Chapter 9

9.1K 219 4
                                    

          

Hindi mapalagay at pabalik balik na naglalakad si Isabella sa hardin ng mansyon. Adam became cold  to her after that night. Parang hangin lamang siyang nilalampasan ni Adam kapag nagkakasalubong sila sa hallway o kahit saang parte ng mansyon. Hindi niya tuloy mapigilang isipin na baka dahil lang sa kalasingan ng asawa kaya may nangyari sa kanila. She knew it from the very beginning that Adam loves her but she's doubting now. Baka kinamumuhian na siya nito dahil sa nalaman na nito ang sekretong tinatago niya. Alam niyang ganun talaga ang mararamdaman ng asawa.


Nagpanggap siya na si Alexa Del Santos. Pineke niya ang pagkamatay niya at lumayo sa asawa. Limang taon ang nakalipas at alam niyang naghirap ng lubusan ang asawa niya dahil doon sa ginawa niya. At hindi na dapat siya magtaka kung bakit malamig ang pakikitungo nito sa kaniya. Malamang, nawala na ang kalasingan ng asawa. Nasa tama na itong pag-iisip at wala na ang espirito ng alak sa esposo kaya ganun na ang pakikitungo nito sa kaniya. Pero heto pa rin siya, naiinis sa asawa.


Napaupo na lamang siya sa isang bench doon. Nawawalan na siya ng pag-asa na magkaayos sila ng asawa. Kaya, lamang siguro hindi siya, pinapa-alis nito dahil sa, siya, ang Ina ng mga anak nito. Kundi dahil sa kambal at kung wala silang naging anak ni Adam. Malamang sa malamang nasa labas na siya ng gate, nakatunganga at ummiyak na parang tanga.

Pakiramdam niya tuloy gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagtakas noon at pag-iwan kay Adam. Tama pala talaga ang sinabi ng iilan na nasa huli ang pagsisisi.

Inayos niya ang sarili ng makita ang asawa sa di kalayuan. Tatawagin niya na sana ito pero pinigilan niya ang sarili dahil nakita niyang may kausap ito sa telepono. Namalayan niya na lamang ang sarili na naglalakad papalapit sa kinatatayuan ng asawa. At hindi niya din alam kung bakit siya nagtatago sa isang pine tree. Tila may nagsasabi kasi sa kaniya na gawin yun.

"I don't wanna see her Bud. I hate her, no I loathed her to my very core. She lied!she lied to me Buddy. And I, cannot forgive her, never Bud, never. Now!  ready the documents ayoko na siyang makita"

Parang napako siya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Halatang galit na galit ito dahil sa pagtaas ng boses nito. May diing ang bawat salitang binibitawan nito. Nanghihinang napasandal siya sa puno. Her husband wants get rid of her that much. Nangilid ang mga luha niya at parang talon na umagos ang mga ito. Natutop niya na lamang ang sariling bibig at pinigilan ang sariling  huwag lumikha ng kahit ano mang ingay.



Laging siya ang nang-iiwan pero ngayon baka kapag naipasa na ni Adam ang annulment nilang dalawa. Baka hindi niya na makita ang kambal. Maraming pera ang asawa, malawak ang impluwensiya at magagawa nitong ilayo ang mga anaka niya mula sa kaniya. At ngayon, ay hindi na siya ang mang-iiwan kundi, siya naman ang maiiwan.

Bigla na lamang nanumbalik sa isipan niya ang mga alaala nilang dalawa. Partikular ang mga masasayang alaalang pinagsaluhan nila. Hindi na kailan man mangyayari ang mga yun sa pagitan nila ni Adam.At kailan man hindi na maibabalik sa dati ang pagtatrato nito sa kaniya. Palihim niyang tinignan ang kaniyang asawa na ngayon ay papasok na sa main door ng mansyon.


Doon na siya napahagulgol. Inilabas niya lahat ng hinanakit niya lalong lalo na sa sarili niya. Parang pinipiga ang puso niya. Nasasaktan siya ng sobra sa isipin na hihiwalayin siya ni Adam at sa katotohanan na hindi niya na makikita ang mag-ama niya.

***




 "Bud here it is wher---- the fuck! Isabella?"-nanlalaki ang mga mataang pinagmasdan ni Callix. Parang nakakita ng multo ang ekspresyon nito at tinakasan ng kulay ang mukha nito. Napanganga pa ito habang tinitignan siya, tila hindi ito makapaniwala na, nasa harapan siya nito.



Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon