Chapter 8

26 0 0
                                    

Lex's P.O.V

~KINABUKASAN, MARTES.

Dumating ang araw ng Martes at swerte ko ngayon dahil maaga akong nagising. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.

5:00 A.M. Ang aga ahh!

Maya-maya ay bumangon ako sa kama ko at saka naligo with matching concert sa loob. Pagkatapos ay nagbihis ako ng uniform ko at inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng kwarto ng matapos ako at nadatnan ko si Rhett na naka sando at naka-slacks na black.

Even I hate him, Damn! He so freakin' hot.

But still, I don't care..

Agad ako dumeretso sa dining room nang agad niya ako binati.

"Morning." He said, with his cold voice. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa ugali niya.

Walang Good? Umagang-umaga ang cold niya nanaman.

"Ang sungit mo naman." Saad ko sa kaniya.

"It's not of your business." Anito. "Here, take your breakfast." Dagdag niya sabay lagay ng itlog at bacon sa lamesa.

So eto nanaman tayo, dadaan nanaman tayo sa kasungitan niya. Napapaisip rin ako kung nireregla ba ito minsan. Baka nga araw-araw palaging bumili ito ng napkin.

"Thanks" Pilit na ngiti ko. "Walang hotdog?" Tanong ko. Wag mong sasabihin na ubos na!

"Ubos na." He said. Kakasabi ko lang eh!

"I want hotdog." Mangiyak-ngiyak na sambit ko. I'm craving, you know?

"Bili ka." Cold na sabi niya. Ang lamig! Grabe!

"Tchh. Wag na nga! Letche!" Inis na talaga na sabi ko.

We've start eating our breakfast ng walang kibuan. Nanatiling tahimik ang paligid hanggang sa matapos na ako kumain. Napagdesisyon ko na tumayo na agad at umalis sa mismong harap niya.

"Tapos na ako." Pagbabasag ko sa katahimikan at saka natayo. "Punta na ako ng school." Dagdag ko pa sabay kuha ng aking bag nang bigla niyang inilapag sa lamesa ang utensils na ginagamit niya.

"Sabay na ako sayo." Sambit niya at 'saka tumayo. Naalarma ako sa sinabi niya.

"Wag na! Baka hagupitin nanaman ako ng kasungitan mo."

"Wala akong pake." Saad niya. Agad-agad siyang pumunta sa kusina upang ligpitin ang pinagkainan namin.

Badtrip ka! I don't want to go to school with him. Baka mahampas ko lang siya sa kasungitan niya.

Agad ako umalis para hindi niya ako masundan at nagtagumpay ako. Pagod na pagod ako ng makapasok na ako sa gate ng school dahil narin sa kakatakbo ko. Maya-maya ay biglang may pumalo sa likod ko. May dumaan na isang lalaki na nagbibike na nakapukaw ng atensyon ko.

"Ang bagal mong maglakad." Masungit na sambit ni Rhett at bahagyang nauna na siya. Hindi ko na lamang siya pinatulan at itinuloy ang paglalakad.

Dumeretso agad ako sa classroom at wala pa akong estudyante na nakita roon. Sinimulan ko muna magwalis para manlang may magawa ako. Walis rito at walis roon. Maya-maya ay nagsidatingan narin ang mga classmates ko. Tinulungan naman nila ako maglinis ng biglang dumating sila Stephanie para manggulo at hindi nga ako nagkamali.

"Wow.. Ang sipag ahh!" Pagpupuri sa akin ni Valerie. Itinuloy ko na lamang ang pagwawalis.

"Remember, basta pulubi. Masipag yan" Tugon naman ni Alexa. Medyo nairita ako sa sinabi niya kaya medyo lumayo ako sa pwesto nilang tatlo.

"Correct Alexa." Ani ni Stephanie sabay tapon nanaman sa akin ng trash bin na dala niya na puno ng basura.

Tang*na! Basura nanaman? Sawang-sawa na ako sa amoy nito!

THE AWAKENING (On-going)Where stories live. Discover now