Zac's Pov
Ngayon ay napapaligiran kami. Ano bang nangyayari? Mga 6 silang nandito.
"a-anong kailangan nyo? " sabi ko
"Well we don't need you, kundi yang katabi mo. Hi there Luke Mendoza. Happy to see us again? Buhay ka pa pala. " sabi ng isa"You've just punch and kick me, then you're expecting that you've already killed me. Niloloko nyo ba sarili nyo? Mas malakas pa ko sa inyo kahit may pasa ako" nakakabiglang sabi ni luke.
Ano bang nangyayari at sino ba talaga tong si Luke.
Nakakaramdam na ko ng kaba. Ayaw na ayaw kong napapasok sa gulo. Sayang ang gwapo kong mukha.
"Hahahaha... Hindi ka pa din nadadala. Nabugbog ka na kanina, gusto mo ba maulit?" medyo mayabang na sabi nung isa na pinaglihi sa sama ng loob
"Ganon ba? Nakachamba lang kayo kanina. It will not happen again." tinignan naman ako ni Luke " jan ka lang sa likod ko. Baka madamay ka pa. "
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Ano ba talagang nangyayari. Nandito kami sa loob ng university pero walang umaawat sa kanila.Masyado ba ko naging low profile para hindi mapansin lahat ng nangyayari sa paligid ko for the past 2 years.
Luke moved his body na para bang h inahanda niya ang katawan niya sa isang laban.
Maya maya pa ay may sumugod na pero naiwasan ito ni Luke at nasuntok.
Totoo ba tong nakikita ko. Sobrang away na ata ito. Sinugod sabay sabay si Luke pero nakakaya niya ito at mabilis siyang gumalaw.
Sa hindi kalayuan kay Luke ay may isang lalaki na may hawak ng kahoy at ipapalo kau Luke. Kailangan ko na atang tumulong."Luke sa likod mo" sabi ko sa kanya sabay tingin sa likod at naagaw niya ang kahoy at ipinalo sa mga ito. Nakahiga ang anim na lalaki sa lupa at pawang masasakit ang katawan.
Nang tumingin ako sa paligid. Madaming tao pero wala man lang tumulong nung pinagtulungan nila si Luke. Kahit ako kasi ay natatakot.
Tumingin sakin si Luke na parang nababahala
"Ayos ka lang? Tanong niya sakin
"A-ah o-oo, ata, siguro. Ano bang nangyayari? " Tanong ko sa kanya
"Mamaya ko na sasabihin, tara na baka may dumating pa na ibang kasamahan ng mga yan? " Napatango na lang ako sa sinabi niya
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Saming paglalakad ay may tumawag sakin
"Zac!" Lingon ko sa babaeng tumawag sakin
"Bakit babe?" sagot ko sa girlfriend ko
"Anong nangyari? Bakit kasama ka niya?" tanong ng girlfriend ko
"Mahabang kwento babe. Ill tell you later. Usao lang kami ni Luke. Ahh luke gf ko si Eunice, Eunice si Luke" pagpapakilala ko sa dalawa.Hindi naman ito pinansin ni Luke.
"sige babe kita na lang tayo mamaya. Hatid kita sa inyo"
Tumango naman si Eunice at nagpaalam samin-sakin.
Naglakad kami ni Luke hanggang mapunta kami sa parking lot
"Hey Luke, what's going on? San tayo pupunta? Tanong ko sa kanya
"Alis muna tayo sa ibang lugar tayo mag usap. " hindi nakatinging sabi niya sakin
"Ah kasi may klase pa ko mamayang 1. And ihahatid ko pa gf ko. " sabi ko sa kanya
"Saglit lang tayo wag kang mag alala, saglit lang tayo. " sabi niya
"P-pero kaya mo bang magdrive, puro pasa ka? " nag aalalang tanong ko sa kanya
"Oo naman. Nakita mo naman kanina kung gaano kalakas ang katawan ko" sabi niya" oo pero.... " di na ko pinatapos sa sasabihin ko nang buksan niya ang pintuan ng car niya at pinasakay ako.
"San tayo pupunta? " tanong ko sa kanya.
"Kahit saan basta malayo sa school" maikling sabi niya
"Ano bang nangyari, bakit parang may galit sayo ung mga lalaki kanina.?" Tanong ko sa kanya
"Hindi parang, galit talaga sakin ang mga yon" sabi naman niyaNaisip ko ung sinabi niya sakin kanina
"ung bang sinabi mo kanina na im in danger, anong ibig sabihin mo dun? " ako
"you're in danger i guess dahil sa pagtulong mo sakin kanina, dapat hindi mo na ko tinulungan. Kaya ko naman eh" sabi niya
"h-ha? Bakit nadamay ako. Pati anong ineexpect mo, na wala akong gawin kapag nakakita ako ng nasasaktan?" sabi ko sa kanya
Tinignan naman niya ako. Isang tingin na ngayon ko palang nakita sa buong buhay ko. Ung tingin na walang emosyon na makikita sa mata pero parang ako ang may emosyon na naratamdaman.
"mga kaaway ko ung kanina" sabi niya " hindi pala sila, ung nag utos pala sa kanila ang kaaway ko" dugtong niya
" Sino? Sinong nag utos sa kanila at bakit wala man lang tumulong sa kanina sayo? " tanong ko
"Si Justine" maiksing sagit niya
"Justine? Sinong justine? " tanong ko ulit
"Si Justine Arellano" sabi ni Luke
"Justine Arellano? Sino nga un bakit.... " natigil ako nung narealize ako ang apelido ng sinabi niya.
"Mukang alam mo na, siya ang anak ng may ari ng school kung saan tayo nag aaral ngayln, alam mo na din kung bakit walang tumulong sakin kanina" sabi ni Luke.
Medyo nabila ako sa sinabi niya
" Pero anong kasalanan mo bakit kaniya pinapabugbog" tanong ko ulit
Hindi na sinagot ni Luke ang tanong ko.
"Pasensiya na" pambabasag ni Luke sa katahimikan.
"Nadamay ka pa sa gulo ko. Wag kang mag alala. Ako ang magtatanggol sayo mula ngayon kapag guguluhin ka nila na sigurado akong gagawin nila dahil tinulungan mo ako" napatingin ako sa kanya. Seryoso siya sa mga sinasabi niya hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.
.
.
.
.Bumalik na kami sa school. Naghiwalay na kami ni Luke at pumasok na ako sa klase ko...
Parang ang bilis ng oras, hindi ko namalayan na tapos na ang klase ko. Wala akong natutunan sa araw na ito dahil sa mga nangyari kanina. Sa mga sinabi ni Luke. Lutang ang isip ko.
Pagkatapos ng klase ay lumabas ako ng room pero nabigla ako sa isang malaking bagay.
Napatingin ako. Hindi ito bagay. Tao to at madami sila.
"Siya po yon boss justine, siya po ang tumulong kay Luke" sabi ng isa
"J-justine? justine arellano? " tanong ko
"Ako nga! " sabay ngisi niya
Hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon ah. Mukang may hindi magandang mangyayari...
********
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
Romance[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...