Neil's POV
Ginugulo ko ngayon ang mga kasamahan ko sa head quarter lalo na si Oliver ngayon. Hindi pa kasi pinapabalik ni Kurt si Zion simulang naaksidente siya dahil sa ginawa ng anak niya na hindi naman talaga niyang anak. Walang alam si Zion tungkol doon at mabuti na lang nalaman ni Oliver agad doon.
"So, Oliver wala ka bang napupusuang babae ngayon? Kung wala, I can introduce you sa mga babae nakilala ko." Taas baba ang mga kilay ko sa isang kasamahan sa trabaho.
"Nah, pass. Wala akong balak magkaroon pa ng girlfriend ngayon, Neil. Ang gusto ko lang ay gawin ang trabaho ko at saka masyado pa akong bata para sa ganyang bagay."
"Exactly, pre. Bata ka pa kaya kailangan mo mag-enjoy sa buhay buhay. Maglibang libang katulad noong gabing nasa club tayo kasama yung kaibigan ni Rocco. May kausap kang babae noon."
"Iyon ba? Huwag mo sana bigyan ng malisya iyon dahil wala lang iyon." Sagot nito sa akin. Si Oliver kasi ang pinakabata sa grupo namin kahit ganoon ay nakikisabay na siya sa mga kalokohan namin sa isa't isa. Kahit baguhan pa lang siya ay tinuring na namin siyang kaibigan at pamilya.
"Neil." Nilingon ko si Kurt nang tawagin niya ako. Isturbo naman ito. Iniinterview ko pa si Oliver.
"Bakit?"
"Gusto kang makausap ni Z ngayon." Inabot niya sa akin ang kanyang phone kaya kinuha ko na iyon kay Kurt bago sagutin si Zion.
"Hello, Zion? Gusto mo raw ako makausap. Tungkol saan?"
"Alam kong may ginagawa ka ngayon, Neil pero kailangan ko ng advice ng isang abogado. Ikaw lang makakatulong sa akin. Yung seryoso ah."
"Okay. Shoot." Handa naman ako tumulong sa mga kaibigan ko. Pero madalas nila nakikita sa akin hindi seryoso sa isang bagay. Ang totoo niyan ay hindi pa nila nakikitang seryoso ako sa labas ng pagiging agent ko.
"Gusto ko kasi kunin si Clay sa puder ni Kelly pero alam ko naman hindi pa naman sapat ang sinasabi ng bata sa akin para maging ebidensya kung umabot man kami sa korte."
"Ano ba sinasabi ni Clay sayo?"
"Palagi daw siya sinasaktan ni Kelly. Matalinong tao si Kelly kaya gagawa siya ng ibang storya para walang maniniwalang nagsasabi ng totoo si Clay o hindi."
"Kung palagi nga siya sinasaktan ng dati mong nobya ay hindi pa rin tama ang ginagawa niya. Masyado pang bata si Clay at isa pa... child abuse ang ginawa niya. Pwede rin siyang makulong ng ilang taon."
Ganoon ba talaga kapag politiko ang pamilya mo? Pero hindi rin siguro dahil hindi naman ganoon kasama si Zion at isa rin naman politiko ang ama niya. I know Zion for how many years. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako pumasok bilang agent. Basta matagal na rin.
"Pre, ito lang sinasabi ko hindi ko na tinapos ang pagiging abogado ko noon kaya hindi kita matutulungan masyado pero may kilala ako na pwede mo maging abogado. She is a good friend of mine."
Alam kong sayang dahil isang semester na lang ay matatapos ko na ang pagaaral ko ng law pero puro pasang awa lang naman ang mga grades ko. Wala talaga akong profession para maging lawyer kaya hindi ako makahindi dahil ito ang gusto ng mga magulang ko. Ang maging abogado ako kahit ayaw ko. Simulang namatay sila sa isang aksidente ay hindi ko na tinapos ang law. Wala akong pinagsabihan na kahit sino, kahit ang kaibigan ko sa law school. Until I heard na naging successful attorney na siya ngayon. Proud ako sa kanya. Siya ang first love ko pero hindi kami bagay sa isa't isa. Kapag naging kami ay mapapahamak lang siya dahil sa trabaho ko as an agent. Ayaw ko madamay ang tahimik niyang buhay.
