Change No. 11 - My Angel

1.9K 81 5
                                    

Zac's Pov

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagpipiga ng towel para ipamunas sa taong nakahiga sa kama

Bakit ba naman kasi ayaw magpadala ng taong to sa ospital eh. Tsk.

Few hours ago

"Sir ok lang ba kayo?  Sir!  sir! "

Iniharap ko sakin ang lalaki

"Justine?"
"Huy Justine,  gising hoy!"

Dumilat naman ang mata niya

"Z-Zac" pabulong na sabi nito

"Anong nangyari bakit ka nila binugbog?" nag aalalang tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo

"Tsk.  Di ko alam. " hay nako...  Sungit talaga nitong isang to. Iwan ko kaya to dito

"Kamusta ka? Ok ka lang ba?" tanong ko dito

"Ikaw kaya bugbugin,  ok ka lang ba?" sarkastikong sabi nito na pabulong dahil sa panghihina

Haist...  Nakakabwisit tong isang to.  Siya na nga tinutulungan eh...

"Tara,  dalhin kita sa ospital" sabi ko dito.

Tumigil ito sa paglalakad. Napatingin naman ako sa kanya

"Ayoko sa ospital.  Iwan mo na lang ako dito" matigas na sabi nito

Lalo naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya

"Bakit ayaw mo?  Para gumaling ka agad"

"Basta ayaw ko sa ospital.  Kung dadalin mo ko dun.  Iwan mo na lang ako dito"

"O sige bahala ka.  Ikaw na nga tinutulungan ikaw pa tong demanding"

Iiwanan ko na sana siya ng may marinig akong bumagsak.

Ayon,  nakahiga na naman si Justine sa lupa.  Wala nang malay kaya no choice ako.  Iuuwi ko na lang siya samin.  Tsk.  Kainis naman

Present

Habang pinupunasan ko si Justine ay hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha niya.  Sobrang amo ng mukha niya.  Para siyang anghel kapag natutulog pero kapag gising naman ay parang leon na nakawala sa sobrang pagka gago...   Haist sana lagi na lang siyang tulog.  

Pinagmasdan ko pa lalo ang mukha niya...  Di ko alam pero kahit anong gawin niya sakin ay hindi ko magawang magalit sa kanya...

Naaalala ko ung sinabi ni Luke tungkol sa kanya.  Naaawa ako sa mga nangyari para sa kanya,  sa kanila nung Melissa,  sa kanila ni Luke...  Hayysss.

"Sana naman paggising mo bumait ka na.  Sana napuruhan ka nung mga bumugbog sayo sa ulo para makalimot ka hahaha.  Kidding aside, I hope maging maayos ka na. Hindi lang sa sugat sa katawan mo.  Kundi sa sugat ng puso mo at pagkatao mo." sabi ko dito..  Hindi ko na namalayan ay nakatulog na ko habang pinupunasan siya...

Maya maya ay parang may nakislot, pero di ko na lang pinansin.  Lalo itong gumagalaw...  Minulat ko ang mata ko. Nakita ko ang gwapong mukha na nakangiti sakin. Sabay tingin sa ibang direksyon.  Tinignan ko din naman ung tinignan niya. 

Nanlaki mata ko.  Tae ito ba ung nagalaw kanina pa?  Bakit ako nakahawak. 

Bigla akong napatayo sa kahihiyan...

Natawa naman siya...

"Malaki ba Zac? " Nakangisi nitong sabi sakin..

"A-ano, ok ka na ba?  May masakit ba sayo?" pagbabago ko ng usapan

Unchangeable ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon