Change No. 10 - Effort

1.9K 77 9
                                    

Zac's Pov

Hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Luke kagabi. Naghahanda na ko ngayon para sa pagpasok sa school. Pagbaba ko nakita ko si Mama at kuya na nakangiti ng nakakaloko at nakaitingin sakin...

"Good morning ma! Good morning kuya" masigla kong bati sa kanila kahit na para silamg mga tangang di maialis ang ngiti sa mga labi. Ngiting nakakainis...

"Kamusta naman ang pag uusap nung lalaki kagabi, ano ngang pangalan nun Ma? " kuya

"Luke anak. Luke daw" sabi ni Mama na medyo kinikilig pa

"Ok naman kuya. Nangamusta lang siya. Bakit? " nagtataka kong tanong sa kanya

"Wala naman. Mukha siyang mabait di ba Ma? "

"Oo nga anak. Gusto ko siya"

Nasamid naman ako sa sinabi ni Mama...

"Ma, di ka papatulan nun. Hahahah oldies ka na! " sabi ko

"Sinabi ko bang ako?" nakataas ang kilay na sabi ni mama

"Eh sino ba?" tanong ko mukang alam ko na tinutumbok nitong dalawang to. Pero di ako papahuli...

"Anak, alam kong straight ka. Pero sa mga narinig namin kagabi ng kuya mo" napatingin ako sa kanila

"WHAT!!! Nakikinig kayo sa usapan namin kagabi? mama naman!" pasigaw kong sabi sa kanila. Nakakahiya...

"pwede ba wag mo kaming sigawan ni mama... Kasalanan ba namin na marinig lahat ng pinag usapan niyo?" kuya

"Chismoso ka kasi kuya. Sigurado ako dinamay mo si mama sa pagiging chismoso mo"

"Suusss... Ok lang un no anak" sabi ni mama

"Pero alam mo anak, dapat talaga hindi ako papayag eh. Kasi alam kong lalaki ka. Pero di ako against sa mga gay. Pero ung sinabi ni Luke kagabi was beyond my imagination... Kinikilig nga kami ng kuya niyo habang nag uusap kayo kagabi di ba zen? "

"Oo Zac, at sasabihin ko sayo. Tatanggapin kita kahit ano ka pa. Mas gusto ko naman yang si Luke kesa dun sa Ex mong hilaw. "

"Wait ako naguguluhan sa inyong dalawa ha. Nakadrugs ba kayo ngayong umaga? "

Nabatukan naman ako ni mama. Napasimngot na din kasi ang sakit...

"Hoy Zac anong drugs ka jan. Mabait kami no. Anyways, hindi kita pipigilan anak kung anong nararamdaman mo. Pero we're here para sayo... Grabe. I never thought that this would happen. Na ang anak ko ay papayagan kong magmahal ng lalaki"

"Ma hindi akk ang nagmamahal. Siya!"

"Alam ko anak. Pero kagabi talaga. Tinalo niyo pa ang mga bida sa koreanovela. Tinalo niyo pa ang mga Oppa! " kilig na kilig na sabi ni Mama

"Ano nga ung sinabi niya Zen kay Zac kagabi? "

Umupo naman ng maayos si kuya saka umubo kunwari

"Mahal kita Zac. Believe it or not, this is what I feel. Im so madly deeply inlove... With you!!!" sabi ni kuya na ginaya ang boses ni Luke.

Si mama naman ay nagtititili sa kilig. Haist. Pamilya ko ba talaga to?

"Eto pa ma...
Handa akong maging bakla para sayo Zac. Kung ikaw lang naman ang mamahahalin, im willing to sacrifice. Ganon ako magmahal"

"Pero Luke... " gaya naman ni Mama sa boses ko

"I know Zac... Pero let me love you. Sabi ko sayo. Kahit hindi mo suklian ang pagmamahal ko. Let me just love you. Ok na sakin yon. Kahit don lang pagbigyan mo ko"

Unchangeable ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon