Chapter 2

69 4 0
                                    

Lex's P.O.V

Sa lakas ng pagkakabangga sakin ay..

Ayun knock-out

Nung tiningnan ko kung sino ang bumangga sakin ay nakita ko ang isang may magandang lahi na lalaki kasama ang kaniyang mamahaling bike. Matangkad at may kaputian din. Medyo magulo ang buhok nito. Matangos ang ilong at medyo singkit ang kaniyang mga mata na paniguradong nagagawang makapagtili ng maraming babae. Ngunit ang kaniyang dalawang mata ay nakatitig sa'kin ng masama.

Saan-saan kasi tumitingin Lex ihh, yan tuloy tumba ka! Shettt nakakahiya ka Lex. Jusko!

Agad-agad kong pinulot ang mga libro ko na hawak ko at saka tumayo ng parang tanga.

Puta naman! Lalake ba tohh o Bakla? Di manlang ako tinulungan. Di manlang gentleman. Tskk!

Dahil sa inis ko ay bigla kong tinadyakan ang kaniyang bisikleta na hindi niya pa naitatayo at bigla niya ako tinitigan ng masama.

Pake niya ba?

"Tanga kaba?! Kita mo may dumadaan na babae, hindi ka manlang umilag?!" Sabi ko ng bigla siyang tumayo.

"It's not my fault, because this is your fault. Tumatawid ka nalang ng basta-basta na hindi manlang tumitingin sa magkabilang direksyon." Tugon nito.

Dahil sa itsura namin ay tinitignan na kami ng mga estudyante na nandito ngayon at halos ang mga tingin nilang masasama ay sa'kin nakatuon.

Tusukin ko mga mata niyo ihh!

"At ako pa ang sinisisi mo n'yan? Bakit?! Ano ang akala mo sa daanang ito?! Highway? Baka gusto mo narin na patayuan ito ng stoplight." Sarkastikong sambit ko at hindi niya na lamang ako pinansin at pinagtuunan ng pansin ang kaniyang bisikleta.

Inayos ko na lamang ang aking sarili. Pagpag dito, pagpag doon. Iyan ang ginawa ko sa aking uniform na natanggal naman ang mga dumi. Chineck ko rin kung may sugat ako ngunit wala akong naramdaman at nakita.

Maya-maya ay may dumating na dalawang lalaki sa aming kinaroroonan at lumapit sa lalaking nakabangga ko.

"Hoy! Rhett! Okay kalang?" Tanong ng isa nilang kasama na nakasalamin.

He's cute. Hehehehe

"Yes I am." Sagot nito.

"Alam mo, first time kitang nakita na natumba sa bisikleta mo." Sabi naman ng isa na may lollipop na kinakain.

Weird.. Lollipop boy?

"Shut up" Walang ganang sabi nito.

Lumapit sa'kin ang nakasalamin na lalaki. "Hey miss, are you okay?" He asked.

"Okay lang ako." I answered. "Iyang kasama niyo ata ang hindi." Dagdag ko pa at 'saka siya lumingon sa'kin with his mad face.

"Ano, magsosorry kana?" Tanong ko rito.

"I will never say sorry to your stupid mind miss. It's your choice na naging tanga ka sa pagtawid." 'Saka siya umalis kasama ang kaniyang bisikleta.

THE AWAKENING (On-going)Where stories live. Discover now