Before we start.. Sa mga hindi pa nababasa ang ibang story ko na konektado dito ay basahin niyo na. Simula kay Rocco.
~~~~
Pagkarating ko na sa Sky Island ay namangha ako sa ganda. Kaya siguro dinayo ito ng mga tourists dahil sa kagandahan nito.
"Welcome to Sky Island." Napalingon ako sa nagsalita. It was mr. Zion Montemayor. "It's good to see you again, atty. Ainsley."
"Me too, mr. Montemayor."
"Just call me Zion." Tumango ako sa kanya. "Samahan na kita sa magiging kwarto mo at naghihintay na rin sa loob ang iba ko pang kasamahan."
Nauna na siyang nglakad kaya sumunod na lang ako kay Zion.
"Wala bang alam si Neil na nandito ako ngayon?"
"Wala siyang alam sa plano namin para sa kanya. Ang alam lang niya kaya kami nandito ngayon para mag-celebrate ng kanyang birthday."
Nang makarating na kami sa lobby ay nandito nga ang iba niyang kasamahan. Dekwatro ang iba habang nakaupo sila sa sofa.
"Okay, let's start our plan." Panimula ni Zion. "Magpapanggap kaming lahat na walang ideya na nandito ka ngayon sa resort namin para hindi magkaroon ng duda si Neil sa balak namin para sa kanya. Ang gawin mo ay pumasok ka sa kwarto niya bukas ng gabi at doon na lang din maghintay sa kanya. After dinner na siguro dahil nagyayaan ang mga ito na uminom sa tabing dagat."
"Here's the duplicated key para makapasok ka sa kwarto ni Neil and don't forget to wear a mask para hindi ka niya makilala agad." May inabot na susi at mask sa akin si Oliver.
Hindi ako sigurado kung kaya ko ba talaga itong gawin kay Neil. Bahala na kung magalit man siya sa akin at siguro bukas ko na rin sasabihin sa kanya ang totoo.
Pagkatapos nila sabihin sa akin ang plano nila sa birthday ni Neil ay sinamahan na ako ni Zion sa magiging kwarto ko para makapag pahinga na rin. Sobrang pagod ko kasi ngayong araw.
Nagising ako na may araw na sa labas kaya bumangon na ako para makaligo at magpalit ng damit. Kailangan hindi malaman ni Neil nandito din ako ngayon.
Nakikita ko nga mula rito sa pwesto ko si Neil habang kausap niya ang mga kaibigan niya sa trabaho. Nakikita sa mukha niya kung gaano siya kasaya kapag kasama niya ang mga ito o ginagawa talaga nila ang lahat para maging masaya ang mga mahalaga sa kanila. Alam ko din kung gaano importante sa kanila si Neil. Kung hindi man ay hindi naman nila ito gagawin sa kaibigan.
Kinagabihan, pagkatapos ko kumain ng hapunan ay dumeretso na ako sa kwarto ni Neil. Sinabi na rin kasi nila sa akin kung anong room number si Neil.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay biglang nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi ito.
Bumuntong hinga ako habang nakatingin sa susi nasa palad ko. Nandito na rin naman ako kaya itutuloy ko na ang plano ng mga kaibigan niya.
Binuksan ko na ang pinto at pumasok na sa loob. Alam ko naman wala pa siya ngayon dahil kasama pa niya ang mga kaibigan niya sa ganitong oras.
Sinuot ko na ang mask na binigay sa akin ni Oliver at umupo sa gilid ng kama.
Ilang oras na ako naghihintay dito sa kwarto niya. May balak pa bang bumalik iyon? O baka naman may kasamang babae ngayon si Neil katulad noong nahuli ko siya noon. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang bagay na iyon. Inamin niya rin kasi sa akin na isang playboy. Ibig sabihin kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya.
Ilang oras pa ang lumipas ay napansin ko ang pagbukas ng pinto. He's here. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Akmang bubuksan na sana niya ang ilaw kaso pinigilan ko siya.
"Don't open the light." Sabi ko sa kanya.
