Chapter 37

829 28 0
                                    

Before we start... the next agent series will be Oliver Perez. Ipapakita ko doon ang nangyari sa buhay ni Oliver bago pa siya maging agent. Kung paano na in love ang isang Oliver Perez sa isang babae. XD

~~~~

Francine's POV

Hindi ako makapampante sa nangyari kay Neil ngayon. He needs to protect me from his psycho uncle. Sorry what I said pero totoo namang baliw na ang tito niya.

That nightmare is always hunted me. It's my fault kung bakit nasa ganitong kalagayan si Neil ngayon.

I still remember what happened.

Nakita ko ang pagtakbo ni Neil papunta sa akin at niyakap ako para protektahan bago pa ako makarinig ng ilang sunod-sunod na putok ng baril. I looked at my palm dahil may dugo iyon kaya napatingin din ako kay Neil nakangiti sa akin.

"N-Neil." Nanginginig ako sa takot.

"I love you." Bumilis ang tibok ng puso ko pagkatapos ko marinig ang salitang iyon mula sa akin. Oo, masaya ako dahil sinabi na niya sa akin ang tatlong salita na matagal ko ng hinihintay kaso hindi ito ang tamang oras para sumaya. Nakita ko din kung paano bumagsak si Neil sa harapan ko.

"Neil." Iyak pa rin ako ng iyak kahit alam kong ako na isusunod na papatayin. Wala akong pakialam. "Please, don't leave us. Huwag mo ko iiwanan."

Kaso nakita ko na ang pagsara ng kanyang mga mata. No, no! Hindi ko kayang tanggapin kapag mawala siya sa amin. Paano na kami?!

"You're next!" Hindi ko na siya pinansin dahil kay Neil pa rin ako nakatingin habang umiiyak.

Pumikit ako ng mariin ng may narinig akong putok ng isang baril. Jusko.

Dumilat na ako dahil wala ako maramdaman na kahit anong sakit sa aking katawan. Nakita ko din ang uncle ni Neil na bumagsak sa aking harapan and I saw Rocco. Binaril ba niya ang uncle ni Neil?

"Shit! Neil!" Sigaw niya ng lumapit sa amin.

"He protected me. It's my fault." Sabi ko habang tuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko.

"Don't blame yourself. Asawa ka ni Neil at trabaho din namin protektahan ang mga taong mahalaga sa amin."

"What's go— Fuck! Neil!"

"Zion, tumawag ka ng ambulansya! Ngayon din!" Utos ni Rocco sa kasamahan.

Ngayon ay nandito kaming lahat sa labas ng operation room at nagaabang sa paglabas ng doctor. Almost 4 hours na kami nandito pero wala pa rin lumalabas na doctor. And 2 hours ago I passed out, ang akala ko nga ay stress lang dahil sa nangyari ngayon pero nalaman kong buntis ulit ako. I am 4 weeks pregnant with Neil's baby.

Pinagdadasal ko na maging successful ang operation dahil hindi ako papayag na lumaki ang baby namin na hindi makilala ang kanyang daddy.

"Ms. Attorney, magtiwala ka lang kay Neil. Kasal ka sa kaibigan namin at sanay na yun lumaban sa kamatayan. Masamang damo kaya iyon." Sabi ni Miguel sa akin. Kahit na sabihin niyang masamang damo si Neil pero hindi naman siya immortal para hindi mamatay, no!

"Hindi naman papayag si Neil na iwanan kayo." Sabi naman ni Jake. Lumuwas pa siya ng Manila ng nalaman niya ang nangyari kay Neil. Kahit din si Kurt ay pumunta kahit may pasok pa siya sa trabaho.

Masaya ako dahil may mga kaibigan siya n pamilya ang turingan kaya siguro ayaw niyang iwanan ang pagiging agent niya because of his friends.

Ang sabi nila ay nasa head quarter daw nila ang kambal kasama ni Oliver. Sana hindi maging makulit ang dalawang iyon kay Oliver.

We've been waiting for another 30 minutes bago may doctor na lumabas mula sa operation room.

"Sino ang kamag anak ng pasyente?" Tanong noong doctor kaya napatayo ako.

"Ako. Asawa ako ng pasyente. Kamusta na siya?"

"Stable na ngayon ang pasyente pero under observation pa siya ngayon kaya dadalhin na muna namin siya sa ICU. Marami rin siya nakuhang tama ng baril at marami din nawalang dugo sa kanya. We're glad madali lang makakuha ng dugo na match sa kanya." Nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig. Stable na ang kalagayan ni Neil kaya narinig ko din ang pag-Yes ng mga kaibigan niya.

"Maraming salamat, doc." Maiyak iyak kong sambit sa doctor.

"I'm just doing my job. Well, excuse me." Paalam noong doctor bago pa siya umalis.

"Sabi ko sayo hindi agad mawawala sa atin si Neil." Sabi ni Miguel sabay tapik sa balikat ko.

Pumunta na kami sa ICU pero niisa pinapasok sa kanila maliban sa akin dahil asawa ako ng pasyente. Ang daming tubo nakakabit ngayon kay Neil.

Hinawakan ko ang isang kamay niya saka tumulo ang luha ko.

"Neil, may magandang balita ako sayo at paniguradong matutuwa ka because I am 4 weeks pregnant. Kaya gumising ka na diyan, baby. I love you."

Lumabas na din ako agad dahil hindi ko kayang makitang ganoon ang kalagayan ni Neil ng matagalan.

"How's Neil?" Tanong ni Zion sa akin. Mabilis naman ako umiling.

"Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon."

"Maniniwala akong magigising isang araw si Neil." Napatingin naman ako kay Miguel kaso may luha akong nakita na bumagsak sa mga mata niya. "I won't forgive him if not."

"Hey. Don't say that, idiot." Sambit naman ni Jake.

Nakita ko naman ang pagalis ni Kurt kaya silang lahat ay nagtataka.

"Saan naman pupunta iyon?" Tanong ni Zion.

"Susundan ko lang si Kurt." Pagpresenta ni Rocco kaya sinundan na niya si Kurt ngayon.

"Alam mo naman ayaw ni Kurt na may mamatay ang isa sa atin, diba? Ayaw kasi niyang tanggapin na pwede tayo mamatay sa mga maging misyon natin." Sabi ni Jake.

"And he always told us; kung magiingat lang kayo, walang mamatay!" Ani Miguel.

"Bakit si Kurt pa itong pinguusapan natin?" Tanong ni Zion saka sinandal ang likod sa upuan.

"Baka hinahanap na kayo ng mga asawa niyo. Ako na ang bahala dito. Balitaan ko na lang kayo kung may pagbabago pa kay Neil." Sabi ko sa kanila.

"Sila lang ang may asawa. Wala pa ako at wala akong balak." Sambit naman ni Miguel.

"Papadala ko na ba dito ang kambal?" Tanong ni Zion na kinatango ko.

"Baka makatulong ang kambal sa pag gising ni Neil katulad noon."

"Nasa head quarter ba ang kambal nila?" Hindi makapaniwalang si Jake at tumango naman si Zion sa kanya.

"Mas safe sila kung nasa head quarter pero ngayon lang ito. Pinagbigyan ko lang si Neil noon at hindi na mauulit pa. I have to go." Nauna na umalis si Zion kaya nagpaalam na rin sina Miguel at Jake sa akin.

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon