Si Luke ung nasa taas
*
*
*Zac's Pov
Isang linggo na mula noong nangyari sa amin ni Luke sa may Garden nila.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.
Totoo ba ung sinabi niya?
Ung. Ung. K-kiss...Kapag naaalala ko ung kiss ay namumula na lang ako.
Hayys. Lalong gumulo ang buhay ko. Lalong gumulo isip ko.Ung Ex ko. Aun hindi na nagpapakita. Mabuti na din un para makamove na din ako ng mabilis.
Isang linggo ko na rin iniiwasan si Luke.
Lagi ko siyang nakikita. Sa tuwing nakikita ko siya ay nakangiti ito sa kin pero iiwas ako ng tingin. Iiwas ako ng direksyon.
Ewan ko ba. Naiilang ako sa kanya.Nandito na ko ngayon sa room. Mag isa.
Ewan ko ba. Nasanay na kong mag isa. Wala kasi mga kaibigan ko. Magkakaiba kami ng school.
Wala naman ako kaclose dito.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako. Maya maya pa ay dumating na ang prof namin sa math. Alam kong lutang ako nitong mga nakaraang araw pero di ko pinapabayaan ang pag aaral ko.
"Good morning class" bati ni Prof. Fernandez.
Kung titignan si prof ay simple lang. Ung tipikal na prof. Pero ang pinakamapapansin mo sa kanya ay ung bubbly personality niya. Masyado siyang masayahin"Before we start, I would like to introduce to you your new classmates, please go inside lady and gentlemen. "
Nakita kong pumasok ang isang magandang babae at dalawang lalaki
Hindi ko na pinansin ang pagpapakilala nila. Tumingin na lang ako sa labas.
Hindi ko naman inaasahan na dadaan si Luke sabay tingin sakin at ngumiti. Bigla naman ako namula at naalala ang mga nangyari kaya umiwas na ko ng tingin
Hindi ko namalayan na sa akin pala humanay ang tatlong bago.
Katabi ko ung babae na hindi ko naman narinig ang pangalan.
.
Habang nagtuturo ang aming prof ay nagpakuha ito ng papel at ballpen para sa gagawin naming activity.Kinuha ko naman ung bag ko. Inilabas ko hng papel pero hindi ko makita ung G tech ko.
"Shit nasan na ba un? " nasabi ko na lang habang hinahanap ko ung ballpen ko.
Magsisimula na ang activity pero di ko pa din makita.
Maya maya ay nakita akong ballpen sa harap ko. Tinignan ko kung sino nag abot.
Ung babae. Tinignan ko lang ang ballpen at ung babae
"tsk. Kunin mo na kaya, nakakangalay eh. Saka dont worry may extra pa ko. Ibalik mo na lang kapag meron ka na" iritableng sabi nito
Napatango na lang ako sabay kuha ng ballpen niya
"thanks. Balik ko lang mamaya"
"No prob."
Nagsimula na ang activity.
Madali lang para sakin ang activity na to. Napag aralan na naman nmin to eh.10 questions na puro solving
Natapos ko na agad ang activity.
Tumayo ako at pinasa ko agad ito. Nagulat naman ang mga kaklase ko. Hindi ko na lang sila pinansin at umupo sa pwesto ko. Nakita kong nakatingin sakin ang tatlo na tila ba namamangha sa ginawa ko.Natapos na ang activity.
Nacheckan na din. And guess what. Nakaperfect ako at ako lang ang nakagawa nito, na lalo naman kinagulat ng mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
عاطفية[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...