Change No. 24 - Third Wheel

1.4K 60 2
                                    

Zac's Pov

Nandito kami sa isang park kasama ang dalawang magulong tao ngayon sa paningin ko. 

"Ako na kasi ang bibili tss! " Justine

"Ako na.  Ako naman ang nagyaya dito! " Lance

"Kahit na. Ako na basta! "

"Tsss.!"

Naghihilahan ang dalawa.  At alam niyo ba kung ano pinag tatalunan nila kanina pa?  Kung sino ang bibili ng fishball.
Takte.  Kanina pa sila jan. Pinagtitinginan na nga ng mga tao pero wala pa din silang pakialam.

Tumayo na ko. Hindi naman nila ako napansin. Dumiretso na ko kay manong fishball at ako na lang ang bibili.  Mukang walang balak magpaubaya ang isa sa kanila at walang mangyayari sa ginagawa nila.  Haysss.

Grabe ganon ba kaimportante ang pagbili ng fishball... 
Pipigilan ko na sila. Baka mamaya nasa balita na sila eh

Newflash: Dalawang gwapong lalaki,  nagsuntukan dahil nagtatalo kung sino ang bibili ng fishball.

Takte.  Nakakabobo ang balitang un.

Nakakuha na ko ng fishball di pa rin sila tapos.

"Tumigil na kayong dalawa. Ako na bumili.  Ang tagal niyo magdecide eh! Bibili lang di pa magawa Tss. " sabi ko

Natauhan naman silang dalawa

Umayos nang tayo sabay kuha sa inabot kong fishball.

Hindi lang dito natapos ang pagtatalo ng dalawa. 

We decided to go to a resto para magdinner

Noong tinanong nila ako kung anong order ko. 
Sinabi ko na sila na bahala kasi libre nila.

At nagkamali ako ng sinabi ko yon. Why?  Kasi ganto

"I think steak na lang sayo Zac 'Cause the steak here is really great." Lance habang nakatingin sa menu niya

"No Zac,  I think you should try this pasta." Sabi ni Justine

"Nope steak is good though!  Its better than any pasta! " Lance

"You wish.  Pastas are great no. And healthy pa! " Jt

"Healthy?  Puro carbs un bro! " Lance

"Bakit?  Ang steak naman puro fats." Jt

At alam niyo na nangyari.  hindi na natapos ang pagtatalo ng dalawa.

Tinawag ko ang waiter.  Ako na ang umorder para sa sarili.  Bahala sila Jan.

Habang nagtatalo ang dalawa.  Dumating na ung order ko.

Nabigla ang dalawa nang may pagkain na sa harap ko

Tapos sabay pa silang tumingin sakin.

"Why?  Ang tagal niyo eh. Kanina pa ko gutom.  Mukang walang katapusan ang pagtatalo niyo eh.  Di niyo nga napansin na nakaorder na ko.  Talo niyo pa ang magsyota. Umamin nga kayo. Kayo na ba? " inis kong sabi ko sa kanila.

Parang nahiya naman sila parehas at saka umorder ng kanila.

Nang dumating na ang order nila, may bago na namang pag aagawan

"try this Zac,  masarap to." Lance sabag lagay ng food sa plate ko

Siyempre hindi nagpatalo ang isa

"Try this also Zac,  this is actually really good" Justine sabay lagay sa plate ko ng food

"No Zac,  try this wag yan.  Hindi yan masarap! "lance

Unchangeable ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon