Change No. 13 - Love Square Riot

2K 74 13
                                    

Zac's Pov

Sabado ng umaga ngayon.  Sumasakit ang ulo sa mga nangyayari sa paligid ko.

Ilang araw na ang nakalipas mula noong nagtapat si Gelo sakin

Bute wala akong pasok para di sumakit ulo ko sa tatlong yon

Noong una hindi ako naniniwala na akala ko ay Joke lang

Pero wala eh.  Seryoso talaga siya.  Tapos nandun pala ang chismoso kong nanay at kuya sa likod namin.  Nakikinig sa usapan namin ni Gelo...

Gusto kong magalit.  Magalit kay Gelo,  kay Luke, Kay Justine dahil sa mga pinararamdam nila saking kalituhan sa pagkatao ko

Simula noong dumating sila sa buhay ko nag iba na ang lahat.

Hindi ko naman magawang magalit.  Parang I understand what they feel. Ewan ko ba.  Maybe I was still in shocked sa lahat ng pangyayari.

Maya maya pa bumaba na ko para mag almusal. Nakita ako ni kuya saka ngumiti ng nakakaloko.

Umupo na ko.

"Good morning ma."

"Good morning anak.  Kamusta tulog mo? Mukha ka kasing puyat.  Wag mo kasi SILA masyadong isipin" sabi  ni mama na may emphasis dun sa word na sila.

"Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang tumatakbo sa puso ko
Oh.  Anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilitong litong litong lito owowow..

Sinong pipiliin ko?  Mahal ko o mahal ako? " kanta ni kuya

Bwisit talaga to.  Alam ko ang pinapatamaan noong kantang yon

"Kuya please lang wag ka nang kumanta!"

"Bakit Zac?  May naaalala ka ba? " nang iinis na tanong ni kuya

"Wala,  pangit kasi ng boses.  Walang pag asa" sabi ko kay kuya para mainis.  Isa sa ayaw ni kuya ang masabihan ng sintunado

"oo nga naman Zen, mali pati kasi ang kanta mo.  Dapat ito

Saaaaaaaannaaaaaaa tatlo ang puso
Di na sana nalilito kung sino sa inyo"
Sabi ni mama na feel na feel pa ang pagkanta

"Ay ma mas gusto ko yan! " sabi ni mama

Pumalakpak naman ako pagkatapos kumanta ni mama kaya napatingin siya sakin

"Di ko akalain na yan pala boses mo Ma kapag nakanta! " arte ko na parang di makapaniwala sa narinig

"Bakit anak?  Maganda di ba? "

"Hindi Ma,  yang boses mo mahirap mapulot"

"Talaga anak?  Kakaiba ba? " sabi ni mama na tuwang tuwa sa naririnig

"Hindi Ma.  Mahirap mapulot kasi
.
.
.
Basag!" sabi  ko kay mama na bigla nag iba ang mukha

Si kuya naman ay tawang tawa sa naririnig

Serves you right Ma.  Bwahahahahahah

"Basag pala ha.  Sige wala kang pagkain" mama sabay kuha sa pinggan ko

"Ma joke lang.  Galing galing mo ngang kumanta eh.  The best ka Ma.  Akin na ung pinggan ko!" sabi ko kay mama habang nagpipigil ng tawa

"Dingdong"

" May nagdoorbell,  ikaw na magbukas kuya!"

"Wow nakakahiya naman na ang panganay ang inuutusan no Zac?" Kuya

Unchangeable ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon