ACCUSE
Tinaasan siya ng kilay ni Bianca ng makapasok siya sa opisina. Abala ito sa pagbabasa ng papeles na pasamantalang binaba nito sa desk para harapin siya na nakatayo sa harapan nito.
"As you can see,I'm busy,kung may sasabihin ka,sabihin mo na,Evelyn," bossy nitong sabi sa kanya. Humalukipkip ito at prenteng sumandal sa sandalan ng president's chair.
"Hindi naman ako magtatagal..gusto ko lang itanong kung may alam ka ba sa nangyari sakin?" deretsahan niyang tanong rito.
Naikuyom niya ang mga palad ng tawanan siya nito.
"Inaakusahan mo ba ko na ako ang gumawa niyun sayo? Porket hindi maganda ang trato ko sayo sa tingin mo gagawin ko yun?" nakatawa nitong turan.
Ngumisi siya rito." Bakit hindi? Hindi ba nagawa mo na nung una? Nakalimutan mo na ba?"
Bigla nabura ang ngisi sa mga labi nito at napalitan iyun ng pamumutla.
"Kung sa akala mo palalampasin ko yun,nagkakamali ka..hindi ko hahayaan na balewalain na lang ang pagpatay niyo sakin," buong diin niyang saad sa huling salita.
Marahas na tumayo si Bianca na nanlilisik ang mga mata. "Sa tingin mo may maniniwala sayo? Oh come on,Evelyn! Bitter ka lang dahil wala kang kakayahan na hawakan ang kompanya kaya gagawa ka ng kwento para paalisin ako sa pwestong ito," depensa nito.
Nanatili nakangisi lang siya rito. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito pagdating sa emosyon.
"Hindi ko alam kung bakit makaangkin ka sa kompanya ito eh,akala mo sayo nakapangalan ito?" aniya sabay halukipkip niya sa harapan nito na lalo kinasingkit ng mga mata nito.
Hindi nakaimik ang stepsister niya lalo lang siya napangisi.
"Sa ngayon,hahayaan muna kita rito pero make sure na hindi mo pababayaan ang kompanya.."saad niya.
Lumapit siya rito at tinukod ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at nilapit ang sarili rito.
" Hindi ko hahayaan na mapasayo ang pwesto na ito...hindi nararapat na umupo rito ang isang mamamatay-tao,"bulong niya rito.
Lalong namutla ang babae. Nginisihan niya ito bago niya ito tinalikuran.
"Hindi kita hahayaan na masira ako!!!"
Iyun ang narinig niya bago siya nakalabas ng opisina.
Marahas siyang napabuga ng hangin. Agad na kumalma ang galit na kanina pa niya pinipigilan na umalpas ng magsalubong ang mga mata nila ni Alazis.
Agad na napangiti siya rito.
"Alazis!"
Hindi niya alam na makikita niya ito roon. Hindi naman niya ito kasama na umalis siya.
Bored na lumapit ito sa kanya.
"Ayos ka lang?"
Lalo siya napangiti. Kahit mukhang wala itong pakielam nagagawa pa rin nitong mag-aalala sa kanya.
Talaga ba,Evelyn?
"Oo naman..uh,bigla ako nagutom kain tayo sa labas?"
Tinaasan siya nitong ng kilay.
"Treat ko! May pera kaya ko!"
Nantiling wala itong tugon.
"Ei,sige na!"
Hindi na niya hinintay pa na makapagdesisyon ito hinila na niya ito patungong elevator.
BINABASA MO ANG
SSL SERIES 2: ALAZIS DARU byCallmeAngge(COMPLETED)
FantasyAlazis Daru,ang 'bituin ng buhay'. Isang bituin na may kasingtigas ng bato ang paninindigan na hindi niya tutularan ang mga naunang bituin na mas pinili ang buhay sa mundo ng mga tao at mawala ang kakayahan mabuhay ng walang hanggan.Ngunit mapapanin...