IN LOVE
Hindi na mapakali si Evelyn. Isang gabi ng hindi umuuwi si Alazis. Nag-aaalala na siya rito at higit sa lahat namimiss na niya ito.
I miss him so much!
Hindi kaya dahiL sa kapusukan niya kaya ito umalis?
Napasimangot siya. Big deal ba yun sa kanya?
Siguro? Baka? Alam mo naman na isa yun bituin ng buhay! Hindi yun tao tulad mo na masyadong mapusok!
Marahas na napabuga ng hangin ang dalaga.
Oo na. Mali nga siguro ang ginawa niya. Ngayon lang niya natanto na nakakahiya siya.
Maghahating-gabi na wala pa rin si Alazis. Nakaligtaan na rin maghapunan ng dalaga ng makatulog ito sa salas sa kakahintay rito.
Hindi niya alam kung nanaginip ba siya o hindi pero pakiramdam niya nakalutang siya.
Napangiti siya. Mukhang sa panaginip na naman niya mararanasan ang lumipad sa kalawakan gaya ng pangarap niya na maging astraunaut.
Nanatiling nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Evelyn hanggang sa maramdaman niya na lumapat ang likod niya sa malambot na bagay.
Wow,ang sarap talaga humiga sa ulap!
Nagmulat siya ng mga mata at namulatan niya ang gwapong mukha na nagpapatibok ng puso niya.
"Alazis..nandito ka rin pala?" masaya niyang saad.
"Ah Oo nga pala! Bituin ka nga pala kaya malamang nandito ka rin!"
Nanatiling nakatitig lang sa kanya ang supladong mga mata nito pero hindi nawala ang masayang ngiti sa mga labi ni Evelyn.
"Sakali na babalik ka na sa inyo..alam mo sobrang mamimiss kita!"
Pinigilan ng dalaga na abutin niya ang mukha ng binata na nanatili pa rin nakatitig lang sa kanya.
"I miss you so much ngayon pa lang mamimiss na kita," madamdamin na niyang saad.
"Sana..sana hindi ka na lang umalis kahit hindi mo ako magustuhan basta makita at makasama lang kita.."
Isang pilit na ngiti ang gumuhit na sa mga labi ng dalaga ng makitang wala man lang reaksyon ang binata sa mga pinagsasabi niya.
Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib niya dahil dun. Ganun ba talaga na hindi siya magugustuhan nito?
"I'm in love with you,Alazis.."
Nagmulat ng mga mata si Evelyn at ang sikat ng araw ang sumalubong sa pagmulat niya. Agad na nangunot ang nuo niya ng matanto na nasa isang silid na siya.
Ang pagkakatanda niya sa salas siya natutulog.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasíaAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...