Chapter 11

27 0 0
                                    

"Kung sa inyo ko ito ipakain."

"Kaya mo ba?"

"Come on Nikki, sa kanila natin ipapakain yan. Hanggang sa dumugo ang lalamunan nila."

Patuloy pa'rin ako nakatitig sa lalaking kasama nila Nikki at Lucy. Pamilyar sa akin ang pagmumukha nito. Maya-maya ay bigla itong lumingon sa akin at nanlaki ang mata nito. Parehas na kami nakatingin sa isa't isa. We're staring at each other nang bigla akong sinipa ni Lucy dahilan para tumilapon ako.

"Why are you staring at my boyfriend? Stop flirting him or else I will gonna break your bones, bitch." Lucy shouted. Marami na ring mga estudyante ang nakapaligid sa amin.

"Tanga ka ba, o sadyang wala ka lang tiwala diyan sa adik mong lalaki. Kung mahal ka talaga ng lalaki yan, hinding-hindi yan mambabae ng iba. Tapos ayaw mong matitigan 'yang boyfriend mo? Kung gano'n naman pala ang gusto mo, dapat huwag na kayo magpakita dito." Sigaw naman ni Brianna. "'Kala mo naman kaagaw-agaw 'yung boyfriend niya, mukha namang lambanog." Pagpaparinig niya pa at inirapan sila nang bigla akong pinuntahan nito at ni Gwen para tignan ang sitwasyon ko. Pinatayo nila ako at ako na mismo ang humarap sa kanila.

"Please Lucy, ayaw ko ng gulo. Huwag niyo naman ako tratuhin ng ganito." Lumuhod ako sa harap nila.

Alam kong sa masinsinang usapan nalang ang susi para matigil na ito. Masyado na akong maraming sakit na natamo galing sa kanila. Ako man ay may kasalanan ng lahat ng ito o hindi ay ako na mismo ang humihingi ng tawad para sa nangyari. At pag naayos na ito ay matatamo ko na muli ang kapayapaang ninanais ko dito sa academyang ito.

Ngunit ang buong akala ko ay matatapos na ang gulo ngunit nagulat ako ng bigla akong sinipa ni Nikki sa gilid ko, dahilan upang tumilapon ako sa nakahanay ng locker na naroroon.

"Lex!" Sabay-sabay sumigaw sina Brianna at Gwen at pinuntahan ako sa kinaroroonan ko.

"Kung gusto mo ng gulo, ako ang harapin mo!" Sigaw ni Brianna at nagulat ako sa sinabi niyang 'yon. At sabay-sabay naman natawa sina Lucy at Nikki.

"Gusto naming magpapawis. Baka kung ikaw lang naman ang haharap sa amin, baka hindi kami pagpawisan niyan." Natatawang sambit ni Lucy.

"Gusto mo magpapawis? Tara square tayo!" Sigaw pa muli ni Brianna habang itanataas niya ang sleeve ng kaniyang blouse. Lumapit siya kay Lucy at nagsisigawan na sila roon. Agad naman rin pumunta roon si Gwen para siguro ay awatin si Brianna.

Hindi ko na makita ang nangyayari roon pagkatapos dahil narin sa namimilipit ako sa sakit na natamo ko kanina. Gusto kong humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa amin ngunit kahit sila ay natatakot sa mga ito. Hindi ko batid kung saan nakuha ni Brianna ang tapang niya, bagamat siya rin ang nagsabi na mahirap at delikado ang buhay mo kapag kinalaban mo sila.

Itinayo ko ang aking sarili ngunit bigla rin ako napaupo dahil sa sakit. Isinandal ko na lamang ang aking sarili sa nakahanay roon na locker. Pinanood ko na lamang sila Brianna at wala akong magawa. Namumuuo na ang luha ko sa aking mata at di kalaunan ay tumulo narin ito. Nagsisipag-agusan na ang mga luha ko sa aking mga pisngi habang pinanonood ko sila. Ilang saglit pa ay nagsidatingan na'rin ang mga teachers upang patigilin sila.

"Are you okay?" Tanong ng isang lalaki na pamilyar ang boses.

"Xavier.." Tanging nabigkas ko na lamang at bigla niya naman ako tinulungang makatayo. "Alex! Si Gwen, pakitingnan." Sigaw pa nito muli.

"Okay lang sila, dinala na sila muna sa office." Sigaw ni Alex at tumango naman si Xavier pagkatapos.

"Lex, okay ka lang ba?" Tanong muli nito at tumango naman ako. "Kaya mo paba maglakad, ipupunta na muna kita sa clinic." Tanong pa nito at tumango muli ako.

THE AWAKENING (On-going)Where stories live. Discover now