Chapter 15

6.8K 135 4
                                    

"The chopper is ready bud"-ani ni Troy na ngayon ay kasama na nila at abala sa pagtitipa ng kung ano man sa keyboard ng laptop nito.

Napatango tango na lang siya at sinuot ang earpiece.

" Caiden have you check the perimeter already"

Kailangan niyang makasigurong hindi na makakatakas si Sarah. Patagal ng patagal mas nanganaganib ang sitwasyon nila. Nakausap niya ang doktor na tumingin kay Sarah sa Amerika at hindi totoong magaling na ito. Tumakas ito sa Rehab. Kung siya lang ang tatanungin, hindi niya gustong makulong lang ito. He wants to end her life but he wouldn't be a murderer, not to that extent.

"Yes, boss. Nakaabang na ang ibang kasamahan namin sa lahat ng routang pwedeng daanan ni Ms. Mondragon. Utos niyo na lang po ang hihintayin namin"

Napangisi siya sa sinagot ni Caiden. Everything is going well according to his plans. Mas lalo siyang napangisi ng makitang tumatawag si Sarah. She wants him to play then, he will give her the game that she wanted the most, and that is, playing with others life as if it was nothing.

"Hello Babe"

Gusto niyang masuka at singhalan ito. She doesn't have the right to call him that way, but he needs to endure it.

"Yeah Babe, I'll be there in an hour wait for me ok"-pinalambing niya pa ang boses para mas kapanipaniwala ang pag-arte niya. Sarah doesn't know. Totoong alam na nito ang pagpapanggap na ginawa nila ng asawa niya pero, hindi nito alam na alam na din nilang nabuko sila. Kaya kung akala nito na nakakalamang na siya pwes yung ang pagkakamali niya.

" I love you babe" -parang alanganin pa ito ng sabihin ang katagang yun. So, she's doubting, then that's good. It will make the whole situation a little bit exciting.

"I love you too"- still coating his word with sweetness. Pero para sa kaniya wala lang yun. She doesn't feel anything parang nandiri pa siya. The scenario of him pretending just like what he did in the past made him wince a little.

Agad niyang pinatay ang tawag. Nakita niya naman ang pagngisi ni Troy kahit na panay pa rin ang pagtitipa nito sa keyboard ng laptop niya.

" What?"- hindi niya mapigilang singhalan ito. Itong siraulong kaibigan niya na kung ano ano ang iniisip. Magkapareho lang sila ni Callix baka kung ano na naman ang sabihin nito sa asawa niya.

"Unfaithful husband. Kung ako si Bella, talagang hihiwalayan na kita"-naiiling na sabi pa nito habang nakatuon pa din ang atensiyon sa laptop niya.

Hindi niya mapigilang batuhin ito ng hawak niyang cup na wala ng lamang kape.

" Gago!"

Natawa na lang siya ng nakaiwas ang loko. Panay ang tawanan nila ng bigla silang nakarinig ng pagsabog.

Shit what the hell is happening?

Nagkatinginan sila ni Troy at sabay pa silang napamura at sabay na tumakbo papunta sa pinanggalingan ng pagsabog.

Nakita niya ang mga anak niya na nakatayo malapit kina Liam at Callix. Nangunot ang noo niya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari.

"What the hell is happening? Where is my wife?  Tell me!"

Dinagundong ng kaba ang dibdib niya sa kaba. Nagsimulang manlamig ang mga kamay niya.

Not again please

Yun ang dinarasal niya. His wife is hardheaded. But it is not the right time to be a badass. His wife is unpredictable. Lagi na lamang itong may ginagawang nagpapagulantang sa kaniya.

Nang makita niyang kalmado ang dalawa niyang kaibigan. Alam niyang may nalalaman ang mga ito.

Walang imik na nilapitan siya  Callix at may pinindot na kung ano sa earpiece na suot niya. Ilang minuto lang ang nakalipas, bigla niya na lang narinig ang boses ng asawa. Doon lamang siya kumalma ng kunti pero hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman niya.

Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon