Zac's Pov
"My love kakain na!"
Sigaw ko kay Justine na ngayon ay nagsasampay sa labas.
Matapos kasi nung nangyari sa office ng school ay lalo kaming naglapit ni Justine.
Same scenario naman ang nangyari. Pinipilit kami ng mama niya na maghiwalay. Pero dahil kay papa, hindi niya ako mapatanggal sa school nila.
"Coming my love!" sigaw niyang pabalik
Narinig ko naman ang yabag niya papasok ng kusina.
"Anong hinanda ng gwapo kong asawa? " tanong niya
"Sus! Nambola pa ang gwapo kong asawa. Adobo lang to my love"
Sagot ko sa kanya"Aba! Paborito ko yan my love." tuwang sabi niya
"Tss. Lahat na lang paborito mo Justine. Kahapon ung ginisang patola, kagabi ung nilaga, kanina ung fried egg, ngayon adobo" natatawa kong saad sa kanya
"Siyempre lahat ng niluluto ng asawa ko paborito ko na." sabi niya saka ako niyakap
"Hay nako. O siya tara na. Upo ka na doon. Maghahain na ko"
Agad itong umalis saka umupo.Habang kumakain kami ni Justine ay naiopen ko sa kanya ang trabahong papasukan ko. May interview kasi ako mamaya sa isang resto. Gusto ko sana sa resto na pinahtatrabahuhan niya kaso hindi hiring ngayon.
"Sigurado ka ba jan my love? Di ka ba mahihirapan? Nag aaral ka pa tapos magtatrabaho?" tanong niya
"Asus. Bakit ikaw? Ganoon ka din naman ah. Nag aaral sabay nagtatrabaho! " balik ko sa kanya
"Malakas naman kasi ako my love. Hunk kaya itong asawa mo. Tingnan mo tong muscles na to. It is as hard as stones you know! " sabi niya habang nagfeflex ng muscles niya.
"Hoy justine, mas malaki tong muscles ko kesa sayo. O tignan mo! " pagmamalaki ko sa kanya.
"Nagbuhat na naman ng bangko! " sabi niya habang natatawa
Sinamaan ko lang siya ng tingin
"Tss. Kumain ka na nga lang." sabi ko
"Wag ka na kasi maghangad pa my love. Mas matangkad ka lang sakin ng isang inch pero lamang na ko sa lahat! " pagyayabang niya
"Yeah right bansot! " pangbubuska ko sa kanya
"Bansot man ako sa height. Malaki naman to! " sabi niya sabay tingin sa baba niya sabay taas taas ang kilay habang nakangisi
Alam ko na ang tinutukoy niya."MANYAK! " sigaw ko sa kanya
Natawa naman siya
"Pupunta ako sa inaapplyan kong resto. Pinapabalik ako ko para sa interview" sabi ko sa kanya
"Sige my love. Kung hindi na kita mapipigilan jan sa gusto mo. Susuportahan na lang kita jan. Galingan mo ha"
"salamat my love" sagot ko sa kanya
"Behave ka don my love ha. Baka manlalaki ka dun. Nako, humanda kayo sakin" banta niya
"Oo naman no. Kahit madaming gwapo dun. Sayo lang ako attracted. Ewan ko ba anong meron sayo. Gwapo la lang naman, sobrang gwapo pero hindi ka katalinuhan.."
"Salamat sa puri ha! " putol niya.
"Pero mahal kita kahit hindi ka perpekto" sabi ko
BINABASA MO ANG
Unchangeable Changes
Romance[[[Completed]]] This is a bromance story so if you're homophobic, you're free to step back. Thanks!!! .............. This is a story about a sweet handsome guy with a happy but strong personality. Si Zaccharry Hunter Santos or mas kilala sa taw...