THUNDER
Wala sa isip niya na manatili sa condo unit ni Evelyn pagkahatid niya rito pero..bumuhos ang napalakas na ulan at baha na ang kalsada kung saan doon ang daan patungo sa unit ng dalaga kaya naman wala siyang choice kundi manatili muna at iyun din ang gusto mangyari ng dalaga.
Pero alam mo sa sarili mo na gusto mo yun!
"Ito,kape..pinagtimpla kita!" pukaw sa kanya ng dalaga.
Nasa salas siya at nanunuod ng balita sa flatscreen TV nito.
"Grabe,babagyuhin pala tayo ngayon buti na lang nakarating na tayo dito bago pa bumuhos ang ulan," bulalas nito ng mailapag ang kape niya sa center table.
"Siyangapala,iuurong ko na lang itong mesa para dito ka sa carpet makapaglatag ng higaan kasi kung dyan sa sofa hindi ka kasya," anito sabay sulyap niya sa kinauupuan pahabang sofa. Yeah,maliit nga yun sa tangkad niya lalagpas ang mga paa niya at ayaw niyang nakabaluktot matulog! Weird!
Tumango siya. "Ayos sakin," tugon niya.
"Pasensya na isa lang room ng unit ko,since mag-isa lang ako saka ito lang ang carry ng sinasahod ko!" natatawa nitong untag.
"You don't need to stay here anymore since nasa saiyo na ang funds mo,mas makakabili ka ng mas malaki kaysa rito," komento niya.
Nagkibit ito ng balikat. "Saka na lang siguro saka mag-isa lang naman ako," anito.
Napatitig siya rito. Yeah,she's alone because she's a single woman.
Huwag ka ng magsuggest baka magdala lang ng lalaki yan kapag malaki na ang bahay niyan!
Naipilig niya ang ulo sa sinabi ng isip niyang iyun.
For real? Nababaliw na talaga siya!
Napano ba siya?!
"Uh,kukunin ko lang yung higaan mo," untag nito sa kanya.
Tahimik na tumango lang siya rito. Napabuga siya ng hangin at sabay sapo sa tapat ng puso niya.
Hindi na ba niya mapipigilan iyun?!
Agad na umayos siya ng pagkakaupo ng maramdaman ang paglapit ng dalaga sa kanya. Bitbit na nito ang isang malaking bag at dalawang unan.
"Nandito ang kumot at sapin saka ito ang dalawang unan," anito sabay lapag ng mga iyun sa paanan niya.
"Okay..matulog ka na,Evelyn.."aniya.
" Sige po..goodnigth na nga!"anito na nakangisi sa kanya.
Napailing na lang siya alam niya hindi pa ito nakakaget over sa nangyari eksena kanina.
Tsk,buang lang siya!
Mabilis na napamulat ng mga mata si Alazis dahiL sa malakas na kidlat.
Bumangon siya sa pagkakahiga. Maganda nga sana na may wallglass sa unit ng dalaga at kita ang buong siyudad sa labas pero ang makitang gumuguhit ang kidlat sa labas nakakabagabag at isa pa dinig na dinig pa ang kulog niyun mula sa loob.
Napabuga siya ng hangin. Dapat lang talaga na lumipat na siya ng matitirhan! Bakit pa kasi umalis ito sa bahay niya!
Napabaling siya sa nakasarang pintuan ng silid ng dalaga ng marinig niya ang isang tili roon.
Pinakinggan niya muli kung tili nga ba yun mula sa loob ng silid na iyun.
Muli kumidlat at malakas na dumagundong ang kulog kasabay ng malakas na tili muli sa loob ng silid ni Evelyn.
Agad na nilukob siya ng pag-aalala. Mabilis pa sa hangin na narating niya ang pintuan at sunod-sunod na Kumatok.
"Evelyn!"
Pinihit niya ang doorknob nito at bumukas iyun.
Muli sumabay sa kulog ang takot na tili mula sa dalaga na nadatnan niyang nakasiksik sa sulok ng silid nito.
Mabilis na lumuhod siya sa harapan nito.
"Evelyn.."
"Alazis! N-natatakot ako.." lumuluha nitong sabi habang takip-takip nito ang magkabilang tainga gamit ang mga palad nito.
Hindi nya alam na takot pala ito sa kidlat at kulog!
"Huwag kang matakot,you are safe here," pang-aalo niya rito.
"I-i'm scared..b-bata pa lang ako takot na ko sa kidlat at kulog," anito na pilit na kinakalma ang sarili.
Tumabi siya ng upo sa gilid nito. "Sige..sasamahan kita hanggang sa mawala sila," aniya.
Bumaling sa kanya ang dalaga. "Talaga? Okay lang ba sayo?"
Tumango siya rito at inakbayan na ito.
"You can lean on me and sleep..dito lang ako," anas niya.
Tahimik na sumandig ang dalaga sa kanya.
"Thank you,my star.."
Maya-maya pa ay mahimbing ng nakatulog ang dalaga.
Nagpakawala siya ng mahabang hininga.
"Goodnight..my crazy girl," usal niya sabay pikit na rin ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasiaAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...