"Sino nandyan?" Tanong niya kaso hindi ako makasagot sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Kinakabahan ako sa mangyayari.
Tumayo na ako sa pagkaupo ko at lumapit na ako sa direksyon ni Neil. Kitang kita ko siya dahil sa liwanag nagmumula sa buwan. Panigurado din akong kita na niya ako kaso nakasuot naman ako ng mask kaya hindi naman niya makikilala kung sino ba ang nasa harapan niya ngayon.
"Can you tell me who the hell are you?" Kumunot ang noo niyang tanong kaya lang ay nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hypnotize talaga ako. "Cat got your tongue, miss?"
"Kapag sinabi ko ba sayo ku--" Hindi na natapos ang sasabihin dahil sa kanyang ginawa pagtanggal sa suot kong mask. Nagulat pa siya sa kanyang nakita ngayon.
"Francine?! What the fuck--- Ugh, may kinalaman ba dito ang mga kaibigan ko?" Alam kong galit siya dahil sa tono ng kanyang boses at marahas din niya hawakan ang balikat ko. "Tell me, kinausap ka ba nila para dito ah?!"
"Nasasaktan ako, Neil."
"Tsk." Binitawan na niya ang pagkahawak sa balikat ko. "Ano ba ang pumasok sayo at pumayag ka sa kagustuhan nila ah? Hindi mo ba iniisip may anak ka tapos ito ang gaga--"
"Anak mo rin sila." Ramdam na ramdam ko ang pagmumuo ng luha ko sa gilid ng mga mata ko pero seryoso ako habang nakatitig sa kanya.
"What did you just say?"
"Anak mo rin sina Freya at Nate, Neil."
"Sinabi mo ba sa akin ito para gawan kitang mahalin ulit ah? Please, ayaw ko na!"
"Kung ayaw mo talaga maniwala sa akin---"
"Hinding hindi na ako maniniwala sayo kahit kailan!" Sigaw niya sa akin. Sobrang sakit. Tagos hanggang buto ang sakit na binibitawan ni Neil sa akin.
Tumalikod na siya para lumabas pero niyakap ko siya mula sa likod.
"Neil, I'm sorry sa lahat na ginawa ko sayo noon. Minahal kita ng lubusan at nasaktan din ako." Sabi ko habang umiiyak. Hindi ko na kaya ang nararamdam kong sakit ngayon. Sobrang sobra pa. Kung ang tingin ng mga tao ay malakas akong tao pero doon sila nagkakamali. May isang tao na kaya akong paiyakin. Si Neil iyon. Inalis na niya ang mga braso ko nakapalibot sa beywang niya at humarap na sa akin.
"Bakit ka nagsinungaling sa akin? Ang sabi mo sa akin ay uminom ka ng pills noong panahong iyon?"
"Hindi ko alam na buntis ako noon sa kambal. At noong kumpirmang buntis ako ay nagpasya na lang akong huwag sabihin sayo ang tungkol sa kanila."
Ako rin naman ang palaging talo.
"Ang sabi mo sa akin ay anak sila ng ibang lalaki."
"Dahil wala naman akong balak talaga sabihin sayo ang totoo." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Namilog ang nga mata ko ng yakapin niya ako kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at rinig na rinig ko din ang tibok ng kanyang puso. "Neil, sorry---"
Hindi na naman natapos ang sasabihin ko nang sinunggaban niya ako halik. Wala pang isang sekundo ay tinugon ko na rin ang halik ni Neil.
~~~~
Okay, next chapter na talaga 😂
Bago ko pala itutuloy ay tatapusin ko na muna kay Jake at Trixie. Malapit na kasi matapos iyon.
BINABASA MO ANG
Love Of My Life
RomanceAgent Series # 4 Siya si Neil Acosta, mas kilala siyang loko-loko at babaero sa grupo nila dahil kaliwa't kanan ang babaeng kasama niya pero may isang babae na naglalaman ng kanyang puso kaya lang hindi sila pwede maging sila dahil kailangan niyang...