Zac's Pov
Tumunog ang alarm ng cellphone ko pero di ko pinansin. Di pa rin ako nakakatulog dahil sa mga nangyari kahapon.
Una nadamay ako sa gulo,
Pangalawa nakipag break ako sa girlfriend ko.
Pangatlo parang may kakaiba akong nararamdaman.Ano bang nangyayari sakin
Sinubukan kong matulog.
Oo nakatulog ako pero ang diwa ko. Gising na gising kaya kahit nakatulog ako. Pakiramdam ko ay ubos pa din ang lakas ko.Hirap bumangon dahil sa nararamdaman ko. Sobrang sakit pa din.
.
.Lumabas na ko ng bahay pagkatapos lahat ng gawain ko. Nag paalam na din ako kay mama at kuya.
Habang naglalakad ako papuntang sakayan ay may tumigil na sasakyan sa tabi ko. Pamilyar sakin ang sasakyan. Binaba ng nasa loob ang salamin ng sasakyan saka ko nakita ang mukha ng isang lalaki na may maamo pero may pasang mukha.
Hindi maitatangi na gwapo ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
Sa kanyang mata na may pagkabrown at almond shape, matangos at pointed na ilong, makinis na balat mapupulang labi at ang jawline niya na expose na expose. Isa na ata ito sa mga perpektong taong nakita ko."hey brad! Are you listening?" sabi nito sakin na nagbalik naman sakin mula sa aking pagkilatis sa kanyang itsura
"b-bakit?" ang nasabi ko na lang
"I was asking you if you wanna ride? Tara! " alok niya sakin
Umiling na lang ako sa kanya
"Hindi na Luke. Maglalakad na kang ako. Malapit na din naman ung sakayan eh. Saka baka makaistorbo pa ko sayo" tanggi ko dito"No it's ok. Sa school din ang punta ko so there's no hassle. O ano? Tara na? "
Wala na din ako nagawa kaya sumakay na ko."ano brad? " tanong niya
Napatingin naman ako sa kanya na tila ba nagtataka.
Lumapit siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko na tila ba hahalikan ako. Napapikit na lang ako.
Maya maya ay may narinig ako na isang Click.May suot na kong seatbelt.
"seatbelt mo brad ayaw mong isuot. " tinignan ko siya at may kung anong ngiti sa kanyang mga labi.
Hindi ko napapansin na nakatitig na pala ako sa kanya.
"Picturan mo na lang kaya. " sabi niya
Napakunot naman ang noo sa sinabi niya
"alin? "
"kanina ka pa kasi nakatitig sakin. Medyo nakakailang kaya picturan mo na lang ako para un na kang tignan mo. At saka baka matunaw ako" namula naman ako sa sinabi niya. Nakakahiya. Nakatitig na pala ako.
Napatawa naman siya.
"Ui brad. It's ok. Im just teasing you. You can look at me anytime you want. Kung gusto mo nga. Hawakan mo pa eh. " nakakaloko niyang lines sabay tingin sakin at balik sa daan ang tingin.
"ah. H-hindi ako nakatingin sayo no. May naalala lang ako" palusot ko kahit hulinh huli na sa akto.
"Ok. Sabi mo." wala pang ilang minuto ay tumigil na ang sasakyan.
"We're here" sabi nito.
Oo nga. Di ko na namalayan dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Tsk. Ano ba kasing nangyayari sakin.
Simula noong nakilala ko tong isang to at ung mokong na walang hiya ay para bang may nabago na sakin.
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
Romance[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...