"Bela nak buksan mo ang pinto"-napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang boses ni Manang Rosing. Wala na akong nagawa kundi ang buksan ang pintuan ng banyo.
Napayuko ako ng makita ang reaksiyon niya. Batid kong nag-aalala na siya sa'kin. Ilang araw na akong nagmumukmok dito sa kwarto ko. Wala akong ganang lumabas. Galit na din sa'kin ang manager ko dahil hindi na ako nakakaattend sa mga sessions ng ballet.
"Nak, buntis ka ba?"-bahagya akong natigilan dahil sa narinig. Napatingala ako at nakita ang halo halong emosyon sa mga mata niya. Nandon ang pag-aalala, takot at lungkot. Sa ngayon si Manang Rosing lang ang tanging taong makakapitan ko. Ang sa tingin ko ay makakaintindi ngayon sa sitwasyon ko.
"O-opo N-nay"-nangangatal ang mga labi ko habang binibigkas ang mga katagang yun. Natutop ko na lang ang sariling bibig gamit ang kanang kamay ko. Hindi ko na kasi kaya, gulong gulo na ako.
"Jusko, Isabella hija paanong... paanong nabuntis ka? May namagitan ba sa inyo ng dati mong nobyo?"-alam kong naguguluhan na ngayon sa sitwasyon ko si Manang Rosing pero alam kong maiintindihan niya ako.
Umiling-iling ako. Nagtatakbong sinalubong siya ng yakap at doon humagulgol sa dibdib niya.
"Na-nay..hi-hindi p-po..hindi po s-si M-mike"-kahit na -nagkanda-utal-utal ako dahil sa pag-iyak, pinilit ko pa ring sabihin ang mga yun sa kaniya.
"Eh sino Nak? sino ang ama ng ipinagbubuntis mo?"
Natahimik ako sa itinanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin na ang fiance ni Sarah ang ama ng magiging anak ko.Nagpapasalamat ako dahil hindi na nagtanong pa si Manang Rosing. Sa halip ay naramdaman ko na lamang ang marahang pagsuklay niya sa buhok ko at mahinang pagtapik tapik sa likuran ko.
Mas naiyak ako dahil sa mga ginagawa niya. Ganyan na ganyan din ang ginagawa niya sa'kin noong bata pa ako, kapag umiiyak ako dahil sa pinapagalitan ako ni Papa.
Nang mahimasmasan ako ay iginayak niya ako na maupo sa kama. Nakangiting inabot ko ang ibinigay niyang isang baso ng malamig na tubig.
"Alam niya ba? alam ba ng lalaking yun na nagdadalang tao ka ngayon?"
Napailing-iling ulit ako. Hindi pwedeng malaman ni Adam na nagbunga ang isang gabing may namagitan samin. Ayokong guluhin ang isipan niya at papiliin siya kung ito bang bata sa sinapupunan ko o yung pinsan ko. I wouldn't dare to ruin my cousin's dream, and that is to have a family and to marry a guy whom he love the most.
"Anak, alam kong mahirap ang kalagayan mo ngayon pero, hindi ba't karapatan din ng Ama ng dinadala mo na malaman na magkakaanak na siya? Kilala kita Isabella, di bale ng masaktan ka huwag lang ang ibang tao pero Nak paano naman ang sarili mo?"
Natigilan ako sa mga sinabi ni Manang Rosing. Wala akong maisip na mairason sa kaniya, dahil tama naman siya pero, ayokong masira ang relasyon nina Sarah at Adam. Ayokong magalit sa'kin ang pinsan ko at mas malala pa ayokong kamuhian niya ako.
Naramdaman ko na lang ang marahang pagpisil niya sa kamay ko.
"Kung ano man ang magiging desisyon mo Nak susuportahan kita. Sana lang hindi ka magsisi sa huli. Ayokong masaktan ka Hija kaya sana malinawan ka sana at maging tama ang desisyong gagawin mo"-napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Halata ang sinseridad sa mga mata niya pati na rin sa boses niya.Tumango-tango na lang ako at niyakap siya. Bahagya kaming napahiwalay mula sa pagkakayakap sa isa't-isa ng makarinig ng katok. Nagkatinginan kaming dalawa ni Manang Rosing at bahagyang natawa.
BINABASA MO ANG
Billionaire Series 1: Adam Volszki
RomanceFormer Title: Billionaire's Series 1: Billionaire's Babies WARNING: this story may contains matured contents. At ang kailangan natin ay maging open minded. Isabella Mondragon just by her name screams power. Nasa kaniya na ang lahat, ang kasikatan, y...