Galexia's P.O.V
Kasalukuyan parin akong nasa eroplano at ayun nag-sosound trip lang. Kitang kita ko sa baba ang karagatan at ilang pulo na nagliliwanag ng dahil sa ilaw.
Mga more than 1 hour ang biyahe ko mula sa Cebu papunta sa Manila. Nakaalis ako mga 4:30 AM at ngaun ay mga 5:05 na. Mga 30 mins lang tulog ko kung tutuusin. May susundo sakin mamaya sa airport sabi ni Mom para maihatid ako sa school sa Cavite. Pamamay-ari kasi ni Tito ung school dun sa Cavite. May condominium din malapit sa school na pagmamay-ari niya din. Dun daw ako tutuloy hanggang matapos ang school year.
Ewan ko ba kay Mommy kung bakit ngayon niya pa ako pinabyahe tapos mamaya ay first day of school na.
Habang nasa ospital ako, inasikaso na daw dati ni Mom ung mga Forms na kinakailangan pag mag-tratransfer ng school.
Tanggap ko naman na mahihiwalay ako sa kanila sa maikling panahon kasi may family problem kami na kahit si Kuya ay kailangang paaralin sa ibang bansa para makalayo kay Dad.
•~FLASHBACK~•
Kakagaling ko lang sa ospital dahil may nangyari daw sakin na incidente na hindi inaasahan. Nadisgrasya raw kami ni Lolo gamit ang kotse namin. Nabundol raw kami ng isang malaking truck at malaki ang naitamong sugat sa amin. Basta, yun na yun!
Papunta kami sa bahay at nagtataka ako kung bakit ang daming luggage sa sala. Umiiyak si Mommy na nakikipagsagutan kay Dad.
"Sige! Lumayas ka ngayon pero kukunin ko si Lex sayo." Sigaw ni Dad
"Lalayas talaga kami! And what? sino may sabi na isasama mo si Lex sa kadimonyohan mo!...Magsama kayo ng kabit mo!"
Bakas sa mga mata nila ang galit at poot sa isa't isa. May kabit raw kasi si Dad at nahuli ito ni Mom sa kama noon raw ay nasa ospital ako.
"Tara na mga anak. Bilisan niyo at sumakay na kayo sa kotse sge na. Manang Kathy! Pakidala nalang po ung mga luggage nila.."
"Akin lang si Lex! Lex, anak halika rito" sabay hila sakin ni Dad.
Grabe yung hila Dad! 'Yung kaluluwa ko naiwan na.
"Diba ang anak ng kabit mo ang itinuturing mong anak ngayon, kahit naman na hindi mo tunay na anak yun!?. Bakit kailangan mong kunin sakin si Lex? Lex sakin ka mapupunta dahil wala kang kinabukasan diyan sa ama mong manloloko!" Sabay hila naman sakin ni Mom. "Akala ko pa naman ay magsasama tayo sa hirap at ginhawa. Kaso parang iba na ang magiging kasama mo in the future. Minahal kita, Chancellor, kasabay ng pagmamahal ko sa ating dalawang anak. What the hell is happening on you?!" Galit na tugon ni Mom kay Dad
"Sinabi ko naman sayo, aksidente lang yung nangyari. Di ko inakala na ganun ang mang–" Sabi naman ni Dad, pero di nia ito naituloy dahil muling sumigaw si Mom.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...