SMILE
Mataman na pinagmamasdan ni Alazis si Evelyn. May isang emosyon na gustong kumawala sa kanya pero agad na pinipigilan niya iyun dahil hindi niya gawain yun! Higit sa lahat hindi niya kilala ang ganun emosyon!
"Saan mo gusto akong magsimula,Evelyn?" untag niya rito. Pinatili ang malamig na tingin rito.
Nasa bakuran sila at nakaupo ito sa concrete bench sa ilalim ng puno ng mangga habang siya nakasandig ang isang balikat sa puno na nakahalukipkip ang mga braso sa harapan.
Wala siyang pakielam kung suplado ang tingin nito sa kanya. Iyun ang mas mainam na tingin nito sa kanya.
Oo..para hindi ka matulad sa ibang bituin,tama?
Agad na tinakwil niya ang nagsasalita na naman niyang isip.
"Bakit buhay pa ko?" maya-maya usal na nito at nag-angat ng mukha sa kanya.
May pagtataka na masasalamin sa mga mata nito.
"Bago ko yan sagutin. Dapat mo muna malaman kung ano ako. Ang tunay na pagkatao ko ay siyang malaking dahilan kung bakit buhay ka pa hanggang ngayon," tugon niya rito.
"Kung ganun,ano ka? Ahm,sino ka? Paano?"
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.
"Hindi ako nagmula rito sa lupa o sa mundo niyong mga tao..nagmula ako sa kalawakan. Sa Starry Temple,ang aking tirahan. Isa akong..bituin ng buhay. Ang bituin na siyang nagbibigay ng pangalawang buhay sa taga-lupa at isa ka sa maswerte na nabigyan niyun at ako ang nagbigay ng pangalawa mong buhay,Evelyn," pahayag niya rito.
Kumurap-kurap ang dalaga habang unti-unting umaawang ang mga labi nito.
"S-seryoso...?" maya-maya anas nito.
Marahas siyang napabuga ng hangin. "Kung hindi mo nauunawaan,di ko na problema yun,magpasalamat ka na lang na buhay ka pa.."suplado niyang untag rito pagkaraan.
" Kung...ganun..may magic ka?"
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Alazis sa sinabi nito.
Aminin mo,Alazis Daru. Gusto mo matawa!
Tumikhim siya at umayos ng pagkakatayo sa harapan nito.
"Hindi ako Genie o si San Pedro..bituin ng buhay,ang isang tulad ko. Bituin.Ng.Buhay." dahan-dahan at mariin niyang saad sa tatlong salitang iyun.
Napatitig sa kanya si Evelyn. Sinubukan niyang basahin ang nasa isip nito pero..masyadong magulo yun kaya hindi na siya nag-abala pa pasukin ang isip nito.
Ngayon pa lang dapat na niyang pigilan ang kakayahan iyun rito.
"Talagang buhay pa ko! As in! For real! Wow! Isa kang bituin ng buhay! Ikaw ang bumuhay sakin! Ang galing niyun!" maya-maya bigla nitong sambulat.
Napamaang na lang si Alazis sa naging reaksyon ng babae.
Tumayo ito at ngayon ay parang na nasisiraan ng bait.
Tumatawa ito at ngingisi.
Napaigtad siya ng abutin nito ang mga kamay.
"Salamat sayo,Alazis! God! Thank you! He's my guardian angel! "
Napaawang ang mga labi ni Alazis habang magkadikit ang mga balat nila ng babae. Bumibilis ang tibok ng puso niya.
Binitawan na siya nito at tumatawa pa rin ito.
"Hindi ako makapaniwala pero..heaven! Naniniwala na talaga ako na isa akong mabuting tao dahil binuhay Niya pa ko!"
Ngumisi ito sa kanya.
"Thank you so much! May pag-asa pa kong magkaasawa!"anito sabay takbo na masayang-masaya.
Humihinto ito at luluhod para kausapin ang mga ligaw na halaman at bulaklak.
Napailing na lang si Alazis habang pinapanuod ang parang bata kung umasta na dalaga.
Ngunit bigla na lamang may gumuhit sa mga labi niya ng masaksihan ang pagkatalisod ng dalaga sa isang ugat ng puno at napaupo ito pero imbes na masaktan humiga ito at nakangiti pa rin na tumingala sa kalangitan.
Aha,ngumiti ka,Alazis!
Huli na para itanggi niya iyun.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...