PRETENDING
Bawat segundo na lumilipas sinusulit ni Evelyn ang makasama si Alazis. Anuman oras kailangan na nitong umalis..at iwan siya.
Oo..masakit sa kanya. Sobra. Lalo pa at mahal na mahal mo siya pero kailanman hindi mo naman makakasama.
Timingala siya sa kalawakan. Nangningningan ang mga bituin. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya.
"Siguro naman makikita niya ko mula roon," anas niya habang nakatingala pa rin. Agad na pinigilan niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya.
Hindi siya dapat umiyak. Kasi kung iiyak siya mas lalo lamang siya mahihirapan.
Mahirap na nga ang magpanggap na tanggap niya ang nalalapit na paghihiwalay nila ng binata. Palalain pa ba niya?
Tuloy lang ang buhay dapat niya gampanan ang pangalawang buhay na binigay nito sa kanya.
"Bakit hindi ka kumakain? Gusto mo subuan kita?" untag niya sa binata na nakatitig lang sa kanya habang kumakain sila sa isang restaurant. Ngumisi siya rito para ikubli ang tunay na nararamdaman sa tuwing nakikita niyang nasa ganun emosyon ang binata.
Alam niyang nahihirapan din ito at...pareho lamang sila nagpapanggap na tanggap nila ang kahahantungan ng lahat.
"Sa susunod na ng gabi ang pag-alis ko," anito na hindi inaalis ang titig sa kanya.
Alam niyang tinatantiya nito ang magiging reaksyon niya at mabuti na lang hindi nito pinapasok ang isip niya.
Pilit niya pinakita ang sigla sa paningin nito.
"Talaga...kung ganun may dalawang araw na lang pala tayo makakasama," aniya na may maliit na ngiti pero hindi naikubli ang lungkot sa tono niya.
"Kung ganun pala..dapat na natin sulitin ang dalawang araw natin!"masigla niyang untag rito.
Nanatiling nakatitig lang sa kanya ang binata.
Gusto niyang umiyak,sa totoo lang pero..hindi!
"Doon ako sa bahay mo matutulog,okay?"nakangisi niyang turan dito.
Pinagtaas-baba niya ang mga kilay rito hanggang sa mapabuntong-hininga ito.
" You really crazy,"usal nito na kinatawa niya.
"Crazy ka rin naman over me eh!" aniya sa maarteng saad.
Napataas ito ng isang kilay. "Tss.."
Natawa siya sa pagsusuplado nitong tugon.
"Your promise?"
Nag-angat ito ng mukha sa kanya at nangunot ang nuo.
"Hala! Nakalimutan na niya oh," kunwa'y nagtatampo niyang turan. Lalo lumalim ang pagkakakunot-noo nito.
"You said,papagupit mo yang buhok mo,last time ah! Yung time na na--"
"Enough! Naalala ko na," mabilis nitong putol sa pagsasalita niya.
"--gcamping tayo," patuloy niya na nakangisi na napabuntong-hininga nito.
Tumawa siya. "Bilis. Tapusin na natin ang pagkain tas pagupit ka na!"
Literal na umawang ang mga labi ni Evelyn ng makita ang bagong gupit na kasintahan.
"Alazis?"
Napabuntong-hininga ito.
"Buhok ko lang nabawasan kaya ako pa rin ito," anito na hindi komportable sa bago nitong anyo.
Napakagwapo nito ngayon maigsi na ang buhok nito.
"Sheyt! Ang gwapo mo talaga!"
Napapahiyang napalingon ito sa ilang kaibabaihan na nasa paligid nila na napapadaan sa nilabasan niyang pagupitan sa loob ng mall.
Namamangha ang mga ito at natawa sa naging reaksyon niya. Bago pa man siyang muli magkomento hinila na siya ng kasintahan at inakbayan.
"Stop that..tumingin ka sa unahan mo," untag nito sa kanya.
Yumakap siya sa beywang nito.
"Papicture tayo..for remembrance!"
"Pwede naman sa celpon mo na lang.."
"Pwede din pero may nakita akong photobooth dun!"turo niya sa kaliwang bahagi ng mall.
Tumigil ito at sumulyap sa kanya nakangisi naman siya.
" Okay...pero humanda ka sakin mamaya,"anito na kinainit ng mga pisngi niya.
Tahimik na tumutulo ang mga luha ni Evelyn habang pinakatitigan ang gwapong mukha ni Alazis habang mahimbing ito natutulog. Kipkip niya ang kumot sa itaas ng dibdib niya na nakaharap rito habang ito naman nasa ibabang bahagi ng katawan nito ang kumot.
Sinulyapan niya ang hawak na mga litrato nila mula sa photobooth na may iba't-ibang desinyo.
Mas nagustuhan niya ang kuha ng halikan siya nito sa gilid ng nuo niya habang nakatitig siya sa camera. Bituin ang frame niyun.
Agad na pinunasan niya ang luhang muli tumulo sa mga mata niya.
Ang hirap ng magpanggap na kaya mo ang lahat. Ang magpanggap na hindi ka nasasaktan at magpanggap na hindi ka luluha.
"Mahal na mahal kita,Alazis.." paos niyang bulong habang mataman pa rin nakatitig sa mukha ng binata.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...