"Text ko na lang sayo kung saan ang law firm niya para mapuntahan mo siya. At sasabihan ko na lang din siya para alam niya."
"Thanks, pre."
"But let me remind you masyadong seryoso ang taong iyon sa bagay-bagay. At mukhang strict pero mabait iyon." Napangiti na lang ako dahil naalala ko na masyado nga talaga siyang seryoso sa mga bagay-bagay kaya siguro walang lalaki ang nagkakagusto sa kanya maliban sa akin. Masaya ako noon dahil wala ako magiging karibal, ewan ko na lang ngayon.
Pagkatapos kong kausapin si Zion ay binalik ko na kay Kurt ang phone niya para maibigay ko na kay Zion ang address ng law firm ni atty. Francine Ainsley. Pagkabigay ko ng address kay Zion ay tinext ko na rin agad si Francine. Kinuha ko ang contact number niya sa internet dahil sikat nga siyang abogado sa Pilipinas.
To Fannie;
Fannie, are you busy?
From Fannie;
Neil? Ikaw ba ito?
To Fannie;
Yep. One and only Neil Acosta. So, are you busy?
From Fannie;
Hindi naman ako busy. Why?
To Fannie;
May kaibigan kasi akong kailangan ng tulong mo baka pumunta diyan sa law firm mo.
From Fannie;
Okay. What's his name?
To Fannie;
Zion Montemayor.
From Fannie;
Montemayor? I can't believe you're a friend with Montemayor, Neil.
To Neil;
Ngayon maniwala ka na dahil may kaibigan talaga akong Montemayor. But anyway, thank you. ♥︎
Hindi naman talaga masungit si Fannie sa akin. She is the most sweetest woman I'v ever met. Siya lang ang palagi kong nilalapitan kapag may problema ako pero noong namatay ang mga magulang ko ay umalis na rin ako sa law school. Ngayon nga lang ulit kami nagkaroon ng communication na dalawa.
"Mukhang masaya ka yata ngayon, Neil." Tumingin ako kay Miguel noong tinago ko na ang phone ko.
"Palagi naman ako masaya ah." Sagot ko. Kung alam lang ng mga kaibigan ko. Sa kaloob looban ko ay hindi naman talaga ako masayahing tao. Mukha lang akong masaya sa ibang tao pero ang totoo niyan ay hindi naman talaga. Ayaw ko kasi ipakita sa kanila na malungkot ako.
Hanggang ngayon ay sinisi ko pa rin ang sarili ko. Bago nangyari ang aksidente ay nagaway kami ni dad at lumayas ako sa amin. Hindi ko alam na hinanap pala nila ako noong gabing iyon. May truck na biglang sumulpot sa dinadaanan nila at lasing pa yung driver. Kung sinunod ko lang ang kagustuhan ni dad noon ay sana buhay pa sila hanggang ngayon.
Ang akala ko nga hindi ko na magagawa maging masaya pero nakilala ko ang mga kasamahan ko sa head quarter. Katulad ni Kurt ay tinuring ko na rin silang pamilya ko. Pangalawang pamilya. Pero hindi ko magawang sabihin sa kanila ang nakaraan ko dahil bitbit ko pa rin ang sakit at pagsisi sa nangyari
BINABASA MO ANG
Love Of My Life
RomanceAgent Series # 4 Siya si Neil Acosta, mas kilala siyang loko-loko at babaero sa grupo nila dahil kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya pero may isang babae na naglalaman ng kanyang puso kaya lang hindi sila pwede maging sila dahil kailangan niyang...