A few months ago..
"Uuwi naba ako Lo? Kita mo naman siguro nagsasaya pa kami ng mga kaibigan ko." I said with a sassy voice while my Grandfather is driving his car.
"Hija, you need to go home. Masyado ng malalim ang gabi para sa apo kong maganda. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." My grandfather said..
"Kaya ko naman ang sarili ko Lo, at 'saka I know already na maganda ako. Nambobola kapa." Tugon ko at 'saka tumingin sa front mirror ng sasakyan na nakangisi.
"Hahahaha, ganoon talaga ako apo. Mahilig mambola." He laugh
"Mambola pero totoo naman. Ikaw kaya bolahin ko tapos kunwari may buhok kapa." I laugh also.
Maya-maya ay bigla kaming natahimik, mukhang alam ko na ata ang susunod na mangyayari at hindi nga ako nagkamali."Alam kong hindi maganda ang huling pagkikita ng iyong pamilya Lex, kaya naman sana, wag mo ng isama 'yang sama ng loob mo hanggang sa mga lakad mo, hindi maganda 'yan." He said, with his sincere voice. Ang kanina lamang na masayang usapan ay naging seryoso
Hindi ko na lang kinibo ang sinabi ni Lolo at tumingin nalang sa bintana ng kotse, pinagmamasdan ang mga nakailaw pang mga gusali.
"Hija, bukas na bukas, aayusin na natin itong gulo ng pamilya niyo. Alam mo naman siguro na pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong may tinatago kang hinanakit sa mata mo." Dagdag niya pa.
"Lolo.." Nagsisimula nanamang tumulo ang mga luha ko.
I hate this feeling. Dammit! Nagmumukha akong mahina.
"Bakit ganun Loh? Parang simula ng dumating ako sa pamilya ng Concepcion ay parang pinagkakait na sa akin ang kasiyahan na nais ko?" Humagulgol na ako pagkatapos kong sabihin ito. Tinitigan ko si Lolo na nagmamaneho parin ng sasakyan. I knew from the very start, simula ng dumating ang trahedya na 'yon, galit at poot na ang ipinaramdam sa akin.
Ang hina ko. Napakahina! Nagpapadala ako sa ganitong kaliit na problema! Tangina!
"Tahan na hija, It's part of our life. Baka napaaga lang yung sa'yo dahil magiging maaga rin ang kasiyahan na nanaisin mo balang araw." Grandfather said, habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay nagmamaneho.
"May plano ang maykapal Lex, maghintay kalang." Tumango nalang ako.
"Hanggang kailan Lo? Pag naging puti na ang uwak? Pag may tumubo naba ulit na buhok sa ulo mo?" Tanong ko sa kaniya na napatawa naman siya.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...