Lex's P.O.V
Nagising ang diwa ko ng marinig ang kaingayan ng mga letche kong mga kaibigan. Gabi na ng magising ako.
"Hahahahahaha, ikaw na next Gwen!" Sigaw ni Brianna.
"Ano may plus two ka??" Tanong ni Xavier kay Gwen.
Tumayo ako si kinahihigaan ko at pumunta sa sala ng makita silang naka-indian sit at naglalaro ng...
UNO CARDS
"Plus 4 ka Alex, Wahahahahaha" Pang-aasar nanaman ni Brianna kay Alex.
"Oo na! Eto na nga kukuha na!" Pikon na sigaw ni Alex kay Brianna.
Lakas ng trip niyo!
"Hahahaha, sino na next" Tanong ni Gwen.
"Ako na next.. Ohh yan number 6 color blue" nakangiting sagot ni Xavier kay Gwen.
Tchh... Gwen akin lang si Xavier kung alam mo lang.
Wala palang kami. Hahahaha
"Ohh Lex, gising ka na pala!" Sigaw ni Brianna sa akin. "Kamusta pagiging sleeping beauty mo?" Pang-aasar niya sa akin.
"Okay lang. Eto, gumising ng walang humalik sa labi ko" Sakay ko sa trip niya.
"Ayy hahahaha ayan si Rhett ohh.. Hinalikan ka niyan" Nakangising sabi ni Brianna sa akin, sabay turo ni Brianna kay Rhett na nagluluto ng pagkain namin sa kusina.
Sh*t! What?
Nanlaki ang mga mata ko dahil narin sa gulat ng sinabi ni Brianna iyon.
"Joke lang eto naman, hate ka ni Rhett kaya sure akong hindi niya magagawa iyon" Pagbibiro ni Brianna at nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero binuhat ka niya kanina papunta rito sa condo niyo. 'Princess carry' pa nga ung pagbuhat niya sa iyo." Nakangising tugon niya sa akin.
Princess Carr--- What?
"Ano yun?" Nacucurious na tanong ko sa kaniya.
"Yun ung bubuhatin ka ng lalaki, ung isang niya kamay nasa likod mo at ung isa naman ay nasa ilalim ng hita mo. Like a Groom carrying his Bride. Yieeeee" pang-aasar ni Brianna sa akin. At pinuntahan ko siya para batukan
"Kutusin kaya kita diyan." Sabi ko sa kaniya sabay sipa ng likod niya.
"Ano ba?!" Sigaw ni Brianna. "Xavier ohh, patayin niyo na kaya ni Alex si Lex. Baka mamaya maging bayawak yan. Ayy nako mahirap na!" Utos ni Brianna sa dalawang lalaki, at nagsitawanan naman sila.
Maya-maya pa ay.
"Kain na tayo!" Biglang cold na sigaw ni Rhett sa aming lima.
At nagsipunta kami sa dining table para kumain na ng dinner.
Nagtataka ako kung bakit andoon ako sa kwarto natutulog samantala sila ay naglalaro ng UNO CARDS.
"Anong nangyari kanina? Bakit ako natutulog sa kwarto?" Tanong ko sa kanila habang kumakain kami.
"Nandoon ka sa CR ng campus kanina, nakita ka nalang namin na natutulog ka doon." Sagot sa akin ni Xavier.
"Ehhh??" Gulat na tanong ko sa kanila.
"At saka maraming lata ng beer at ubos na sigarilyo na nakakakalat sa paligid mo." Tugon ni Gwen sa akin.
Huh?? Lata ng Beer at Ubos na sigarilyo??
Naalala ko na. Kanina sa CR ay may sumipa sa akin at binuhusan ako ng beer at kinalat ang mga ubos na sigarilyo at saka ako pinagsisipa dahilan para manghina ako at mawalan ng malay.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...