Lex P.O.V
Dumating na ang araw ng huwebes at biyernes. Ganun pa rin ang routine namin. Aral lang ng aral. Minsan nabubully ng dahil kila Stephanie. Nagkaroon lang siya ng first warning sa principal dahil sa ginawa niya sa akin.
Di manlang binigyan ng suspension.
Dumati rin ang sabado at linggo at wala kaming ginawa kundi magstay lang sa condo. Pumupunta rin naman sila Brianna roon dahil naboboring raw sila sa kanilang mga condo. Magkalapit lang naman ang condo namin, kaya lagi sila pumupunta roon. 141 ang number ng condo nila Brianna at Gwen samantalang 142 naman kila Alex at Xavier at kami naman ay nasa 143, pinakadulo ang condo namin sa hallway sa third floor. Nagkakaroon rin naman kami ng time para makapagbonding like paglalaro ng UNO CARDS, pagmomovie marathon etc. maliban nga lang kay Rhett na panay review lang ang ginagawa at minsan lang magkaroon ng time sa amin.
Ang arte niya nohh?? Parang tanga lang
At dumating ang araw ng lunes, as usual gising, ligo, kain ng breakfast at pasok sa school ang routine ko.
Pumasok ako sa school na kasama sila Brianna at Gwen. Nasa hallway na kami ng biglang nagsalita ang magaling kong kaibigan.
"Woii bess, nagawa mo yung assignment natin sa Math??" Tanong ni Brianna sa akin.
"Oo naman, bakit?" Sagot ko sa kaniya.
"Pakopya ako mamaya ahh.."
"Sige ba!" Nakangiting sagot ko.
"Thank you so much talaga Lex, di katulad ng isa diyan! Ayaw magpakopya, akala mo kawalan mukha namang kawayan! Parang hindi naman tinulungang dinala sa clinic ahh." Pagpaparinig ni Brianna kay Gwen at natawa naman ako. Suminghal nalang si Gwen.
"Aba! Aba! Kung hindi dahil sa amin, hindi nagamot yang sugat mo! Baka napasukan na yan ng bacteria eww! Gross!" Maarteng pagmamayabang ni Brianna.
"Nurse ang naggamot rito hindi ikaw. At saka, paano ka matututo niyan pag ganiyan ka?!" Sagot ni Gwen sa kaniya.
"B-Bahala ka diyan!" Tanging nasambit ni Brianna
Nakarating na kami ng school ng inutusan ako ng isa sa mga kaklase ko.
"Lex, pwede bang ikaw nalang ang magtapon ng basura natin sa likod ng faculty room natin?" Ani ni Monica, ang kaklase ko, habang turo niya ang nakaplastic bag na basura.
"Sige ba." Nakangiting sagot ko.
Kahit na nasa private school kami ay pinalilinis kami sa classroom namin para raw manlang matuto kami maglinis. Ayaw daw kasi ni Tito Ferdinand na naiispoil ang mga estudyante rito. Kahit na may janitor kami ay, dapat kami ang maglinis ng classroom namin.
Nagbabayad na nga, kami pa itong maglilinis.
Pumunta ako sa likod ng faculty room ng makita ko ang isang maliit na building na kung saan ay ilalagay mo ang mga basura sa loob nito at saka kukunin nalang ito ng janitor kapag kailangan na ito itapon.
Akmang pupunta na ako rito ng may maamoy ako na sunog at nakita ng konting usok mula rito.
"Tulong, Tulong! May sunog rito!" Sigaw ko at pumunta ang isang teacher sa akin. Pinasok niya ang faculty room at nabigla siya sa nakita niya. Tinignan ko kung ano ang meron sa loob at nakita ko ang dalawang babae at isang bakla.
Halatang pati sila ay nabigla sa sigaw ko. Nang tingnan ko ang kanilang mga hawak ay nakita ko ang tatlong kahon ng sigarilyo at isang lighter.
Naninigarilyo sila?? 'Di ba obvious Lex?
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...