Neil's POV
Pagkagising ko kaninang madaling araw ay hindi naman ako agad nilipat ng kwarto dahil under observation pa ako sa nangyari. Marami rin ako nakuhang tama. Pagkagising ko ay si Fannie agad ang unang hinanap ko. I hope she's okay pero ang sabi ni Miguel ay okay naman daw ang kalagayan niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Simula noong nagising ako ay hindi na ako makatulog ulit kaya dilat na dilat ako buong gabi.
Ilang sandali ay nagpasya na ilipat ako sa isang private room at tahimik lang ako nakatingin sa labas ng bintana hanggang sa may narinig akong katok. Napatingin aki sa may pinto at nakita kong niluwa si Kurt.
"Hindi ko alam suki ka na pala ngayon ng ospital, Neil. The last thing I remember nasa ospital ka din tapos ngayon nandito ka ulit." Alam kong nagbibiro lang siya. Ganito siguro kapag kasal na. Naging maluwag na ang turnilyo. Kung noon kasi tinalo pa ang mga babae na paiba iba ang mood. Ayaw pa kasing aminin bipolar siya.
"Gago. Kasalanan ko ba na may kailangan akong protektahan noong panahon na iyon? I need to protect her kahit buhay ko pa ang kapalit. Alam mo naman kung gaano siya importante sa akin."
"So, nalaman mo na ba ang totoo?"
"Her twins are not mine. Iyon ang sabi niya sa akin noon."
"Speaking of Atty. Ainsley." Kumunot ang noo sa gustong sabihin ni Kurt sa akin. "I saw her at the hospital garden earlier bago pa ako tumuloy dito. May kasama siyang lalaki kanina and I accidentally saw them..."
"Saw them what?" Mas lalong kumunot ang noo ko sa pagbitin ni Kurt sa sasabihin.
"Saw them kissing." Pagtuloy niya sa sasabihin. Tangina. Ang sakit pala. Para akong sinaksak ng kutsilyo ng ilang beses sa aking narinig. "Neil, sorry. I am your friend kaya ko lang iyon sinabi sayo dahil ayaw ko--"
"Kurt, I just want to be alone. Pakisabi sa mga nurses na huwag na muna sila pumasok dito dahil gusto ko na muna makapag isa."
"What are you gonna do?"
"Wala akong gagawing masama dito. Gusto ko lang magisip na muna kaya please lang."
"Okay but make sure you don't kill yourself. Babae lang iyan. Marami pa diyan."
"Gago. Mas gugustuhin ko pa mamatay sa misyon ko kaysa maglaslas o mag-overdose sa mga gamot."
"Subukan mong gawin iyan at ako pa mismo ang papatay sayo." Iyon na ang huling sinabi ni Kurt bago pa siya lumabas ng hospital room ko.
Habang nakaupo ako sa kama ay nakadungaw lang ako sa labas ng binatana. Para nga mga langgam ang mga tao sa labas dahil sobrang liit nila. Nasa mataas na palapag kasi ako nilagay.
Until I heard a knock again kaya napatingin ako at niluwa noon ang babaeng ayaw ko na muna makita sa araw na ito.
"What are you doing here?" Cold na tanong ko sa kanya. Wala akong sa mood makipag usap sa kahit kanino.
"Binibisita ka. How are you?"
"Binibisita ako?" Sabi ko na may ngisi sa mga labi ko. Naiinis ako. "Is this kind of a joke, Francine?"
"What are you talking about, Neil? Pasalamat ka pa nga binibisita pa kita kahit marami ako kailangan tapusin sa trabaho."
"Ako pa ang may utang na loob sayo pagkatapos kong iligtas ang buhay mo. Bullshit." Napangiwi ako dahil sumasakit ang sugat ko sa katawan. Sariwa pa kasi ang mga nakuha kong sugat noong nakipag barilan ako kagabi. "Binibigyan mo ko ng motibong bumalik sa dati kong buhay."
"Deretsuhin mo nga ako."
"Nakita ka lang naman ng kaibigan ko kanina sa hospital garden na kahalikan mo yung lalaki mo. At dito pa talaga sa ospital ah." Nagtiim ang panga ko sa galit at tinitiis ko ang sakit nararamdam ko habang kumikirot ang sugat ko. Kaso walang mas sasakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. "Umalis ka na dahil kahit kailan man ay ayaw ko na makita ang pagmumukha mo. At sana ito na ang huling araw na pagkikita natin ngayon. Kalimutan na lang natin kung ano ang meron sa atin noon. Kakalimutan ko na rin ang lahat."
Hindi ko na inisipang tingnan dahil dumungaw na ulit ako sa labas ng bintana.
Iniisip ko bigla kung bakit ba kasi binubuhay pa ako kahit ilang beses na akong lumalaban sa kamatayan noon. Binubuhay ba ako sa kamatayan para saktan lang ako ng ganito?
Bakit ganito ang tadhana nangyari sa buhay ko ngayon? Sobrang sakit na.
Maya maya pa ay ilang nurses ang pumasok para tingnan ang kakagayan ako.
"Aba, ang tahimik mo naman yata ngayon."
"Ano ang gusto mong gawin ko? Ang magsalita dito kahit wala naman akong kausap. Sana hindi niyo na lang ako dinala dito, sa mental hospital na lang sana." Pagtataray ko sa kaibigan.
"May problema ba?" Tanong ni Rocco sa akin. Nandito kasi silang laht ngayon at panigurado akong galing sila sa head quarter kanina.
"Wala naman. Nabobored na ako dito kaya gusto ko ng lumabas ng ospital."
"Hindi iyon sinasabi ng mga mata mo, Neil. We know you." Sabi ni Jake habang nakaupo ito sa couch. "Handa naman kami maghintay kung kailan ka handang sabihin sa amin."
"Tama." Pagsasang ayon naman ni Zion kay Jake.
"At kayong tatlo, wala pa ba kayong balak umuwi at baka hinahanap na kayo ng asawa niyo." Pagiiba ko ng topic. Ang ayaw ko kasi ako ang maging topic.
"Alam ni Sarah na matatagalan ako ng uwi ngayon dahil nagpaalam ako sa kanya kanina na dadalawin kita." Sagot naman ni Rocco sa akin.
"Mabuti kaya mong lumayo ng matagal sa asawa mo, Rocco. Hindi katulad ni Kurt na hindi kaya ang lumayo sa asawa ng matagal." I said it with a serious tone pero tumawa lang ang mga kaibigan ko.
"Kilala mo naman ang taong iyon, pre. Hindi naman talaga niya kayang lumayo ng matagal kay Eunice. Ayaw pa kasi aminin sa atin na under sa asawa para matapos na."
The reason why I don't want to get married. Ayaw ko makatulad kay Kurt pero siyempre hindi naman ako papayag na maging under sa babae. Mas gugustuhib ko pa siguro ang tumanda at mamatay na magisa kaysa pumasok sa ganyang bagay na baka sa huli ay pagsisihan ko lang.
Masaya na ako ang mga kaibigan ko ang kasama ko araw-araw kahit nakakasawa na makita ang pagmumukha nila.
Wala rin naman babae ang magmamahal at magseseryoso sa akin. Kaya uubusin ko na lang ang oras ko sa trabaho kaysa sa walang kwentang bagay.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life
RomansaAgent Series # 4 Siya si Neil Acosta, mas kilala siyang loko-loko at babaero sa grupo nila dahil kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya pero may isang babae na naglalaman ng kanyang puso kaya lang hindi sila pwede maging sila dahil kailangan niyang...