Lex's P.O.V
•~KINABUKASAN~
Nagising ang diwa ko ng marinig ko ang alarm ng phone ko. Pinatay ko ulit ito at natulog muli..
Muling nagising ang diwa ko dahil sa pangalawang alarm ng phone ko. Per 5 minutes kasi ako nag-aalarm dahil nahihirapan talaga akong bumangon. Tiningnan ko ang oras sa phone ko.
5:35 AM
Bumangon ako sa kama ko at lumabas ng kwarto ko. Nakita ko si Rhett na naka uniform na. Akmang lalabas na ito sa condo dahil nasa labas na siya ng pintuan palabas.
"Ang aga mo naman ata umalis??" Tanong ko sa kaniya.
Syempre kahit hate ko yan nacucurious ako kung bakit ang aga niya. Such a weird person.
"Tchh, It's none of your business" Masungit na sagot niya sakin.
Ang sungit talaga. Bigwasin kita eh.
"Meron breakfast diyan sa table, kumain kana baka malate ka" sabay turo niya sa dining table namin.
"Okayy. Sige na lumayas kana! Di na kita kailangan rito! Shoo! Shoo!" Mayabang na sabi ko sa kanya. Lumabas siya pagkatapos at napalakas ang pagsara niya ng pintuan.
Pag-iyan nasira, pati ako madadamay sa kasungitan mo!
Bumalik ako sa kwarto at saka dumeretso sa banyo. Naligo ako ng mga ilang minuto with matching concert pa, para di boring. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng uniform ko at saka pumunta sa dining table para mag-almusal. May sinangang ng kanin at itlog at saka...
Hotdog! My favorite meal for breakfast! Even tho na may preservative ito.
Nagtimpla ako ng sarili kong kape at saka kumain ng breakfast. Pagkatapos ay nagtoothbrush ako ulet at saka umalis sa condo.
"Lexieeee!"
Si Brianna. Kasabay niya si Gwen.
"Namiss kita frenn." Sabay yakap sakin..
"Sorry pero di kita namiss" nakangiting pang-aasar ko sa kaniya. Bigla naman siyang bumitaw sa pagkayakap sakin.
"Gwen, Ang kutsilyo ko asan na?? Makakapatay ata ako rito" ani Brianna kay Gwen.
"Andun sa kusina, iniwan ko." Sagot ni Gwen sa kanya.
"Literal Stupid.. Hahahaha" Tawa ni Brianna sa kanya.
"Tara na baka malate na tayo" yaya ko sa kanila.
Pumunta kami ng campus na magkasama. Si Brianna ay panay ang salita habang naglalakad kami. Si Gwen naman ay sobrang tahimik at minsan lang kung magsalita. I wonder how this girl survived to her megaphone friend.
"Buti nagawa mo pang makaligtas sa kaingayan ni Brianna." Sabi ko kay Gwen
"Sanay nako diyan" Pagmamayabang ni Gwen.
"Dahil nga kasi kaibigan na kita Lex! Mas maingay pako sa nanay mong nawalan ng tupperware." Proud na sabat ni Brianna sakin.
~CROOO.. CROOO~
~Crow Sound~Maya-maya ay...
"HAHAHAHAHA" Tawa namin pareho.
"Bilisan niyo na nga! Baka malate tayo." Yaya ko sa kanilang tatlo.
Binilisan namin ang paglakad namin papunta sa campus. Nang nakarating na kami sa classroom ay nadatnan ko na ang table ko ay maraming mga basura...
Tchh.. Mamatay na gumawa rito...
Pumunta si Alexa sa amin kasama si Valerie.
Asan yung leader nila?
"Bakit ang baho dito?" Pang-aasar na tanong ni Alexa samin. "Yuckk, what's that?? A trash table." Natatawang sabi niya.
YOU ARE READING
THE AWAKENING (On-going)
Romance"I want to wake up from reality. Please help me! I want to escape from this countless questions! Let me out and go from this darkness! I don't even recognize myself. Not until I pick up all my scattered memories. My painful memories." ~Lex Previous...