Change No. 35 - Final chapter

2.8K 89 62
                                    

Zac's PoV

Mabilis na lumipas ang panahon.  Wala na ring hadlang samin ni Justine. Pinatawad na namin si Melissa.  Dinala na siya ng magulang niya sa ibang bansa at doon na titira for good.  Nagkaayos naman kami at nagsorry siya sa nagawa niya. 

Dumaan ang christmas,  new year at valentines.  Walang makapaghiwalay samin ni Justine.  Nagkakatampuhan kami at nagkaka away pero dahil hindi ko siya matiis at hindi niya ako matiis ay agad kaming nagkakaayos.

Pero nitong mga nakaraang araw ay parang may nag iba sa kanya.
He doesnt treat me the way he used to treat me before. He's changed.  Laging aburido sa buhay.  Laging galit.  Nanlalamig siya sakin.  Kapag kinakausap ako ay parang wala lang ako.

Minsan iniisip ko na baka may iba na siya. Na baka nawawala na ung pagmamahal niya sakin. Sana...  Sana naman mali ang iniisip ko. Pero kung ganoon man.  Ill understand him. Mahal ko siya and I will give him what he wants.  If he will be happy with someone else,  Ill let him. 

Di ko maiwasang maiyak habang iniisip ko na papakawalan ko siya.  Sobrang mahal na mahal ko si Justine.

Ngayon ay nasa kwarto na siya.  Nag aayos ng gamit niya para bukas habang ako ay nagluluto ng pagkain namin.
Bukas ang graduation niya. Pero bago un.  Dalawang araw siyang hindi umuwi dito.
Dumaan ako sa bahay nila pero wala daw si Justine don. Hindi daw alam kung saan pupunta.

Saan ba siya nagpupunta noong mga nakaraang araw.

Matatapos kong magluto at pinuntahan ko na siya para kumain.

Pagpasok ko ay wala siya dun. Nasan siya.  Maya maya ay nakita kong nagring ang phone niya. Kinuha ko ito at tinignan kung sinong tumawag.

Natigil ako nang makita ko ang nakaflash sa screen.

Love calling...

Nakita ko na pumasok siya ng kwarto. Nanlaki ang mata niya saka lumapit sakin sabay hablot ng phone niya

"SINONG MAY SABI SAYONG GALAWIN MO ANG CELLPHONE KO!!! " sigaw niya sakin.  Nabigla ako sa sigaw niya.  Kahit siya ay nanlaki din ang mata nang marealize ang nagawa niya.

"S-Sorry.  Nagring kasi kaya tinignan ko lang kung sino" sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng luha.  Masakit.  Masakit na malaman na meron na nga siyang iba. Ung taong pinaglaban ko.  Sumuko na.

"Sige..  Sa susunod ay wag mo nang pakialaman ang gamit ko. " sabi nito saka lumapit sa mga gamit niya na inaayos

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko habang nakatitig sa kanya.
Justine.  Ano bang nangyayari sayo

"May sasabihin ka pa ba Zac? " sabi niya

Zac?  Zac na lang ang tawag niya sakin.
Ngumiti naman ako sa kanya oara hindi niya mahalata ang lungkot ko.

"Kain na tayo Justine.  Nakahanda na sa baba ang pagkain" alok ko dito

"Sige sige,  sunod ako.  Tapusin ko lang ito." pinigilan kong maiyak sa nangyari

Pagkababa ko ay agad akong umupo sa dining table.  Sumunod naman agad siya. Paglalagyan ko sana siya ng pagkain

"Ako na. Kaya ko na. " sabi niya.  Kaya binitawan ko na ang sandok at hinayaan siyang kumuha ng sa kanya.

Hindi siya tumingin sakin.

Tumungo na lang ako saka nagsimulng kumain.

Katahimikan yan ang bumalot sa amin habang kumakain.  Tanging tunog lang ng mga pinggan at kutsara ang naririnig.

Unchangeable ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon