Chapter 7

55 2 1
                                    

Lex's P.O.V

Napatulala nalang ako ng marinig lahat ng pinag-uusapan nila. Laking pasasalamat ko na narinig ko lahat ang mga ito. Ngunit ang mas malala pa ay nasa panganib ako.

"Heyy, what are you doi--"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Kumaripas agad ako ng takbo palayo sa kanila.

May masama silang balak sa akin. I have to run as fast as I could.

"Heyy! Come back here!" Tawag nila sa akin ngunit hindi na ako lumingon pa dahil alam kong hinahabol nila ako.

Umakyat ako papunta sa second floor hanggang makaabot sa classroom namin ay sinundan parin nila ako. Agad ako pumunta sa loob ng classroom at nagtago sa cabinet na naroroon. Wala laman ito, kaya mabilis ako nakapasok rito. May maliit na butas ito dahilan para makita ko kung anong nagaganap sa labas.

"Heyy Lex! Asan ka!! Lumabas kana diyan sa pinagtataguan mo!" Sigaw ni Nikki na mas nagpatindig ng aking balahibo.

They know my name? How?

"Wala kaming binabalak na masama sa iyo. Please lang mag-usap tayo" Ani ni Lucy ngunit hindi ako naniwala ro'n. Sino ba namang hindi matatakot kapag may magtatangkang pumaslang sa'yo.

Hindi parin ako lumabas ng cabinet nang bigla na lamang sumigaw si Lucy na mas kinatakot ko.

"Hindi ka talaga lalabas!!" Sigaw ni Lucy sabay sipa sa upuan na nasa tabi nila. "Kung ayaw mong lumabas, kami na mismo ang maghahanap sa iyo!" Dagdag niya pa at inihanda ko ang aking sarili sa maari nilang gawin.

Tang*na ayaw ko na!

Nilibot nila ang kabuuan ng classroom hanggang sa mapadpad sila sa tinataguan kong cabinet. Mas inihanda ko ang sarili ko kung sakaling buksan nila ito at hindi nga ako nagkamali.

Agad akong tumakbo at natulak ko silang dalawa dahilan para matumba sila. Tumakbo ako ngunit di ko alam kung saan ako tutungo hanggang marating ko ang laboratory. Pagdating ko roon ay kahit ang nagbabantay nito at wala roon. Naghanap ako ng matataguan at nakita ko ang shelves na maraming apparatus na patago. Isiniksik ko ang sarili ko roon at maya-maya ay dumating narin sila Lucy at Nikki kasama ang bakla nilang kasama.

Sana di nila ako makita. Please lang!

Nagsisigaw-sigaw sila sa loob ng laboratory hanggang makahanap si Lucy ng mop. Kinuha niya ang kahoy nito at pinagpapalo sa lamesa.

"Humanda ka talaga Lex! Pag ikaw makita namin. Siguradong hindi ka na makakalabas ng buhay rito!" Sigaw ni Lucy habang hawak ang stick ng mop.

"Lumabas ka na kasi Lex! Di ka naman namin sasaktan eh. Unless kung pahihirapan mo pa kaming hanapin ka!" Tugon naman ni Nikki. Sa tingin niya ba nagmumukha silang inosente sa pinaggagawa nila ngayon?

Tuloy parin sila sa paghahanap sa akin. Nakakaramdam na talaga ako ng kakaibang takot kaya tumawag ako sa number ni Brianna.

Please! Answer the phone!

Maya-maya ay nakita ako at kinuha ng bakla ang phone ko at saka kinapa ang buhok ko dahilan para mapaaray ako. Ipinunta niya ako kila Lucy at Nikki habang hawak parin ang buhok ko.

Dito na yata ang katapusan ko.

"Saan ka nagsusuksok, hah?!" Sigaw ni Lucy sa akin. "Kung di mo na sana kami pinahirapan pa, ay di na sana hahantong sa ganito. Pero ngayon, magsisisi ka!" Dagdag niya pa.

Akmang ipapalo niya sa mukha ko ang stick na hawak niya ngunit mas yumuko ako dahilan para mapalo niya ang bakla na may hawak ng buhok ko.

Ang sakit nun ahh!! Gawin ko kaya sayong bakla ka! Pero wala ka palang mahabang buhok. Kalbuhin nalang kita sa susunod.

THE AWAKENING (On-going)Where stories live. Discover now