Chapter 12

17 1 10
                                    

Lex POV

Araw ng sabado ay maganda naman ang panahon. Pagkagising ko ay agad ako bumangon at inayos ang aking sarili. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay nadatnan ko sa sala si Rhett, nakaupo habang nanonood ng TV Screen ng bigla siyang tumayo at lumingon sa akin.

Pagkatayo niya ang nabigla ako sa kaniya. Nakatopless siya. He has 6 pack abs. Hindi naman siya masyadong maskulado na sobrang laki ng pangangatawan. Sexy ang katawan kumbaga. Maliliit lang ang bawat pack nito dahilan para mahalata mo na medyo bata pa ang katawan. Ngunit sapat na rin ito para makakuha ng atensyon ng mga halimparot na babae.

"Gising ka na pala." Bungad niya sa akin. Tinignan niya ang kabuuan ko at bigla nanlaki ang kaniyang mga mata matapos iyon. Namumula siya na parang kamatis.

"What's wrong?"

"Ahhmm.. Y-Yung pananamit mo.." Utal niya

"Anong mali sa pananamit ko?" Tanong ko rito at bigla siyang tumalikod sakin.

"Yung h-hita mo, nagpapakita." Sa wakas ay nasabi niya rin.

Bahagyang tinignan ko ang aking sarili at kitang-kita nga ang maputi kong hita. Nakaoversized sando lang naman kasi ako at may maiksing short sa loob nito. Dahil narin siguro sa mainit na temperatura dito sa Pilipinas ay naisipan kong magsuot ng ganitong damit.

Nakalimutan ko, may kasama nga pala akong lalaki. Damn you Tito Ferdinand! Ba't kasi ito pa ang naging ka roommate ko. Buti naman malinis ang loob nitong lalaking ito at hindi 'yong mga lalaking manyakis.

"Ikaw nga walang samplot pang itaas. Nagreklamo ba ako?" Dere-deretso kong sabi

"Bakit, naglalaway kaba? Baka gusto mo pati itong short ko hubari—" Hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng bigla ko siyang binato ng unan galing sa sofa.

"Bastos mo! Bata pa tayo. Marami pa akong pangarap sa buhay ko." Tinignan ko siya ng maayos. "Ayaw kong maging batang ina. Kaya magpigil ka." Dagdag ko at napangiwi siya.

"Bakit, sino bang nagsabi na papatulan kita?" Napaawang ang bibig ko sa kaniyang sinabi.
"At kung papatol ako, bakit sa Penguin pa?" Dagdag niya dahilan para mas tumaas ang pressure ng aking ulo.

Nang dahil sa kahihiyan ay bigla akong bumalik sa aking kwarto at nagdabog na nagpalit ng kasuotan. Nagpajama nalamang ako pero nakasando parin naman ako dahil sobrang init talaga ng panahon.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Rhett na naghahanda ng lamesa. This time, nakasuot na siya ng tshirt na dark blue na may nakasulat na 'Fashion' na pabaliktad. Agad naman ako umupo at pinanood siyang naglalapag ng makakain namin. Hindi niya ako pinansin o tinignan lamang.

"Alam mo, ang sarap mong magluto." Pagpuputol ko sa katahimikan namin nang bigla niya akong nilingon habang nakakunot ang kaniyang noo. "Pero masarap ka ring sapakin. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo." Dagdag ko, at napangiwi naman siya at bumalik sa kaniyang trabaho. Maya-maya ay natapos rin naman siya at naupo narin sa harap ko.

"Asan sila Brianna, bakit hindi sila ngayon pumunta dito?" Tanong ko rito habang kumukuha ng kanin.

"Gagawin nila ung reports sa Advance Chemistry." Napatango ako sa kaniyang sinabi. Kagrupo ko rin naman kasi itong si Rhett sa reports kaya wala akong problema sa ngayon. Kayang-kaya niya na ito.

Nagpatuloy kami sa pagkain ng almusal ng tumahimik ulit ang paligid. Nababanas ako. Naiirita sa sobrang tahimik at ultimo pati ang paghangin sa veranda ay maririnig mo rin.

"Pst, Yelo.." Tawag ko rito at nakakunot muli ang kaniyang noo ng nilingon niya ako. "Ikaw na bahala sa reports natin ah." Nakangiting sabi ko rito at bigla itong umiling. "Bakit?"

THE AWAKENING (On-going)Where stories live. Discover now