Chapter 24

790 29 1
                                    

Ilang na din noong pinayagan ako lumabas ng ospital pero imbes na magpahinga lang ako dahil sa nangyaring aksidente daw kaso wala naman akong maalala talaga ay pumunta ako ngayon sa bahay nila Fannie.

"What are you doing here? Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon?" Takang tanong niya nang makita niya ako dito sa labas ng bahay nila. "Pasok ka. Nasa kusina ang kambal ngayon. Kung gusto mo saluhan mo na rin kami."

"Salamat pero tapos na rin naman ako kumain." Sabi ko saka sumunod sa kanya papasok.

"Daddy!" Tawag sa akin ng kambal pagkakita nila sa akin. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Ano pala ang ginagawa mo dito? Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na bibisita ka pala ngayon."

"Gusto ko lang pagusapan natin ang tungkol sa kasal."

"Huh? Seryoso ka ba talaga?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Kunot noo kong sabi sa kanya. Mabilis naman siyang umiling sa akin.

"Saan naman tayo magpapakasal?"

"Sigurado naman ako may kilala kang judge na pwedeng magpakasal sa atin, no?" Sabi ko saka umupo sa sofa. Feel at home lang. Magsasama na rin naman kaming apat sa isang bahay, eh.

"Judge? So, ibig mo bang sabihin civil wedding lang?"

"Yes." Maiksing sagot ko.

"Saan kukuha ng pangbayad? I mean panigurado akong hindi ka pa sumasahod sa trabaho mo ngayon at matagal ka rin nawala dahil naaksidente ka."

"Hindi ko ba nasabi sayo noon?"

"Ang alin?" Takang tanong niya sa akin.

"Mayaman ang pamilya ko." Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Fannie. Sino ba magaakala na mayaman pala ako? Wala naman dahil sa simpleng buhay lang naman aki namumuhay simula pa noon. "Dahil ako lang naman ang anak ng mga magulang ko kaya sa akin lang mapupunta ang pamana nila kaso simulang namatay sila ay hindi ko ginagastos ang pera nila. Mukhang kailangan ko ng gastusin ang pera para dito at sa mga kailangan ng mga bata."

"Pero bakit itong buhay ang gusto mo mangyari sayo? I mean kaya mo naman pala bumalik sa pagaaral dahil may pera ka naman pala."

"Sabi ko nga kanina ayaw ko gastusin ang pera nila. Pinaghirapan nila iyon."

"Kahit na. Para sayo rin naman ang perang iyon, Neil."

"Ayaw ko na makipag talo pa sayo. Basta asikasuhin na lang natin ang kasal kahit civil wedding na muna." Tumayo na ako pero may naramdaman ako kung anong bahay sa bulsa ng pantalon ko kaya kinuha ko iyon. Ito yung dapat ibibigay sa kanya. Kaya inabot ko na rin sa kanya. "Ibibigay ko dapat sayo ito noong gabi bago nangyari ang aksidente."

"Keychain?" Kinuha naman niya ang keychain sa akin. "Salamat dito ah. Iingatan ko ito."

"Sorry kung iyan ang binigay ko sayo." Napakamot ako ng ulo dahil nahihiya ako sa ginagawa ko. "Ngayon pa lang ako mangligaw sa isang babae kaya wala pa akong alam."

"Ibig sabihin pala ay ako pa lang ang binibigyan mo ng effort." Tumango ako sa kanya na kinangiti niya. "Thank you, Neil. I really appreciated all of your efforts."

"Dapat lang dahil ayaw naman masira ang lahat na efforts ko para sayo."

Lumapit sa akin si Fannie sabay halik sa mga labi ko. Baka hindi ako makapag pigil nito kung hindi kami titigil na dalawa.

Ako na rin ang humiwalay.

"Stop. Baka hindi na ako makapag pigil pa at may mangyari pa sa atin dito pa mismo sa sala niyo kahit makita pa tayo ng kambal. Bubuntisin na talaga kita."

"Binuntis mo na kaya ako."

"Eh di, bubuntisin ulit kita para wala na pwedeng umagaw sa akin."

"Handa na ako, Neil." Kunot noo ako habang nakatitig sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin. Muli akong hinalikan ni Fannie sa mga labi at agad naman akong humalik sa kanya.

"Daddy? Mommy?" Humiwalay na kami ni Fannie para lumingon sa kambal. "Why are you eating mommy's face, daddy?"

Sinubsob ni Fannie ang mukha niya sa dibdib ko at paniguradong namumula na siya ngayon. Ang cute kaya ni Fannie kapag namumula ang mukha.

"I'm not eating your mommy's face. We're kissing." Hinampas ng malakas ni Fannie ang dibdib ko. Sobrang sakit noon ah. Ang brutal naman ng babaeng ito. "Sige doon na kayo sa kwarto niyo maglaro ah. Gagawa pa kami ng mommy ng kapatid ni-- Aray."

"Neil." Pinandilatan ako ng mata ni Fannie. Gusto ko matawa sa reaksyon niya pero pinipigilan ko lang. "Isa. Kapag itutuloy mo ang gusto mong sabihin sa mga bata ay bahala ka sa buhay mo."

"Ang brutal mo talagang babae ka. Hinampas mo na nga ako sa dibdib tapos kinurot mo pa ako sa tagiliran."

"Kasalanan mo rin naman."

"Halika na nga sa kwarto mo." Binuhat ko siya na parang sako lang. Malakas kaya ito dahil ako yata si Superman.

"Neil, ibaba mo ko!" Pinagpapalo niya ang likuran ko.

"Ayaw ko nga."

Nang nakapasok na ako sa kwarto ni Fannie ay binaba ko na siya sa kama niya. Hindi naman alam ang bigat pala ng babaeng ito ah. Hindi halata dahil ang payat naman niya tingnan.

"Ang bigat mo pala."

"Ang kapal din ng mukha mo!" Tumawa lang ako ng malakas sa naging reaksyon. Yung kanina ko pang pinipigilan na tawa ay hindi ko na kayang pigilan pa.

"Ngayon wala na yung mga bata para isturbuhin tayo. Para naman makausap tayong dalawa lang."

"Bakit ba ayaw mo nandito ang kambal?"

"Ah, basta. Kung magtatanong ka pa ay hahalikan na kita."

"Kaya mo ba?" Mukhang hinahamon ako ng babaeng ito ah. "Alam ko naman galit ka pa rin sa--- Hmmph..."

Hinila ko siya para halikan ang mga labi niya. Pinahiga ko siya sa kama niya na hindi napuputol ang halikan naming dalawa at minamasahe ko ang isa niyang dibdib.

"Neil." Sabay palo niya sa kamay kong nasa dibdib niya.

"Brutal mo talaga."

"Yung kamay mo kasi kung saan saan nakakarating. Ang manyak mo na ah."

"Sayo lang naman ako ganito. At saka ang sabi mo kanina ay pumapayag ka ng buntisin kita ulit. Kaya gawa na tayo ng kapatid nila." Ngumiti ako ng pilyo sabay taas baba ng kilay ko.

"Oo nga pumayag ako kanina pero ang gusto ko sana sa kasal na lang natin." Namumula ang pisngi niya habang sinasabi iyon. Ang cute talaga niya.

"Hindi ba pwedeng mauuna na muna ang honeymoon?" Tanong ko baka makalusot.

Shunga mo din, Neil. Talagang nauna ang honeymoon dahil nagkaroon na nga kayo ng kambal.

"Hindi pwede. Matuto kang magpigil ah."

"Aba, nagsalita ang nagpipigil. Paalala ko sayo ikaw ang nagseseduce sa akin noon kahit pinipigilan na kita pero ayaw mong pigilan."

"Ginusto mo din naman." Sabi niya kaya inirapan ko siya. Bastos din ito ah. "Neil, ano ba!"

"Anong ano ba? Wala naman akong ginagawa sayo ah."

"Huwag na huwag mo kong iirapan dito."

"Minsan na nga lang ako humingi ng pabor sayo pero hindi mo pa ako pinapayagan. Dahil malapit na rin naman tayong ikasal kaya pumapayag na ako sa kagustuhan mo."

"Malapit na?"

"Yes. Bukas na bukas ang kasal natin."

"Bukas?!"

"Nasa harapan mo lang ako at paniguradong rinig na rinig mo naman ang sinabi ko sayo kanina, Fannie."

"Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na bukas pala ang kasal. Hindi ko pa nakakausap kung sinong judge ang pwedeng magpakasal sa atin."

"Eh di, puntahan natin ngayon para alamin kung sino pwede magpakasal satin bukas."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon