Lex's POV
"That's for today class. Okay! Class Dismiss."
Tila nabuhayan ang aking loob ng marinig ko ang pamamaalam ng aming guro. Salamat sa tunog ng bell at natapos narin ang paghihirap ko sa ngayon. Ang pagpigil sa antok ko.
"Lex, let's have a lunch." Pagyaya ni Brianna sa akin at tumango naman ako sa sinabi niya. Niyaya niya rin sila Gwen at pumayag naman sila.
Pumunta kami agad sa canteen upang makaorder agad ng makakain. Hula namin ay marami nanaman dadagsa na mga estudyante dito dahilan para mahirapan kami makapag-order. Pagkatapos namin makaorder ay naghanap kami ng mauupuan. Nakahanap naman kami 'di dahil wala pang masyadong estudyante na nandirito kundi dahil malawak ito at maraming mga seats na available.
"I think, we have a quiz mamaya sa Science." Ani ni Brianna nang lahat sila ay tumango. Ikinagulat ko 'to dahil hindi ko manlang ito alam.
"Ano naba ang topic do'n" Tanong naman ni Gwen.
"It's all about Fundamental of rDNA Technology." Sagot naman ni Xavier habang nakatitig kay Gwen dahilan para mailang si Gwen sa ginawa nito.
"'Yon ba yung may Cloning?" Tanong ni Alex at tumango naman si Xavier.
"Nakapagreview kana ba do'n Lex?" Bulong ni Brianna sa'kin at dahan-dahan akong umiling sa kaniya. "Wag kang mag-alala, parehas lang tayo." Sabi niya at napangiti nalang ako.
Tahimik akong kumain at kasabay nito ay ang pangangamba ko sa quiz dahil baka wala akong masulat mamaya sa papel ko. Ayaw kong maging kahihiyan sa classroom mamaya. Sapat na 'yong nangyari sa'min nila Brianna at Gwen noong nakita kami ni Ms. Lily na naglalaro sa loob ng classroom sa oras ng uwian. Ayaw ko ng itong dagdagan pa.
~•Flashback•~
Andito kami ngayong tatlo sa office ni Ma'am Lily at kinausap kami about sa ginawa naming kabalastugan. Kami lamang ang tao rito sa loob.
"What have you done inside the classroom? Pinagkakalat niyo 'yong mga papel sa loob ng classroom nati--"
"Objection! Your honor!" Biglang sigaw ni Brianna dahilan para manlaki ang mata ni Ma'am Lily
"Shut up! Wala tayo sa courtroom" Mahinang sambit ni Gwen at natawa nalang ako.
"Ma'am, nagkakaasaran lang po kami. Nadala lang po kami ng kasiyahan kaya po namin nagawa 'yon." Pagpapaliwanag ni Gwen.
"Pero nagkalat pa'rin kayo."
"Yes ma'am" Dismayadong sabi ni Brianna. "Pero ma'am, maglilinis naman po talaga kami, kaso nga lang po, mas nauna po muna yung batuhan ng papel." Dagdag niya pa.
"Okay lang naman sa akin Ms. Castillo na mag-asaran kayo at magbatuhan ng papel. Pero sa maling oras niyo ginawa. Paano kung nakita kayo ng Principal natin? Baka pinagkalat niya pa sa buong campus na ganiyan ang ginawa niyo." Ma'am Lily said..
"I apologize for what we have done Ma'am." Humingi na ako ng tawad sa kaniya.
"Hindi niyo kailangang humingi ng paumanhin sa akin. Kasi kahit ako ay natatakot na ipahiya ng Principal natin ang mga estudyante ko sa buong campus. Maissue pa naman 'yon." Sambit niya and it touch my heart.
"Thank You Ma'am!" Sabay-sabay naming tugon.
"Wag kayong mag-alala, dahil tayong pito lamang ang nakakaalam ng ginawa niyo."
Pito?
"Ma'am, Pito? Ehh apat lang naman po tayo dito." Tanong ni Brianna. "Bilangin po natin Ma'am, Isa, Dalawa, Tatl--" Hindi na naituloy ni Brianna ang kaniyang sasabihin ng biglang may sumigaw sa pintuan ng office. Ikinagulat namin itong tatlo nang malaman namin kung sino sila.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...