Chapter 8

1.8K 91 4
                                    

FIRST TIME

Marahas na napabuga ng hangin si Alazis pagkaraan niyang patayin ang makina ng bigbike niya. Nilingon niya ang babae na mahigpit pa rin nakayakap sa kanya.

"Bitaw na,nandito na tayo,"pukaw niya rito.

Unti-unti ito nagmulat ng mga mata. Isang supladong tingin ang pinukol niya rito ng magkatitigan sila ng dalaga.

Napakurap ito at marahas na napabitaw sa kanya.

"Uh,sorry..bakit naman kasi ang taas nitong upuan mo sa likod eh," tila wala sa sarili nitong saad habang hindi alam kung paano ito bababa.

Muli siya napabuga ng hangin.

Napatili ito ng gumalaw siya para bumaba at napakapit ito sa katawan niya.

"Baka mahulog ako!!!"takot nitong bulalas.

"Mahulog ka man,mababa naman ang babagsakan mo..hindi gaya ng nahulog ka sa bangin," saad niya.

Natigilan ang babae. Ang takot at kaba nito sa mukha ay naglaho bigla.

Huli na para matanto ni Alazis ang nasabi. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago dahan-dahan umalis sa motor niya habang hawak niya ito sa siko.

"Baba na," pukaw niya rito.

Tahimik na tumango agad ito. Nakaramdam ng guilt si Alazis. Marahil ayaw na nito pa maalala ang masaklap na kamatayan nito.

Awtomatiko na hinapit niya ito sa beywang ng bigla na lamang ito sumablay sa pag-apak sa semento. Napaangat ito ng tingin sa kanya.

He look at her eyes. Bakit ngayon lang niya nalaman kung gaano kaganda ang mga mata nito?

Ngunit bago pa man siya malunod sa mga mata nito agad na binitawan niya ito. Tila natauhan din ang dalaga at nagpalinga-linga pagkaraan.

"Dito pala ang simbahan..sasama ka ba sakin sa loob?"anito na hindi tumitingin sa kanya.

" Hihintayin na lang kita dito sa labas,"tugon niya na kinatingin nito sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo sa loob?"kuryusong tanong nito.

Pinangunutan niya ito ng nuo.

" Hindi ako takot sa Kanya,Evelyn...gusto lang kita mapag-isa sa loob,"tugon niya rito.

Napangiti ito ng alanganin. "Sabi ko nga,sige..pasok na ko sa loob ng simbahan," anito at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng simbahan. Hindi araw ng simba ngayon pero may ilan naman tao sa paligid. Hinatid niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob at mawala sa paningin niya.

Kalahating oras din siyang naghintay bago niya itong nakitang lumabas. Napatitig siya sa mukha nito. Mugto ang mga mata pero nakangiti ito sa kanya ng makalapit sa kinaroroonan niya.

"Ayos ka na?" matiim niyang tanong rito habang nakatitig sa mukha nito.

"Oo! Ayos na ayos na!" masigla nitong saad na sinabayan pa ng dalawang pagthumbs up.

Tumango siya na nakatitig pa rin rito.

"Oh! Fish ball!" bulalas nito at tinuro ang tinutukoy nito.

Sumunod siya rito. Masaya itong nakikipag-usap sa babae na nagtitinda ng fishball.

"Salamat po!"anang ng dalaga at humarap sa kanya. "Kumain ka na nito?" tanong nito sa kanya.

Nakapamulsa na tinitigan niya ang fish ball na nakatusok sa isang stick.

"Hindi.."

Napangisi ito. "Tikman mo,masarap 'to...paborito ko kaya ito!"nilapit nito sa kanya ang hawak nitong fishball.

"Hindi na..ikaw na ang kumain," tanggi niya.

Hindi siya mahilig kumain ng kung ano-ano. Kahit mukhang masarap hindi niya sinubukan.

Dahilan niya ,isa iyun sa mga tukso kung bakit nababaliw ang mga katulad niyang bituin sa mga bagay rito sa lupa kung bakit ayaw na ng mga ito bumalik pa sa starry temple bukod sa pag-ibig.

"Sige na! First time mo itong makakain hindi ba since hindi ka galing dito?!" anito na kinapukaw niya.

Bored niya itong tinitigan. "Ayoko," mariin niyang tanggi rito.

Pero makulit ang babae. "Manang oh! Ayaw niya sa fishball mo!"

"Naku,hijo! Masarap yan saka malinis naman yan laging bago ang mga tinda ko kaya hindi ka mapopoison dyan," anang ng tindera sa kanya.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Nginisihan naman sya nito.

Nakaramdam siya ng pagkapahiya ng tumingin na sa kanya ang ilang bumibili rin ng fishball.

Marahas siyang napabuga ng hangin at napipilitan na kinuha niya rito ang hawak ng dalaga.

Pikit-mata na sinubo niya ang isa na nababalutan ng malagkit na sauce.

Dahan-dahan niya iyun nginuya.

Masarap.

"Masarap ba?" untag ni Evelyn sa kanya.

Muli siya sumubo ng isa pa hanggang sa namalayan niyang marami siyang nakain at natikman rin niya ang tinatawag ng kikiam at itlog pugo na binalutan ng iba't-ibang kulay ng harina.

Lahat masarap.

First time niyang kumain ng mga iyun.

Oo,Alazis..iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ng bumalik sa starry temple ang mga tulad mo!

SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon