Chapter 1

1.3K 29 0
                                    

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang naalala ko yung misyon namin ni Miguel 2 years ago. May nakita kami magandang babae. Lalapitan ko sana yung babae pero bigla ko naalala si Fannie. Ewan ko ba kung bakit ko siya bigla naalala noong panahong iyon.

"Earth to Neil." Kumurap ko noong marinig ko ang boses ni Miguel at tumingin sa kanya. "Tulala ka. Ayos ka lang ba, Neil?"

"Oo naman. Kailan pa ako hindi naging maayos ah?"

"Ngayon lang siguro. Hindi kasi ako sanay na tahimik ka at hindi sumasali sa kalokohan dito sa head quarter."

This is not me. Ano ba kasi ang nangyari sa akin ngayon? Hindi naman ako ganito dati.

"Babae lang katapat diyan." Tumingin naman ako kay Jake. "Gusto mo bang pumunta sa club mamayang gabi."

"Hindi ba kailangan ka pa ng girlfriend mo ngayon, Jake?" Tanong ko sa kanya. Sina Rocco at Kurt kasi kasal na sila. Si Zion naman ay malapit na rin pero hindi pa siya nagpropose kay Jessa at si Jake may fiancee na siya na akala nga lang namin ay imaginary fiancee dahil naiinggit lang siya sa tatlo pero noong sinabi ni Zion na kapatid niya yung fiancee ni Jake ay hindi kami naniwala. Hirap paniwalaan, eh. Isa pa lang Montemayor ang future wife ni Jake.

"Yep, hindi ko naman sinabi sasama ako sa club kung may balak ka ngang pumunta ngayon."

"Pass. Wala ako sa mood pumunta sa mga club ngayon."

"Aba, himala yata tumanggi ang isang Neil Acosta sa club ngayon." Nilahad ni Miguel ang palad niya sa noo ko. "Wala ka naman sakit."

"Gago. Wala talaga akong sakit, no! I'm totally fine."

"This is not you. Hindi ka tumatanggi kapag babae na ang pinaguusapan dito o baka naman may napupusuan ka na ngayon."

"Nagpapatawa ka ba, Jake? Si Neil may napupusuan na ngayon?" Sabi ni Miguel sabay tawa ng malakas. "End of the world na yata."

"Gago ka talaga, Jake. Hindi porket tumanggi pumunta sa club ay may napupusuan na agad." Sabi ko naman. Kung alam lang nila na matagal na siya sa puso ko pero bawal. Bawal siya magkagusto sa katulad ko dahil ayaw ko naman mapahamak ang tahimik niyang buhay. Kailangan kong protektahan si Fannie.

Tumingin ako sa phone ko noong tumunog iyon at nakita ko ang pangalan ni Fannie. Siya lang naman ang nagtetext sa akin ngayon.

From Fannie;

Hindi ko inaasahan ngayon pala pupunta ang kaibigan mo sa law firm ko. Ang akala ko bukas pa o sa makalawa. But anyway, pwede ka ba ngayon?

To Fannie;

Are you asking me for a date?

Napailing ako dahil imposible naman tatanungin ako ni Fannie para makipag date sa akin. Alam ko naman hindi ako ang tipo niyang lalaki at makakahanap naman siya ng iba.

From Fannie;

Kung iyan ang gusto mong isipin. But for me, this is only a friendly date. Sa tagal pa naman ang huling pagkikita nating dalawa.

Tama naman siya. Sobrang tagal na nga iyon, like 4 years.

To Fannie;

I'm free today. Pupuntahan kita sa law firm mo para sunduin kita diyan.

Tinago ko na ulit ang phone ko bago kinuha ang susi ng motor ko sa table at lumapit na sa iba kong kaibigan.

"Guys, kailangan ko ng umalis ngayon. May importante pa kasi akong pupuntahan ngayon. Tawagan niyo na lang ako kung may emergency."

"Okay, pre. Ingat ka na lang." Sabi ni Kurt sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung saan ako pupunta at kung sino kasama ko dahil panigurado akong tutuksuhin lang ako. Lalo na sina Jake at Miguel.

Pagkalabas ko sa head quarter ay sinuot ko na ang helmet bago sumakay sa motor ko.

Nang makarating na ako sa law firm ni Fannie ay hinubad ko na ang helmet ko at namangha ako dahil ang laki pala ng law firm niya. Sa labas pa lang ay maganda na, paano pa kaya kung sa loob?

"Neil?" Tumingin ako doon sa tumawag sa akin. May isang maganda at sexy na babae ang nasa harapan ko. Shit. Si Fannie na ba ito? Ang huling naalala ko ay isa siyang nerd na nagaaral ng law noon. "Ang laki na ng pinagbago mo ah. Muntik na kita hindi makilala."

"Ikaw rin. Ang dating nerd na kaibigan ko ay sobrang ganda na ngayon. Siguro may boyfriend ka na, no?"

"Wala pa akong boyfriend. Wala akong oras para sa ganyan dahil ang trabaho ko pa lang ang priority ko ngayon." Tumango ako sa kanya sabay abot ng isang helmet sa kanya. "Papasakayin mo ko sa motor?"

"Yep. Wala naman ako sariling kotse para doon tayo sumakay."

"Baka mapahamak tayo dito ah."

"Sa tingin mo ba ipapahamak kita?" Hindi niya kasi kinuha sa akin ang helmet kaya sinuot ko na sa kanya at sinuot ko na rin ang isa pang helmet. "You know me, Fannie. Hindi kita ipapahamak."

"Saan ba ako hahawak?" Hindi ko na siya sinagot dahil kinuha ko ang kamay niya para yumakap sa akin. "Neil!"

"What? Kailangan mong yumakap sa akin para hindi ka mapahamak, Fannie." Pinatakbo ko na ang makina ng motor ko at umalis na kami sa law firm niya.

"Ayaw ko pa mamatay, Neil!"

"Huwag ka magsalita ng ganyan." Naramdaman ko na mas lalo siyang yumakap sa akin kaya napangiti na lang ako. Kahit alam kong chansing na itong ginagawa ni Fannie sa akin. "Saan mo pala gusto pumunta?"

"I-Ikaw na ang bahala kung saan tayo pupunta."

Malapit na rin naman gumabi kaya siguro sa isang restaurant na lang kami pumunta para kumain ng hapunan.

Nang makarating na kami sa isang restaurant ay hinubad ko na ang helmet at ganoon rin siya.

"Sa susunod hindi na ako sasakay sa motor mo. Ang bilis mo magpatakbo."

"Motor racer ako noon at nasanay ako magpatakbo ng mabilis. Tara na nga sa loob." Hinawakan ko ang isa niyang kamay bago pa kami pumasok sa loob ng restaurant.

Sinamahan na kami ng isang waiter sa bakanteng table at umupo na rin kami ni Fannie sa table namin saka binigyan kami ng waiter ng menu booklet.

"Musta ka na, Neil?"

"I'm totally fine." Sagot ko habang ang tingin ay nasa menu booklet pa rin.

"Bakit hindi mo tinapos ang law? Isang semester na lang noon makakagraduate ka na." Hindi ko na inimikan si Fannie dahil gusto ko ng kalimutan ang nangyari noon. Kung bakit ako hindi nakapagtapos sa pagaaral noon. "May problema ba, Neil kaya hindi ka na pumasok noon? I was worried dahil hindi ka naman umaabsent noon, eh."

"Law is not my profession. Ayaw ko talaga maging law pero iyon ang gusto ng mga magulang ko kaya wala akong choice kaya sinunod ko sila. Alam mo rin naman puro pasang awa lang ang grades ko noon dahil ayaw ko talaga maging abogado."

"Ano ang tinapos mo ngayon?"

"Wala. Hindi na ako tumuloy sa pagaaral simula noon."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon