Justine's PoV
5 Years ago
Nandito ako sa may library nang may lumapit saking isang lalaki
"Kunin mo na. Basang basa na yang damit mo oh kapapahid ng luha mo"
Kinuha ko ung panyo na may halong pagtataka saka siningahan.
Sinadya ko un. Natawa naman ako sa kaloob looban ko sa reaksyon niya
Sabay abot ng panyo sa kanya pero di tinanggap. Hahahha
"Ah sayo na muna. Mukang kailangan mo pa" sabi nito sakin
"S-salamat" napayuko naman ako sa sinabi ko.
"Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na? " tanong niya
Tumango lang ako
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko maiwasang tignan ang gwapo niyang mukha
"Hintayin mo na ko. Sabay na tayo. May kukunin lang akong libro" sabi niya. Tumango lang ako. Umalis siya saglit at pumunta sa mga shelves. Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobra. Lalo itong lumalakas habang nakikita ko siyang nakangiti
Pagkakuha niya ng libro ay umalis na kami ng library. Nahihiya pa din ako sa kanya.
"San ka nakatira? " tanong niya
"Sa villarosa subdivision" sagot ko
"Wow, yayamanin ka pala. Kung mayaman kayo bakit sa public ka nag aaral?" tanong niya sakin
"Gusto kasi ni mama na dito ako mag aral" sabi ko. Kahit ako ay di ko alam kung bakit sa public ako pinag aral ni mama.
"Anong pangalan mo pala? Kanina pa tayo nag uusap di pa kita kilala" sabi niya sakin
"A-ano. J-jt pangalan ko" kinakabahan kong sabi
"Pwede ba wag kang kabahan. Its not like kakainin kita or what"
Medyo kinilig ako dun. Napayuko na lang ko
"Wag ka din mahiya ok.. Ako si Zac." sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman ito. At doon na may dumaloy na milyong boltahe sa katawan ko.
"Pauwi ka na ba? Tara kain muna tayo ng isaw, libre ko" hinila niya ko. Hindi na ko pumalag dahil gusto ko pa siyang makilala at makasama
"Dito lagi ako nabili ng isaw dahil masarap... Aling marcia isaw po" sabi niya.
Napatingin naman ako sa kakainin namin. Safe ba to?Kumuha siya at binigyan ako ng isa
Pinagmasdan ko lang ito. Nakakain ba talaga ito?
"Hindi ka pa ba nakakakain ng isaw? " nagtataka niyang tanong sa akin...
Tumango lang ako bilang sagot..
"Ah. Kaya. Try mo yan. Masarap yan. Kung di mo magustuhan eh di bigay mo sakin. " sabi niya sakin
May tiwala naman ako sa kanya kaya nagtry ako
Grabe. Ganto pala lasa nito. Ang sarap. Naubos ko agad ung akin.
Napatingin naman ako sa mga un. Gusto ko pa. Kaso nahihiya ako."Sige na kuha ka pa. Ako na magbabayad"
Ngumiti ako sa kanya saka kumuha"Isawsaw mo dito para mas masarap" turo ko sa kanya sa sauce" sinunod ko naman siya
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
Romance[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...