Sumandal si Neil sa puno nasa likuran niya at nakita ko rin kung paano siya naghilamos ng kanyang mukha gamit ang isang palad nito. He really looks frustrated.
"Minahal mo ba talaga ako?" Humarap siya sa akin nang tanungin niya ako. Hindi ako sumagot dahil umiwas ako ng tingin sa kanya. Gusto ko na kasi kalimutan ang nararamdaman ko kay Neil noon. Tama na ang isang beses naging tanga ako sa kanya at natuto na ako sa nangyari kahit alam ko namang masasaktan lang ako ni Neil pero tinuloy ko pa rin. "Francine..."
Hindi ko pa rin hinarapan si Neil dahil ayaw ko na siyang kausapin at gusto ko ng umuwi ngayon. Pagod din ako dahil galing pa ako sa trabaho. Marami na akong problema sa trabaho kaya huwag na sana siya dumagdag pa.
Nagulat ako ng may narinig akong putok ng isang baril. Natatakot ako sa pwedeng mangyari at ayaw ko pang mamatay dahil kailangan pa ako ng mga anak ko.
"Fuck." Napalingon ako kay Neil noong marinig ko ang mahinang mura niya. "Kailangan na natin umalis dito bago pa tayo makita kung sino man ang nagpaputok ng baril."
"M-May kinalaman ka ba doon?" Pauutal kong tanong sa kanya.
"Wala. Isa akong agent, hindi mamatay tao." Hinawakan na niya ang kamay ko at nauna na siyang maglakad. Wala na rin akong choice dahil hawak niya ang kamay ko kaso palakas ng palakas ang putok ng baril.
"Neil." Natatakot ako ng hinawakan ko ang tela ng kanyang suot.
"Don't worry, kahit injured ako ay kaya kong makapag patayan sa kanila. At hindi kita hahayaan na mapahamak." Sabi nito habang tuloy pa rin sa paglalakad pero napapansin ko para bang hindi ito ang daanan palabas ng gubat.
"Neil, hindi ito ang palabas sa gubat."
"I know. Hindi na rin ligtas na lumabas pa tayo ng gubat ngayon at panigurado akong may nagbabantay din doon."
Huminto kami sa kaligtnaan ng gubat at humarap sa akin si Neil. Mas lalo akong kinabahan na hindi ko maintindihan.
"You have to stay here. Huwag ka gagawa ng kahit anong ingay na pwedeng ipamahak mo." Hinawakan niya ang balikat ko saka may binunot siyang baril. Baril?! Sabagay isa nga siyang agent kaya may dala palagi siyang baril kahit saan pumunta.
"A-Ano ang binabalak mo? Lalabanin mo sila kahit may injury ka pa. Nababaliw ka na ba?"
"Mas pipiliin ko pang mamatay at handa akong protektahan ka sa kahit anong mangyari." Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi bago pa siya tumalikod sa akin. Wala na ako magagawa at pinapanood ko na lang siya habang lumalayo sa direksyon ko.
Nagtago ako sa damuhan dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin. Wala sa tabi ko si Neil ngayon para protektahan ako. Kinuha ko ang phone ko para humingi ng tulong kaso bigo ako dahil walang signal. Bakit kasi nakalimutan ko wala pa lang signal sa gubat? Bad trip. Nasa panganib ang buhay namin ni Neil. Nagiisa lang siya nakikipag barilan sa mga iyon.
Bumalik ka ng buhay, Neil! Hinding hindi kita mapapatawad kapag iiwanan mo kami ng anak mo!
Umiiyak na ako ng mahina dahil habang ang dami ko ng naririnig na putok ng baril. My God! Sana wala nangyaring masama kay Neil dahil nagiisa lang siya at walang alam ang mga kasamahan niya sa trabaho ang nangyayari sa kanya ngayon.
Wala akong magawa para tulungan siya. Hindi ko magawang humingi ng tulong na kahit sino na pwedeng tumulong sa amin.
Maya maya pa ay nagulat na lang ako na may narinig akong malakas na putok ng baril at malapit lang iyon dito. Umangat ako ng tingin until I saw someone's lying down on the grass. Teka, si Neil ba iyon? Wala siyang malay. Gusto kong lumapit sa kanya kaso may dalawang lalaki ang nakapalibot sa kanya.
"Ang lakas ng loob na kalabanin tayo. Hindi naman pala kaya." Sabi ng kalbo na lalaki habang sinisipa niya ang katawan ni Neil.
"Baka may kasama pa ang lalaking ito. Kailangan natin siya hanapin bago pa malaman ni boss ang nangyari ngayon at pagalitan pa tayo." Napalunok ako sa sinabi ng kasama niya. Ano ang gagawin ko? Mapapahamak ako kapag nakita nila ako kung saan ako nakatago ngayon.
Agad naman umalis ang dalawang lalaki sa walang malay na si Neil kaya lumapit ako agad sa kanya kaso nakikita kong naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Oh God! Lumuhod ako sa tabi niya at hinawakan ang katawan kaya lang lumalamig na ang katawan ni Neil.
"Neil. Neil, gumising ka." Umiiyak ako habang yakap ko siya. Hindi ko pala kayang mawala sa akin si Neil. Narinig ko ang mahinang pag-ubo kaya napatingin ako sa kanya. "Neil?"
"Tarantado mga iyon. Hindi man lang inalaman kung buhay ba ako o hindi." Hindi ko na magawang magsalita dahil umiiyak na ako. Sobrang takot baka mawala sa akin si Neil. "Bakit ka umalis? Ang sabi ko sayo magtago ka."
"Natatakot ako ng makita kang walang malay kanina." Nakita ko rin ang pagtayo niya kahit tinamaan na siya kanina ng baril. "Neil..."
"Galos lang ito. Sa ilang beses na rin ako tinamaan sa mga naging misyon ko ay buhay pa rin ako."
"Mas pipiliin mo pa talaga ang mamatay ka at iiwanan ako."
"Matagal ko ng tinanggap si kamatayan, Francine. Kung dito na talaga matatapos ang bunay ko ay tatanggapin ko na."
"Tangina mo, Neil!" Sigaw ko at wala na akong pakialam kung marinig ang sigaw ng mga lalaki kanina. Wala ako magawa para iligtas man lang si Neil sa panganib at pakiramdam ko ay sobrang hina ko ngayon para protektahan din siya.
"Francine! Shit." Lumapit siya sa akin sabay yakap sa akin. "Sabi ko nga sayo handa akong protektahan ka kahit buhay ko pa ang kapalit. Kukunin ko ang atensyon nilang lahat..."
"Ano na naman ang binabalak mo ngayon?"
"Tumakas ka na dito at kung maaaring tawagan mo ito paglabas mo rito." May inabot siya sa akin isang papel. May mga contact number ang nakasulat doon. Isa na doon ang contact number ni Zion Montemayor. Panigurado akong contact number ito ng mga kasamahan niyang agent din.
"Hindi ko magagawang iiwan ka dito na ganyan ang sitwa--"
"Huwag ka na makipag talo sa akin, Francine. Tumakas ka na dahil kailangan ka rin ng kambal at naghihintay sila sayo. Sige na."
"Basta bumalik kang buhay."
"Oo naman. May dahilan na ako mabuhay ngayon dahil hindi ako papayag na mamatay hanggat hindi kita matatawag na akin."
Tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya hanggang sa nahanap ko na ang palabas sa gubat kaya agad ko kinuha ang phone ko para humingi ng tulong sa binigay na contact numbers ni Neil sa akin kanina. Bahala na kung sino pa sa kanila ang ang matawagan ko.
"Hello. Who is this?" May isang lalaki ang sumagot ng tawag ko. Hindi familiar sa akin ang boses na iyon.
"Hello. This is Francine Ainsley."
"Ms. Attorney. Kung si Neil ang hinahanap mo ay wala siya dito. Sorry."
"No. Actually, kaya ako tumawag sayo para humingi ng tulong dahil nasa panganib ang buhay ni Neil ngayon."
"What do you mean?"
Sinabi ko na sa kanya ang buong detalye nangyari kanina bago pa niya binaba ang tawag para pumunta na agad sila dito. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi kasi ako familiar sa lugar na ito at hindi ko alam kung saan ang sakayan para makauwi na ako.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life
RomanceAgent Series # 4 Siya si Neil Acosta, mas kilala siyang loko-loko at babaero sa grupo nila dahil kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya pero may isang babae na naglalaman ng kanyang puso kaya lang hindi sila pwede maging sila dahil kailangan niyang...