Chapter 5

10.4K 240 7
                                    


Limang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon masakit parin para sa binata ang nangyari sa Misis at sa magiging anak nila. He remembered what happened that day. Maaga siyang nagising para ipaghain sana ng agahan ang buntis niyang asawa na si Isabella pero, laking gulat niya na lamang ng wala na sa tabi niya ang Misis.

Napabuntong hininga si Adam malamang ay hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ito dahil sa ginawa niya. Well you cannot blame him, he wants to get away from Sarah. Hindi niya mahal si Sarah,  ang pinsan ng Misis niya. Wala na talaga siyang nagawa dahil sa, noong mga panahon na gusto niya na, sanang si Isabella na lamang ang mapangasawa niya, ay kasintahan na nito ang walanghiyang si Mike at nalaman niya na magpapakasal na ang dalawa.Kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumayag noong ipinagkasundo sila ng pinsan nito kahit labag sa loob niya.

Susuyuin niya na ang Misis at baka nasa harden na naman ito. Doon niya kasi laging nakikita ang esposa kapag nagkakatampuhan silang dalawa.Pero wala doon, wala doon si Isabella. Sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Iisa lang ang nasa isipan niya ngayon at  yun ay ang ideyang lumayo at tumakas ang esposa.

Humihingal na binuksan niya ang pintuan ng kwarto nila at binuksan ang closet nilang mag-asawa. At nanlumo siya sa nakita,wala na doon ang mga damit ng asawa. Tama nga ang hinala niya, tumakas nga ang Misis niya.

Aalis na sana siya para siya mismo ang humanap kay Isabella pero, parang napako siya sa kaniyang kinatatayuan ng makita at marinig ang balita. Nasa sala ang mga katulong niya at nanonood ng balita.At ang balitang yun ay tungkol sa pagsabog ng kotseng sinasakyan ni Isabella.

Natulala siya saglit. Nagpaulit-ulit sa isipan niya ang eksena sa telebisyon, kung saan nandoon ang footage ng sasakyan na nasusunog. Parang piniga at pinagtuturok ng kutsiyo ang dibdib niya. Wala sa sariling umalis siya ng bahay at pinuntahan ang pinangyarihan ng insidente.

Agad siyang pinaligiran ng mga reporters ng makita siya ng mga ito.Pero kahit isa sa mga tanong nila wala siyang sinagot. Ang atensiyon niya ay nasa bangkay na nababalot ng puting tela na binubuhat ng mga Medic. Malalaki ang hakbang na hinabol niya ang mga ito bago, pa nila maisakay sa ambulansiya ang bangkay.


Umaasa siya na baka hindi yun ang Misis niya. Pinakiusapan niya ang mga ito na, kung pwede ay, masilip niya ang nasa likod ng puting tela.Kitang-kita niya ang pag-aalalang nakabalot sa mga mata ng mga ito,pero hinayaan naman siya ng mga ito na  masilip ang bangkay.


Napatulala siya ng makita ito.Sunog at nalalapnos na ang balat nito. Halos hindi na ito makilala dahil sa sunog talaga ang buong katawan nito pero, parang sinampal siya ng katotohanan na Misis niya talaga yun, dahil sa suot suot nitong kwintas at yun ang kwintas na isinauli niya sa esposa, pagkatapos ng gabing may mangyari sa kanilang dalawa. Napadako ang atensiyon niya sa isang kamay nito at halos magwala na siya ng makita ang singsing na nasa palasingsingan nito. Ibinigay niya sa Misis ang diamond ring na yun.

Wala na siyang pakialam kung may makakita sa kaniya kung paano siya umiyak.Niyakap niya ang bangkay ng asawa ng mahigpit at doon humagulgol.

How could this cruel thing happened to his wife and to their unborn child? Hindi niya lubos maisip na, ganun ang nangyari sa mag-ina niya. She was pregnant for shit sake but this effin thing happened!!.She was burn to death along with the baby on her womb.

Hanggang sa Ospital ay ganun parin parang bata siyang inagawan ng kendi kung umiyak. Isabella's family came, at tulad niya nag-iiyakan din ang mga ito. Pero nagpapasalamat siya na wala doon si Sarah dahil baka ano pa ang magawa niya at masabi niya dito.

Lamang ang hagulgol at pag-iyak ng Ina ni Isabella. Sinampal pa siya nito dahil sa hindi daw niya binantayan ang esposa. Lumuhod siya sa harapan ng mga ito at paulit-ulit na humingi ng kapatawaran pero, patuloy lamang siyang sinisisi ng Ginang sa nangyari sa anak.

Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon