Lex's P.O.V
Letcheng canteen yun ahh. Asan naba yun!
Sinundan ko ang karamihan sa estudyante kung saan sila nagsisipunta... Baka kasi ay sa canteen din sila pupunta kaya sinundan ko ang mga estudyante hanggang sa...
There is it..
Namangha ako ng makita kong malawak ang canteen namin. Ang daming upuan at marami ka ring pagpipilian ng mga pagkain na gusto mo.
Ignorance Strikes!
Pumasok ako roon at namili ng pagkain ng gusto ko at pagkatapos ay dumeretso sa mga cashier at nagbayad naman ako at binigay rin nila sakin ang inorder ko. Dala-dala ko ngayon ang tray at naghanap ng pwesto.
Habang naghahanap ako ng table ko ay napansin ko ang isang babae na may kasama pang dalawang babae ay may balak patirin ang naglalakad na dalawa pang estudyante na naglalakad papunta sa kanila. Tingin palang nila ay nalaman ko na ang binabalak nila. Hindi nga ako nagkamali at tumumpak ang aking prediksyon sa nangyari.
Sinasabi ko na nga ba! My prediction is correct. Predictor naba ako non?
At natumba ang isa sa kanila at saka tinulungan naman siya ng kanyang kasama. Lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa kanila.
"Ano ba? First day of school nanggugulo nanaman kayo?!" Sigaw ng isa habang tinutulungang tumayo ang kanyang kasama.
"Owwww... Bakit ako sinisisi mo?? Palibhasa tanga, kasi yang kasama mo, ayan tuloy natumba!" Tugon naman ng isa sa pumatid sa kanya at tumawa naman ang dalawa niya pang kasama.
"Alam kong ikaw ang pumatid, are you insane? Di porket anak ka ng politici-" Sabi naman ng isang babae ngunit hindi niya ito natuloy ng magsalita agad ang kaaway niya.
"Why, do you have evidence that proves na kami ang pumatid sa tanga mong kaibigan?" Sabi naman ng pumatid dun sa babae sabay turo doon sa natumba.
Tiningnan ko ang natumba na babae kanina at nakaramdam ako ng awa, kaya di ako nagdalawang isip na pumunta sa kanila habang hawak parin ang tray.
'Di ko kinakaya na may inaapi sa harapan ko.
"Meron, marami naman siguro ang nakakita sa ginawa mo. Nakita ko mismo kung paano mo siya pinatid. Ngising-ngisi ka pa nga nung papatirin mo na siya ehh." Sambit ko sa kanila at talagang nagulat sila sakin nung ako mismo nagsalita sa harap nila.
"Is she crazy??"
"Di niya siguro alam kung sino ang binabangga niya"
"Kakatransfer lang niyan dito ehh"
"Di niya siguro alam na anak ng mayaman na politician ang kaharap niya"
Anak ng what? I don't care
"Girls, may bago nanaman tayong maging kaawa-awang enemy." Sabi ng isang babaeng pumatid. "Lex, alam kong kakatransfer mo lang rito. Hindi mo kilala ang hinaharap mo?" Sabi niya mismo sakin.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...