Chapter 39

935 27 0
                                    

Ilang araw din pinayagan lumabas ng ospital si Neil pero siyempre kailangan niyang magpahinga na muna. Hindi rin siya pinayagang bumalik sa head quarter nila.

Pagkatapos namin kumain ay hinanap ko si Neil hanggang sa makita ko siya nasa pool area. Yes, nandito na kami nakatira sa dating bahay nila. Hindi na rin pumayag ang mga kaibigan niya na bumalik kami doon at wala naman akong balak bumalik pa sa dati naming bahay, no! Sira-sira na rin ang ilang kagamitan namin doon dahil sa nangyaring barilan noon.

Hindi nga ako makapaniwala na gagawin din ni Kevin iyon. Ang akala ko pa naman ay isa siyang mabuting tao.

"Neil." Tawag ko sa aking asawa. Humarap siya sa akin habang hawak nito ang isa niyang kamay. Lumapit na rin sa akin si Neil.

"Alam kong natakot ka ng bumalik sa gubat kaya ako na mismo ang nagdala sayo nito." Binuksan na niya ang mga kamay niya at may isang alitaptap na lumabas. Sinundan ko ang paglipad ng alitaptap.

"Alam mo talaga kung paano ako mapasaya." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Dalawa lang naman ang magpapasaya sa asawa ko. Una, ang mga alitaptap at ang pangalawa ay kaming pamilya niya."

"Kaya mahal na mahal kita, Neil."

"I love you too, baby." Kinulong ako ni Neil sa kanyang mga bisig. I really missed this. "May isa pa akong surprise sayo."

"Ano iyon?" Nagulat na lang ako ng makita kong lumuhod sa harapan ko si Neil. Gosh. Sana tama ang hinala ko.

Naluluha ako ng may nakita akong nilabas siyang maliit na kahon na kulay velvel at binuksan niya iyon. Shit. He's going to propose!

"I know I'm a jerk, an asshole, not perfect and I even swallowed all my pride. Francine Ainsley, will you marry me again?"

Napatakip ako ng bibig gamit ang mga kamay ko habang lumuluha at tumango sa kanya.

"Y-Yes, I will marry you." Sagot ko sa kanya at tumayo na si Neil para yakapin ako.

"Thank you, Fannie." Sinuot na niya ang singsing sa daliri ko at hinimas na rin niya ang umbok kong tyan. "Did you see that, little guy? Your mommy said yes. I love you. Always."

"Mahal ka din ni baby, Neil. At masaya siya para sa atin."

"Aasikasuhin ko na agad ang kasal natin because I can't wait to be call you mrs. Acosta. Officially."

"Ayan ka na naman. Hindi naman kailangan madaliin ang kasal, Neil. Marami pa tayong oras."

"Time is gold, baby."

"At saka mrs. Acosta na rin naman ako kahit civil wedding lang iyon." Paalala ko sa kanya na kasal na kaming dalawa.

"Kahit na. I really want to call you mrs. Acosta after our marriage in church or wherever you want."

Kinabukasan ay nagising ako sa isang halik na dumampi sa leeg ko kaya minulat ko na ang mga mata ko tingnan ang asawa ko.

"Rise and shine, baby."

"Alam mo naman inaantok pa ako." Tumalikod ako sa kanya at pinikit ulit ang mga mata para makatulog muli.

"No. It's already 3:15pm. Alam mo naman hindi ka pwede malipasan. Lagpas ka na nga ng almusal at pananghalian."

Minulat ko ulit ang mga mata ko at nilingon siya.

"Anong sabi mo?"

"Tanghali na po, ma'am."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin tanghali na pala?"

"Ang sarap kasi ng tulog ninyo, ma'am. Baka kasi magalit kayo sa akin kapag ginising ko kayo."

"Kahit na. Paano yung pagpasok ng kambal? Hindi ko sila naasikaso." Napasimangot ako.

"Ako na ang gumawa, baby. Hinatid ko na rin sila sa school nila."

"Dapat magpahinga ka na muna dahil iyon ang binilin ng doctor sayo. Paano kung bumuka ulit yung sugat mo?"

"Relax. I'm fine. Huwag ka masyado magaalala sa akin at makakasama iyan sa baby natin. Don't stress yourself."

"Ako dapat ang nagaalaga sayo." Lumabi ako kaya hinalikan ako ni Neil sa labi.

"Nope, I won't allowing you. Buntis ka kaya ako dapat ang magaalaga sayo ngayon."

"Pero—" Hindi natapos ang sasabihin ng nilagay niyang kanyang hintuturo sa labi ko.

"No buts. Gusto ko lang bumawi sayo dahil wala ako sa tabi mo noong pinagbubuntis mo ang kambal."

Tama naman siya. Hindi alam ni Neil kung gaano ako nahihirapan noon sa kambal pero ayaw ko naman sisihin si Neil sa nangyari dahil kasalanan ko rin naman iyon.

"Sige na nga. Kung mapilit ka talaga."

"Dadalhan na lang kita ng pagkain." Bumangon na siya ng higa.

"Mabuti pa nga. Bilisan mo ah dahil gugutom na kami ng anak mo."

"Yes po." Sagot niya saka lumabas sa kwarto namin.

Bumangon na ako ng higa at sumandal na sa head board habang hinihintay ang pagbalik ni Neil.

Nakita ko na ang pagbalik ni Neil na may dala na siya isang tray ng pagkain.

"Here's your food, ma'am. Pagpabusog kayo ni baby."

Naglalaway ako bigla pagkakita sa pagkain na nilagay ni Neil sa harapan ko at hindi lang iyon may mga prutas din kasama.

"Bakit may prutas? Hindi ba dapat sayo ang mga ito?" Tanong ko sa kanya.

"Mas kailangan mong kumain ng healthy foods, baby para maging healthy din ang anak natin." Nakangiting sabi nito sa akin. Ang laki na talaga ng pinagbago ni Neil simula noon.

Enjoy na enjoy ko ang pagkain ko dahil ang sarap ng niluto ni Neil.

"Alam mo ba habang wala pa akong malay noon ay nakita ko ang mga magulang ko." Huminto ako sa pagkain at lumingon sa kanya.

"Tapos? Ano nangyari?"

"Gusto ko lang humingi ng sorry sa ginawa ko noon. But they both forgive me."

"Wala naman magulang na hindi kayang patawarin ang kanilang anak kahit malaki pa ang kasalanan nila."

"Ngayon magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ako magkukulong sa nakaraan ko. Ang iisipin ko na lang ang ngayon at ang future na kasama kayo." Ngumiti ako sa kanya. Mabuti naman kung ganoon.

"Ayaw ko man tanungin sayo ito pero curious lang ako."

"Ano iyon?"

"You told me before you have a little sister."

"Yep. Gusto mo ba malaman kung paano siya namatay?" Tumango ako sa kanya. "Nalunod siya. Wala ang mga magulang namin noon dahil busy silang pareho kaya sa akin binilin na bantayan ko siya. I was busy that day dahil may exam pa ako kinabukasan. Pagkatapos ko magaral ay hinanap ko siya kaso hindi ko siya makita kahit saan hanggang nakita ko na ang kapatid ko lumulutang sa pool. Ang akala ko maililigtas ko siya kaso huli na ang lahat. Hindi na siya humihinga. Noong nalaman ni mama ang nangyari ay nagalit siya sa akin. Kasalanan ko rin naman kung bakit namatay ang kapatid ko."

Love Of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon