Zac's Pov
"So ano Zac? Ginawa niyo na ba un? " tanong ni Ken
Nandito kami ngayon sa gym para sa isang activity namin. Wala si Jessica at Justine. Kailangan daw kasi sila sa office para sa mahahalagang documents.
"Oo nga Zac? Kamusta si Justine? Biggie ba? " Gelo
"Huh? Sinasabi niyo?"
"Kung kayo ba ni Justine ay ginawa na YON? " ulit ni ken sa tanong niya kanina
"Anong ba yon? Di ko magets!"
"Haysss. Zac ang slow mo na rin nahahawa ka na kay Justine. Bagay nga kayo. Parehas kayong pagong." inis na sabi ni Gelo
"Nako Gelo, hindi pa rin bagay ang tagalog sayo. Eh kung sinasabi niyo na sakin ung ibig niyong sabihin eh di sana alam ko na yun! " singhal ko sa kanila
"Hayysss. Kung na s*x na kayo ni Justine. Ano? Is it clear na ba? " sabi ni Ken
Namula naman ako sa sinabi niya. Ano bang klase tong mga ito..
"Pinagsasabi niyo? Wala pa isip namin yan. Wala pa sa isip ko yang mga ganyang bagay!" sabi ko sa kanila
Tae sila. Mga tinatanong ng mga ito. Kakaiba eh.
"Ahhh! So wala pang nangyayari? " pagsisiguro ni Gelo
"WALA PA!" medyo napalakas na sabi ko kaya medyo nagtinginan samin ang ibang tao sa gym.
"Wala PA? so you are thinking about it na Zac? Are you preparing na ba? " nakakainis na saad ni Gelo. Nakasmirk pa ang loko.
"Pwede ba tigilan niyo ko sa mga ganyang usapan. Di ko pa kaya yang mga ganyan" sabi ko
"Meaning to say Zac, you're still a virgin? " nakakalokong tanong ni Ken
"A-ano. B-Bahala na nga kayo jan. Dun na muna ako sa iba nating mga kasamahan! "
Takte tong dalawang ito. Nakakahiya ang pinag uusapan. Alam kong pulang pula na ko.
Pag alis ko ay hagalpak naman sa tawa ang dalawa.
Nacurious tuloy ako sa sinabi nila.
Magagawa ba namin ni Justine yun?
Masarap kaya? Malaki ba ung sa....Shit. What am I thinking.
Erase. Erase.
"Zac relax. Wag mong hayaang mahaluan ng malisya at evil thoughts ang pag iisip mo gawa ng dalawang yon! " bulong ko sa sarili ko.
.
Hindi na nawala sa isip ko ang sinabi nung dalawa.Grabe aba. Ginulo talaga ng husto ang pag iisip ko.
Naglalakad ako mag isa ngayon sa hallway. Ayaw ko muna kasama ang mga baliw. Baka kung ano pa ang ipasok ng mga iyon sa isip ko.
Takte talaga. Dati rati naman nakakakita na kong ng ganon kapag nasa cr ako ng lalaki or shower room tapos pinag uusapan din namin un pero bakit ngayon big deal na sakin.
Hindi ko pa nga nakikita. Medyo naiilang na ko
"Mmmmyyyy Llllooovvvvvvveeeeeesssss! " sigaw ng isang tao.
Naestatwa ako noong narinig ko ang boses niya at alam kong pulang pula na ko..
Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
Romance[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...