Lex P.O.V
"Ba't ako naririto?" Tanong ko habang nasa isang lugar ako. I think it's abandoned room. Sobrang gulo ng mga bagay na naririto. Nakatumba ang mga sirang upuan at mesa. Medyo madilim pa sa paligid na ito. Bukod narin sa gabi at ang buwan na lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Tinignan ko ang aking suot. Nakaputing dress lang ako. A tent-type dress. Pero bakit ganito? Mukha akong pasyente ng mental hospital. Ang weirdo ng atmosphere. Nagtataka na ako sa aking paligid. Magiging alerto na lamang ako. Kaya nagpatuloy ako sa aking paglalakad.
"May tao ba rito?!" Sigaw ko ngunit tanging echo ko lang ang aking naririnig. Tila'y ako lamang ang tao na naririto.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad nang may nakita akong hagdan papunta sa itaas. It's an L-Shaped stair. Biglang lumamig ang temperatura sa loob ng bahay na ito. Hindi ko alam pero bigla ko itong inakyat. May gusto akong malaman kung ano ang nasa itaas nito. Ewan ko ba kung ang mga paa ko ba ang tumutulak sa akin paakyat o ang kuryosidad ng aking pag-iisip.
Pagkaakyat ko ay may isang hallway roon at may mga rooms sa mga gilid. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad. Hindi ko pinansin ang mga silid na nasa gilid nito dahil sa takot akong makita kung ano ang mga nasa loob nito. Hanggang sa dulo ay may isang napakalaking silid ro'n. Kakaiba ito hindi katulad sa mga ibang silid kanina na may magandang at matingkad na pintuan.
Nagpatuloy ako roon hanggang sa nakarating ako sa pintuan nito. Napahinto ako saglit at para bang biglang tumaas ang mga balahibo ko. Kinakabahan ako. Bubuksan ko na ba? Ngunit natatakot ako na baka kung anong meron sa loob nito. Paano ba kasi ako napunta dito?!
Hindi na ako nag-alinlangan pa. Binuksan ko na agad-agad ang pintuan nito. Luckily, hindi siya nakalock. Kaya pagkabukas ko ay dahan-dahan akong pumasok sa loob.
NANLAKI ang aking mga mata sa aking nakita. Halos nanlamig ang aking buong katawan. I can't move and I can't breathe. And I'm even having a goosebumps now. Nanginginig ako sa takot. Hindi ako mapaniwala na ganito ang makikita ko sa silid na ito. Sa sobrang takot ko ay napatumba ako at pinigilan ang aking paghikbi gamit ang aking dalawang kamay. Nag-uunahan na ang mga luha na dumalos sa aking pisngi.
I can see myself, DYING dahil nakabigti ito. Parehas kami ng style ng damit ngunit ang kaniya ay kulay itim lamang. Puno ito ng dugo lalo na sa bandang uluhan.
NAGISING ako ng wala sa oras. Taena, ba't gano'n ang panaginip ko? Nakita ko ang sarili ko na patay? The heck, anong meaning no'n? Kung gaano ako katakot sa panaginip kanina ay mas natatakot ako ngayon. I don't know what to do. Nanlalamig parin ang katawan ko dahil siguro napalakas ang andar ko sa aircon dito sa aking kwarto.
Agad kong kinuha ang aking phone at nagtalukbong ng kumot. Natatakot ako eh, bakit ba? Pagkaopen ko ng phone ay bumungad sa akin ang oras nito. And it's 4:50AM palang. It's very early to wake up.
Sinubukan kong matulog ulit pero hindi talaga ako tinitigilan ng takot ko. Nagsuot pa ako ng earbuds at nakinig ng mga calm musics pero it's not effective at all. Binaligtad ko pa ang unan ko, at walang nangyari. Gising na talaga ang diwa ko para matulog ulit.
I visited my twitter. I twitted, "I can't sleep anymore." I also opened my YouTube App to watch some videos like mukbangs, adventures vlogs at kung ano-ano pang interested videos na gusto ko. Ngunit ando'n parin ang memorya ko tungkol sa letcheng panaginip na iyan. Fresh na fresh pa sa utak ko.
I open my Google App and search about my dream. "What does it mean when you dream yourself dead?" And after a few seconds, may lumabas na results. And it make me shock for a while.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...