Chapter 23

733 30 0
                                    

May boses ng dalawang bata akong naririnig. Gusto ko nga din idilat ang mga mata ko kaso hindi ko magawa. Naririnig ko ang pagiyak ng dalawang bata na habang kinukwento nila sa akin ang nangyari sa kanila sa buhay. They both called me daddy.

Oo nga pala, may anak pala ako sa kanya.

"Mommy!" Rinig ko ang sigaw ng isang batang lalaki. Gusto ko sila makita kaso nanghihina ang katawan ko ngayon. Ano ba nangyari sa akin?

"Oh god! Dito lang kayo. Tatawag lang ako ng doctor at ang mga kaibigan ng daddy niyo." Sumulyap ako sa babaeng lumabas sa kwartong ito. Shit, what she's doing here? Sa daming tao sa mundo, bakit siya pa ang unang nakita ko ngayon? Ayaw ko siyang makita.

"Daddy, ang akala namin iiwanan mo ulit kami." Sabi ng isang batang babae. Ngumiti ako sa kanila ng pilit. Kasama ko ngayon ang kambal. Shit, naiiyak ako. Hindi ko kasi sila pinansin noon dahil ang akala ko hindi ko sila anak.

Inabot ko sa kanila ang isang kamay ko kaya agad naman sila lumapit sa akin.

"We love you, daddy." Sabi ni Nate sa akin. Ang anak kong lalaki.

"I love you both." Mahinang sabi ko sa kanila dahil nahihirapan pa akong magsalita. Pero sobrang saya ko ngayon kasi tanggap ako ng mga anak ko.

Nakita ko din may doctor na pumasok para tingnan ako and then, pumasok na din ang mga kaibigan ko sa loob ng kwartong ito.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanila. Wala talaga akong maalala sa nangyari sa akin.

"Pre, you're in the hospital. Wala ka bang naalalang naaksidente ka kagabi?" Tanong ni Oliver sa akin.

"Wala ako maalala. Ang huling naalala ko lang ay may pupuntahan ako at..." Huminto ako sa pagsasalita at tumingin sa direksyon ng isang tao na ayaw ko makita o makasama man lang. "What is she doing here?"

"She is your wife." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jake. Anong wife na pinagsasabi nito? Alam naman nila na hindi pa ako kasal kaya imposibleng magkaroon ako ng asawa. May mga anak lang ako pero walang asawa.

"My wife? What the fuck you're talking about, Jake? Wala akong asawa. I'm still single at alam niyo iyon." Galit na sambit ko. Kung siya lang naman ang magiging asawa, huwag na! I preferred to be single than to marry her.

"Umayos ka nga, Neil. Nandito ang kambal niyo ni atty. Ainsley." Saway ni Rocco sa akin. Tsk. Nasermunan pa ako.

Hindi na ako sumagot pang muli dahil naiinis ako. Sana hindi na lang nabuhay ngayon para hindi na ako masaktan ng paulit ulit. Sobrang sakit na kasi. Ayaw ko na!

Tangina naman kasi. Ilang beses na nga ako sinugod sa ospital pero nabubuhay pa rin ako.

"Pwede niyo ba isama ang kambal sa labas? I... I want to talk with Neil for a while."

"Sige. Kami na muna ang bahala sa kambal niyo para naman makapag usap kayong dalawa." Sabi ni Zion bago pa sila lumabas sa hospital room.

"Neil, we need to talk." Sabi niya. Hindi ko na siya inabalang tingnan.

"Wala naman tayong dapat pagusapan pa. You are freely to leave."

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo." Seryosong tugon niya sa akin. Kitang kita sa mga mata niya ang seryoso. Ganito naman siya kahit noon pa. Palagi niya kasi sineseryoso ang bagay-bagay.

"Wala akong maalala. Ang naalala ko lang ay yung susunduin sana kita sa law firm niyo kanina pero shit lang nakita kong may kasama kang ibang lalaki at malala pa sumakay ka rin sa kotse niya."

"N-Nandoon ka din?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Oo. Kaya nga kitang kita ko ang lahat."

"He is Kevin Velas---"

"Wala akong pakialam kung ano pa ang pangalan ng gagong iyon!" Napataas ang boses ko dahil sa galit.

"Inaamin kong nililigawan niya ako. Limang taon na niya ako nililigawan, Neil."

"So, siya din ba yung kahalikan mo noon ah?!"

"Kahalikan? Wala akong kahalikan noon. Maniwala ka sa akin, Neil."

"Ano ang gusto mong sabihin sa akin ah? Niloloko lang ba ako ng kaibigan ko?!"

"Wala akong kahalikan. Hindi ako hinalikan ni Kevin noon. Maniwala ka naman sa akin. Baka yung araw na nakita ako ng kaibigan mo noong araw na hinatid ako ni Kevin sa ospital kaso may dumi na pumasok sa mata ko kaya hinipan niya para maalis ang dumi."

"Tama na. Ayaw ko na marinig pa kahit anong kasinungalingan mo." At muling pumatak ang luha ko. Shit naman. Bakit ngayon pa?!

"At noong nakita mo ko sumakay sa kotse ni Kevin kagabi dahil niyaya niya ako kumain sa labas. Hindi din naman ako makatanggi dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero noong may tumawag na nurse sa akin ay agad ako pumunta dito para alamin ang nangyari sayo." Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang paghikbi pero pinunasan din niya agad ang kanyang luha. "Kahit matagal na kami magkasama sa trabaho ni Kevin pero wala akong nararamdaman para sa kanya dahil ikaw lang ang minahal ko. Wala ng iba."

Bumangon na ako kahit nanghihina pa ako. Humawak din ako sa pole kung saan sinasabit ang suwero.

"Kaya mo bang panindigan na maging asawa ko?" Biglang tanong sa kanya at tumingin naman siya sa akin na may luha pang tumutulo sa mga mata niya. Sinabi na rin naman niya sa iba na asawa ko siya ay dapat panandigan na niya iyon dahil alam kong hindi naman ako titigilan ng mga kaibigan ko.

"O-Oo naman kaso alam ko namang ayaw mong magpakasal sa akin. Palagi na lang kita sinasaktan. I'm sorry. I really sorry, Neil."

"Then, marry me." Sabi ko at nakatitig lang sa kanyang seryoso. Kitang kita din sa mukha niya ang pagkagulat.

"S-Seryoso ka ba diyan?"

"Seryoso ako at kaya nga kita tinanong kanina kung kaya mo bang panindigan maging asawa ko. Sinagot mo naman ako ng oo."

"Kung iyan ba ang gusto mong gawin para lang mapatawad ako sa lahat na kasalanan na ginawa ko sayo. Pumapayag akong magpakasal sayo."

Tumayo na ako habang nakahawak pa rin sa sabitan ng suwero pero siya na ang lumapit sa akin.

"Hindi ka dapat bumabangon." Sabi niya. Hindi ko na siya sinagot dahil sinunggaban ko na siya ng halik.

May narinig akong kumakatok at gusto ngang lumayo na ni Fannie pero mas pinapalapit ko pa siya sa akin. Wala akong pakialam kung may makakita pa sa amin na naghahalikan dito.

"Sir, kailangan niyo na--- Sorry po. Babalik na lang po ako mamaya." Hindi ko na pinansin yung nurse kahit ang pagalis niya sa kwarto.

Ako na rin ang humiwalay sa amin ni Fannie nang kinapos na kami ng hininga.

"Kainis ka, Neil." Nakikita ko kung paano mamula ang kanyang pisngi.

"Minahal mo naman." Nakangising tugon ko sa kanya.

"May kasalanan ka pa sa akin." Kumunot ang noo ko sa kanya. Ano ang ibig niyang sabihin doon? "Hindi mo man lang sinabi sa akin na nagtatrabaho ka na pala ngayon."

"Yeah. Gusto ko kasi kapag nakilala na ako ng kambal ay may ipagmamalaki sila sa ibang tao. Maliban sa pagiging agent ko ay hindi ko naman inaasahan mamahalin ko din ang trabaho kong ito."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon