Chapter 2

1K 29 0
                                    

Francine's POV

Simulang pumasok kami ni Neil dito sa restaurant ay ang tahimik niya. Hindi kasi ito ang kilala kong Neil Acosta. Isang masayahin tao si Neil back in college. Palagi siyang nakangiti pero isang araw ay hindi na siya muling pumasok. Iyon ang gusto kong malaman. Bakit siya biglang nawala? Sayang din kasi ang nangyari sa kanya dahil isang semester na lang gagraduate na sana siya sa pagiging law student.

"Neil, tell me kung ano ba talaga nangyari sayo noong araw na iyon. Bakit hindi ka na pumasok pang muli?" Kaso isang mabilis na iling lang ang natanggap ko mula sa kanya. Ayaw talaga niyang pagusapan kung ano man ang nangyari sa kanya.

"Hindi na importante kung ano pa ang nangyari sa buhay ko noon. I just... want to forget what happened before. A nightmare I really want to forget about it."

A nightmare?

Siguro may nangyari nga talaga sa kanya noon pero ayaw niya talagang sabihin sa akin. Akala ko ba kaibigan niya ako? Noon kasi ay walang pangyayari sa buhay niya ang hindi ko alam dahul palagi niyang kinukwento sa akin. Para bang excited siya palagi magkwento sa akin kung ano ang nangyari sa buhay niya noon pero ngayon ay ang dami ng nagbago. Hindi na siya ang kilala kong Neil.

Ano na nangyari sa kilala kong Neil?

Dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula na kami kumain. Wala sa amin ang nagiimikan na dalawa. Ang awkward nga kasi, eh.

"Musta pala ang paguusap niyo ni Zion kanina?" Pagsira niya sa katahimikan. Mabuti na lang naisipan niyang magsalita.

"Ayos naman. I'm willing to help him about the case kahit rin sa kasong pagpatay sa mga magulang niya."

"Naniwala ka na may gustong pumatay sa pamilya niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Why not? Kilala ko ang pamilya niya, Neil. Isang mabait ang dating mayor. Hindi nga ako makapaniwalang wala na siya ngayon, eh." Ang totoo niyan ay nakilala ko ang dating mayor sa personal noon. Sobrang bait niya kaya imposibleng may gagawing masama yung tao. Marami na rin siyang tinutulungan na mahihirap noon. "Sinabi niya rin sa akin na inakala niyang anak ay hindi pala niya tunay na anak."

"Yeah kaso wala pa kaming ideya kung sino ang tunay na ama ni Clay."

"Siguro alam mo naman hindi pwede nasa puder niya ang bata, Neil. Wala siyang karapatan dahil hindi siya ng tunay na magulang nito. Kahit maipapanalo ko itong kaso ng bata ay hindi mapupunta sa kanya. It's either sa biological father niya mapunta kung mahanap na siya o sa bahay ampunan."

"Alam ko naman iyon. Kahit hindi ako nakapagtapos sa law ay naalala ko pa rin naman ang mga tinuro sa atin noon."

Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako ni Neil sa bahay ko kaya bumaba na ako sa motor niya at hinubad ko na ang suot kong helmet.

"Baka ito na ang huli nating pagkikita, Fannie."

"Bakit naman?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Kung pumasok ka sa magulo kong buhay ay baka magsisi ka lang. Marami na ang nagbago sa akin simula noon. Hindi na ako yung kilala mong Neil noong college pa tayo."

Tumango na lang ako sa kanya. Wala na ba akong magawa para ibalik ang dating Neil na kilala ko noon? I want my Neil back. Ang kaibigan na minahal ko noon. He was my first love back then.

"Kailangan ko ng uma--"

"Before you go." Hahalikan ko na sana siya sa pisngi kaso nagulat ako noong humarap sa akin si Neil kaya dumampi ang labi ko sa labi niya. Sa pagkagulat ko ay hindi ako makagalaw. Nahalikan ko si Neil sa labi.

Naramdaman ko ang isang kamay niya ay nasa likod ng ulo ko at mas lumalim ang halikan naming dalawa. Tumugon na rin ako sa halik namin.

"No, this is not right. I'm really sorry, Fannie." Nalungkot ako dahil pinagsisihan niyang hinalikan ako para bang may sakit akong nakakahawa. Sinuot na niya ulit ang kanyang helmet at umalis na sa harapan ko.

Sa hindi ko alam ang dahilan pero sinundan ko si Neil hanggang makarating sa isang club. Hindi ko alam na pumupunta pala sa club si Neil. Nakita ko siya agad na may kasamang tatlong babae sa may bar counter. Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon dahil ganito pala ang ginagawa niya. Masaya nga siya sa mga kasama niyang prosti.

Hindi naman nagtagal ay may kasama siyang babae palabas ng club. Saan naman kaya sila pupunta ngayon? Palihim ko silang sinundan hanggang sa pumasok sila sa isang hotel. Oh My God! Sana mali ang iniisip ko ngayon.

Nakita ko rin na pumasok sila sa isang hotel room. Tama ang iniisip ko na pwede sila gumawa ng milagro sa loob ng kwartong ito. Ang sakit isipin na ibang babae ang kasama ni Neil. Sabagay, sino ba naman ako? Ni hindi naman ako girlfriend ni Neil kaya wala naman ako karapatang magselos sa babaeng kasama niya.

Paalis na sana ako pero may naririnig akong ungol ng babaeng kasama niya. Shit! Ang sakit talaga. Nagsisi akong sinundan ko siya. Sana hindi ko na lang siya sinundan hanggang dito.

"Ooohh... Sige pa. Bilisan mo pa, babe." Sabi noong babae.

Sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko binuksan ang pinto ng hotel room kung nasaan sina Neil at noong babaeng kasama niya. Kitang kita ng dalawa kong mata ang walang saplot sa katawan silang dalawa. Pareho sila napatingin sa akin at bakas sa mukha ni Neil ang pagkagulat pagkakita sa akin.

"Who are you?" Tanong noong babae pero hindi ko siya pinansin dahil nakatingin lang ako kay Neil ngayon.

"Fannie." Umalis na siya sa ibabaw noong babae at napalunok ako ng ilang beses dahil hindi man lang inabalang magbihis na muna bago humarap sa akin. Hindi man lang nahiya. Kaya agad akong umiwas sa kanya. May nakita kasi ako na hindi dapat makita. Grabe ang laki pala noon.

"You know her, babe?" Rinig kong tanong noong babae sa kanya.

Wala akong narinig na sagot mula kay Neil at nakita ko rin ang paglabas ng babae sa hotel room.

"What are doing here, Fannie? Did you followed me?" Sumulyap ako sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang walang saplot niyang katawan.

"I really want to know what are you doing. I'm sorry for following you." Pinunasan ko na ang luha ko na kanina pang pumapatak. Naramdam ko ang pagyakap ni Neil sa akin.

"Tell me why did you followed me until here."

"Dahil gusto kong malaman ang lahat nangyari sayo, Neil." Humiwalay na rin sa akin si Neil at umupo na siya sa gilid ng kama.

"You really want to know? Okay, fine. I will tell you everything what happened to me." Tumingin ako sa kanya at handa akong makinig sa sasabihin niya sa akin. Para bang hindi na ako naiilang tumingin sa kanya kahit wala siyang saplot. Hindi man lang niya inabalang magsuot kahit man lang shorts. "Nagkasagutan kaming dalawa ni dad noong gabing iyon dahil sinabi ko sa kanya na ayaw ko na ituloy ang gusto nilang mangyari sa akin. Lumayas ako sa amin. Hindi inaasahan na maaksidente silang dalawa dahil may truck na biglang sumulpot sa dinadaanan nila at lasing pa ang driver. Pareho silang death on arrival sa ospital."

Nagulat ako sa nangyari kay Neil noon. Hindi ko inaasahan mangyayari sa buhay niya ang ganoong bagay. Kaya pala ang laki ng pinagbago ni Neil simula noon.

"Hanggang ngayon ay sinisi ko pa rin nangyari sa kanila. Kung hindi kami nagaway ni dad ay sana kasama ko pa rin sila hanggang ngayon." Tumabi na ako kay Neil nang makita ko siyang umiyak.

"No matter what happen ay nandito ako palagi para sayo, Neil."

"You have to stay away from me dahil ayaw kong pumasok ka sa magulo kong mundo ngayon."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon