Chapter 12

808 27 0
                                    

Bukas na ang birthday ko. Alam ko lahat na tao ay excited na magdiriwang ang kanilang kaarawan maliban sa akin. Kahit sabihin natin na once in a year lang naman tayo nagdidiriwang ng ating kaarawan. Ano ang magagawa ko? I don't really feel to celebrate it. Wala rin naman saysay. Edad ko lang naman ang dumadagdag.

Pagdating ko sa head quarter ay nakita kong naguusapan ang mga kasamahan ko kaso nang napansin nila ako ay huminto na sila sa paguusap. Tinaasan ko sila ng isang kilay.

"Ano meron? Bakit bigla kayo tumahimik diyan noong dumating ako?"

"Wala naman. Anyway, ano pala ang balak mo bukas?" Napatingin naman ako kay Miguel.

"Wala. Matutulog siguro buong araw." Sagot ko sa kanya.

"Pre, kahit ngayong taon lang ay pumayag kang mag-celebrate na kasama namin." Napatingin naman ako kay Zion. Kung isang misyon lang ang sasabihin niya ay tatanggapin ko pa pero hindi, eh. To celebrate my own birthday. "Wala kang gastos dahil doon tayo sa Sky Island pupunta. Nakausap ko na rin si ate at regalo na rin iyon para sayo."

Bumuntong hinga ako.

Wala naman siguro mawawala sa akin kung gagawin ko ang kahilingan nilang lahat, no? Susubukan ko ang mag-celebrate na kasama nila bukas.

Nakita ko kung paano nag-fist bump sina Jake at Rocco. Ano naman kaya ang binabalak ng mga ito sa akin ngayon? Napailing na lang ako para alisin ang katanungan na iyon sa aking isipan.

"Bakit sa Sky Island pa ang naisipan niyong lugar? Pwede naman club."

"Ayaw mo iyon libre ka sa lahat doon dahil sagot na ni Zion ang lahat na gastusin mo." Ani Miguel.

"Oo nga. At saka marami din magagandang babae at baka makahanap ka doon."

"I don't need woman." Iling kong sagot kay Jake. Hindi na kailangan ng babae sa buhay ko kung sa bandang huli ay sasaktan lang pala nila. Tama na ang isang beses.

"Great. Impake ka na mamaya at susunduin ka namin mamayang gabi para makarating tayo doon bago sumikat ang araw." Sabi ni Zion.

"Ano naman ang sasakyan natin papunta doon?"

"Nag arkila ako ng van kanina. Kaya iyon ang gagamitin natin papunta sa resort namin."

"Tayo tayo lang ba ang pupunta doon?" Tanong ko ulit. Baka kasi kasama nila ang asawa nila at maiinggit lang ako dahil masaya na ang mga kaibigan ko sa labas ng pagiging agent.

"No worries, hindi naman namin kasama ang mga asawa namin. May sariling mundo ang mga iyon maliban kay Jake dahil doon na sila nakatira." Sabi naman ni Rocco na kinatango ko. Gusto ko nga matawa sa sinabi niyang may sariling mundo ang asawa nila. Sabagay, magkakaibigan naman ang asawa nila. "Pinaalam na rin namin kay Kurt at ang sabi niya ay susubukan niyang humabol bukas."

Kinagabihan ay natapos na rin ako sa pagiimpake ko ng mga dadalhin sa resort. Hindi ko alam kung gaano katagal doon kaya medyo dinamihan ko na ang dinala kong damit para makasigurado.

May narinig na rin akong busina. Baka sila na iyon kaya lumabas na ako sa apartment ko at nilock ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto ng van ay nakita kong kumpleto na pala sila dito.

Habang nasa biyahe kami ay ang iingay nina Jake at Miguel. Kahit doon na nakatira si Jake ngayon sa resort nila Zion simulang kinasal siya kay Trixie ay hindi niya naisipang pumunta doon ng mas maaga at gusto pa talagang kasama kami papunta doon.

"So, ano pala ang plano bukas?" Tanong ni Oliver. Himala iniwanan ang trabaho para lang sa birthday ko bukas.

"Kakain malamang ng agahan tapos sa bandang hapon ay maghahanap tayo ng chicks." Sagot ni Miguel sabay hakbay kay Oliver. "I know you like it too, Oliver."

"Huwag mo kami idadamay diyan sa plano mo, Mig." Ani Zion habang nagmamaneho ito ng van.

"Mahal ko si Sarah kaya hindi ko magagawa iyan at may tiwala sa akin ang asawa ko na hindi ko siya lolokohin habang nasa resort tayo."

Mga takot sa asawa ang mga tukmol. Yung totoo mga agent ba sila? Dahil mga takot sa asawa. Pero may kinakatakutan ka sa misyon na binibigay ng superior namin ay patay pa dahil iyon ang gagamitin nila para mapatay ka lang nila. You also need to protect yourself from enemies.

Tumahimik na sila noong nakarating na kami sa Sky Island. Ngayon pa lang ako dito nakapunta at in fairness ay maganda ang resort nila Zion at ang puti pa ng buhangin.

"Tara, guys. Kunin na natin ang susi ng magiging kwarto natin para makapag pahinga na rin tayo." Sabi ni Zion at nauna na siyang pumasok sa loob. Kahit anak siya ng may ari nitong resort ay dito pa talaga siya magpapahinga na dapat para sa mga guests ito. At hindi na lang doon sa bahay nila.

"Mga pre, uwi na ako baka hanapin ako ni Trixie pagkagising niya mamaya." Paalam ni Jake sa amin.

"Malapit lang ba ang bahay niyo?" Tanong ni Oliver kay Zion.

"Hindi naman. Medyo malayo ang bahay namin dito sa resort." Kinuha na ni Zion ang susi sa front desk at binigay na sa amin.

Pagkarating ko sa kwarto ay tumalon ako agad sa kama. Shit, ang lambot parang nasa ulap lang ako sa sobrang lambot ng kama nila dito. Kaya siguro maraming nagbabasyon dito.

Nagising na lang ako na may araw na sa labas at ang sarap ng tulog ko kanina dahil siguro pagod din ako sa haba ng biyahe namin para lang makarating kami dito. Wala din kasi kaming stop over para lang makarating agad sa destination. Ni hindi nga kami kumain ng hapunan kagabi.

Pagkatapos ko maligo at magpalit ng damit ay lumabas na ako. Nakita ko si Rocco na may kausap sa phone nito. Panigurado akong si Sarah ang kausap niya. Nagpasya na akong bumaba sa lobby.

Pumunta na ako sa beach para magpahangin. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Hindi masyado mainit ang panahon at sariwa din ang hangin. Isama pa ang amoy ng dagat.

"Gising na pala ang birthday boy." Nilingon ko ang nagsalita. Si Kurt. Nandito na pala siya.

"Anong oras ka nakarating dito?"

"Around 6 siguro. Medyo naligaw kasi ako kanina." Natatawang sagot nito sa akin. Wala kasi sa amin ang may alam kung paano pumunta dito. Maliban na lang siguro kay Jake at Zion. "Ready ka na ba para sa birthday mo mamaya?"

"I don't know. Siguro dahil ngayon ko lang kayo nakasama para magdiriwang ang kaarawan ko."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon