Nakatanggap ako ng wedding invitation. Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng wedding invitation ni mr. Montemayor. I'm just his attorney. Hindi naman ako pwede tumanggi dito dahil niyaya na ako umattend sa kasal nila ng babaeng papakasalan niya.
Tungkol sa kaso ni Clay Luciano nahawak ko ay naipanalo ko na at nakausap na rin namin ang biological father niya kahit gusto ng bata na sumama kay mr. Montemayor pero hindi talaga pwede dahil hindi siya ang tunay na magulang nito.
Pagkarating ko sa sinasabing location ng kasal nila ay si Neil agad ang nakita ko. Ang gwapo niya sa suot na black tuxedo.
"What are you doing here?" Napaangat ako ng tingin noong narinig ko ang boses ni Neil. Nasa harapan ko siya ngayon.
"Nakatanggap ako ng invitation galing kay mr. Montemayor kaya nandito rin ako ngayon." Huminga ako ng malalim. Sa totoo lang kanina pa masama ang pakiramdam ko pero hindi nga ako hindi umattend sa dati konf kliyente. "Alam ko naman ayaw mo kong makita. Pagkatapos nitong kasal ay aalis na rin ako agad."
Nagsimula na ang seremonya ng kasal at ang ganda ng bride. No doubt kung bakit siya ang pinakasalan ni mr. Montemayor. Maganda, sexy at mukha siyang model. O baka naman dati siyang model.
Pagkatapos ng wedding ceremony ay pumunta na kami sa reception kaya lang hindi ko magawang lumapit sa newlywed dahil kasama nila ang mga kaibigan siguro nila at nandoon din si Neil.
Ang bastos ko naman kung umalis ako na hindi nagpapaalam sa kanila.
Biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya tumakbo ako papunta sa CR at mabuti na lang walang tao sa loob ng public cubicle kaya sumuka na ako.
Ano ba nangyayari sa akin ngayon?
Lumapit na ako sa lababo para hugasin na ang bibig ko.
"Are you okay?" Nagulat ako at tumingin na lang ako sa salamin nasa harapan ko. Kita dito ang reflection ni Neil.
"Ano ang ginagawa mo rito? CR ito ng babae." Sabi ko sa kanya.
"Siguro naman alam mo na huwag ka magtanong kung may tinanong ako sayo kanina. You have to answer my question."
"I'm fine. May nakain lang siguro ako na hindi kinaya ng sikmura ko." Kinuha ko na ang panyo ko sa pouch na dala ko at pinunasan ko na ang akin bibig.
"Halos dalawang buwan nangyari sa ating dalawa, Fannie. Are you pregnant?" Napaangat ako ng tingin para tingnan siya sa salamin.
"Me? Pregnant?" Pinagtatawanan ko lang siya. "No. Siguro nga may nangyari sa atin noon pero imposible pa rin."
Nawala sa isipan ko na posibilidad nga pala mabuntis ako sa nangyari sa amin ni Neil. He never used protection that night kaya pwede ako mabuntis. Kung positive ay ayaw kong sabihin sa kanya dahil alam ko naman hindi niya tatanggapin ang anak namin.
"Did you take pills after?" Natigulan ako dahil hindi ako uminom ng pill noon. "Hindi ka uminom? Fannie naman! Ano ba ang gus--"
"Dumaan ako sa drugstore noon para bumili ng pills. Huwag ka magaalala uminom naman ako." Pagsisinungaling ko sa kanya. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako uminom.
Pagkatapos ng paguusap namin ni Neil ay nauna na siyang lumabas at mga isang minuto pa ang tinagal ko bago lumabas sa CR.
Umalis na rin ako sa event hall na hindi man lang nagpapaalam sa newlywed. Alam ko naman ayaw ako makita ni Neil. Simulang may nangyari sa amin ay parang wala na sa kanya ang lahat. Ang akala ko ba special ako sa kanya pero siya ito ang umiiwas sa akin. Ito na yata ang tinatawag niyang special.
Naiintindihan ko naman na ayaw niya ako mapahamak kung ano man ang ginagawa niya sa buhay. Isa siyang agent at marami na rin siya naging kaaway. Iyon kasi ang sabi niya sa akin pero miss ko na siya.
Imbes na umuwi ako sa bahay ay pumunta ako sa kilala kong OB para magpa check up. Gusto ko rin makasiguradong buntis ba ako o hindi.
Pinahiga na ako ng doctor sa kama at napatingin ako sa monitor habang sinasabi sa akin ang nakikita niya. May bata nga sa sinapupunan ko ngayon. Magiging mommy na pala ako sa loob ng siyam na buwan.
"Wait, attorney. Mukhang dalawa ang nakita ko sa monitor dahil yung isa ay nakatago kanina." Sabi niya sa akin.
"Kambal?" Tumingin sa akin yung doctor na may ngiti sa mga labi bago tumango.
"Yes, it's a twins."
We're having a twins kaso alam ko naman hindi sila tatanggapin ni Neil kaya nagdesisyon na akong hindi ko na lang sasabihin sa kanya ang pagkakaroon niya ng anak sa akin. I don't really care kung ano pa ang mangyari sa hinaharap kapag nalaman niya ang totoo. Siya pa ang nagsabi sabi sa akin noong gabing iyon na hindi kami ang para sa isa't isa. Ngayon may dalawang buhay sa sinapupunan ko ay hindi ko naman magagawang ipalaglag sila pareho. Hindi naman ako masamang tao para gawin iyon. Kahit hindi ko kasama ang ama nila ay may iniwanan naman siya sa akin na dalawang anghel at siguro nga makakahanap pa ako ng ibang lalaki. O baka focus na lang ako dalawa kong anak.
Hindi ko naman talaga kailangan ng lalaki sa buhay ko. Ang kailangan ko lang ang kambal ko. Sila lang ang kailangan ko at aalagaan ko sila ng maigi dahil sila na lang ang kasama ko sa buhay.
I never met my parents dahil sa bahay ampunan na ako lumaki at sumikap talaga ako para makapagtapos. Nagtatrabaho rin ako mga panahon na iyon dahil isa akong scholar at mabuti na lang wala rin akong babayaran na tuition dahil sagot na ng university ang tuition ko at binibigyan pa nila ako ng allowance.
Until I met Neil, isa talaga siyang masayahin na tao para bang walang problema sa mundo. Masaya siyang kasama dahil palagi siyang may dalang joke kahit corny ang iba.
Kaya siguro nagkagusto ako sa kanya. Tinago ko ang tunay kong nararamdaman para sa kanya dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan namin pero ngayon, naamin ko sa kanyang mahal ko siya at may nangyari pa sa aming dalawa. Ngayon ay may bunga pa ang pagiisa namin noong gabing iyon.
Ang tanga ko naman kasi na hindi ko mapigilan ang ginagawa ko. Sana hindi magiging ganito ang mangyayari sa amin. Ito na ang consequence kaya panindigan ko na ang desisyon na ginawa ko noong gabing iyon. Masakit pero kailangan.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life
RomansaAgent Series # 4 Siya si Neil Acosta, mas kilala siyang loko-loko at babaero sa grupo nila dahil kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya pero may isang babae na naglalaman ng kanyang puso kaya lang hindi sila pwede maging sila dahil kailangan niyang...