwalay nila ng dalaga.
Marahas na bumuga ng hangin ang kaibigan. " Ganyan din ako pero..hindi ko pinagsisihan na pinili ko ang sinasabi ng puso ko at napakasaya ko ngayon dahil dun.."
Naikuyom ng mariin ang mga palad.
"Tanggap niya...na kailangan ko ng bumalik satin," tugon niya.
"Alam mong hindi," tugon nito.
Hindi siya umimik. Kasi nasasaktan siya.
Tinapik nito ang balikat niya. "Pero alam kong may paninindigan ka..mahirap man yan pero..siguro nga ito ang kapalaran niyo,"saad nito. " Ako na ang bahala sa kanya. Pero hindi ko siya pipigilan na makahanap ng ipapalit sayo ah,sayang..pogi mo pa naman ngayon maiksi na ang buhok mo!"pagngisi nito na kinailing niya.
Isa pa iyun na nagpapahirap sa kanya. Ang makahanap ito ng ipapalit sa kanya.
"May susundo sayo?" untag sa kanya ni Evelyn. Magkaharap sila nito na nakatayo sa gilid ng bangin. Ang bangin kung saan pinagtagpo sila ng tadhana.
Tumango siya.
"Spaceship ba?"nakangisi nitong sabi.
Hindi na niya napigilan pa ang sarili. Hinila niya ang dalaga at buong higpit na niyakap ito.
"H-hinding-hindi kita makakalimutan,Evelyn.." anas niya na pilit pinatatag ang sarili na huwag maging emosyon ng mga oras na iyun.
"I-ikaw din,Alazis..m-ma-mamimiss kita," pagpiyok nito.
Nanikip ang dibdib niya ng makita ang pagluha nito. Mabilis na pinalis niya ang mga iyun.
"Pakiusap,huwag kang umiyak,"nakikiusap niyang sabi rito.
Agad naman tumango ito. "Sorry..hindi ko na mapigilan eh! Ang...ang hirap na kasi," saad nito na sunod-sunod pa rin ang pagluha.
"M-mahal na mahal kita...lagi mo yan tandaan," emosyunal na niyang saad.
Bago pa man makatugon ang dalaga siniil na niya ito ng halik. Ang huling halik na pagsasaluhan nila ng babaeng binigyan niya ng pangalawang buhay. Ang babaeng nagpabaliw sa kanya. Ang babaeng nagpaunawa sa kanya kung ano ang pag-ibig.
"P-paalam.."
"Alazis..." lumuluha nitong sambit sa pangalan niya bago siyang tuluyan balutin ng liwanag at unting-unti higupin pataas.
"M-mahal na mahal kita," usal niya bago siyang tuluyan lamunin ng liwanag.
May mga katanungan siya na naiwan sa lupa.
Tama bang iwan niya sa lupa ang kanyang ikakasaya?
Tama ba ang naging desisyon niya?
Tama ba na naging makasarili siya?
Tama bang...saktan niya ang sarili para lang panindigan ang binitawan niyang salita?
Baliw siya.
Tanga...nasasaktan siya ng sobrang-sobra. Sana hindi na lang siya naging bituin ng buhay at naging ordinaryong tao na lamang siya gaya ng babaeng inibig niya.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...