Nakaupo lang ako sa may sofa dito sa opisina ni Adam. Wala na akong pagpipilian pa. Ayoko man sanang magpakita pa ulit kaso kailangan para sa anak ko. Sa kakambal ni Shaun. Bilang Ina masakit para sa'kin na makita na nahihirapan ang mga anak ko. Xander and Shaun is just four years old.Dapat sa ganiyang edad ini-enjoy pa nila ang childhood nila pero heto ang nangyari. Kahit na si Xander ang may sakit apektado parin ang kakambal niya. Hindi lumalabas ng bahay namin si Shaun. Hindi siya nakikipaglaro sa ibang bata.Ang rason niya kasi dapat kung maglalaro siya sa labas dapat kasama ang kuya niya. Leukemia is not a joke, kaya ng malaman ko na si Adam ang naaangkop na donor para kay Xander, hindi na ako nagdalawang isip lumuwas agad ako dito sa Manila para puntahan siya.
Lihim akong napangiti sa nasasaksihan ko ngayon. Nakaupo kasi si Shaun sa kandungan ni Adam. Habang ang ama niya naman tutok na tutok sa ginagawa niya sa laptop nito.
Ewan pero parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko at lumapit doon sa may coffee maker at pinakialaman ang cup board ni Adam at ipinagtimpla siya ng kape. Ngiting ngiting nilapag ko yung tasa sa harapan niya at ang cookies na lagi niyang kinakain.
Natauhan lamang ako ng may malala ako. Ganitong ganito din ang ginagawa ng dating ako sa kaniya habang nasa opisina niya ako. Nadala lamang ako sa nakita ko kanina. Nakalimutan ko na ako na ngayon si Alexa Del Santos at hindi na si Isabella Mondragon.
Napaiwas ako ng tingin ng makitang pinagkatitigan niya talaga ako. He look at me with those emotionless eyes, na nagpatayo ng mga balahibo ko. It was so new to me, that he would be like this. He became cold at para bang may harang na nakapalibot sa kaniya at ni ako hindi ko mabuwag yon at makalapit sa kaniya niya. He's near but yet he's so far to reach.
"I'm sorry..ahmm I ahmmm"- hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya ako at the same time ang awkward dahil sa ganito. I assumed that he will be like the same, the naughty yet sweet Adam that I used to know. Pero sino nga bang niloloko ko kundi ang sarili ko. He was just like that to his Isabella and I'm not his Isabella anymore but just a simple woman named Alexa Del Santos.
"Mom?"-napatingin ako kay Shaun na ngiting-ngiti sakin. Ewan kong guni-guni ko lamang yun pero parang nakita kong ngumiti si Adam. Nakakunot ang noong napatingin ako sa kanilang dalawa na nagbubulungan at nagtatawanan.
"That cookies supposed to be mine but hahahaha what the ....you're eating those poor cookies by now Alexa"-natatawang pahayag pa niya. Saka lamang ako napatingin sa mga cookies na hawak hawak ko. Naubos ko na pala ang isa at hawak-hawak ko na ang isa pa.
Napakagat labi na lamang ako at dahan-dahang inilapag yun sa harapan niya. " I'm sorry Mr. Volszki"-pormal na pagkakasabi ko at napayuko na lamang.
"You keep on reminding me of someone"-napatingala ako at maski ako naguilty sa nakitang dumaang emosyon sa mga mata niya. Nandon ang sakit at lungkot doon. I don't know what to say. Nanatiling tikom ang bibig ko dahil wala akong mahanap na magandang salitang sasabihin para mapagaan ang loob niya. Nasasaktan akong makitang ganito ang Ama ng mga anak ko. If our situation would be different, I will not run away from him instead I will stay pero kumplikado ng sitwasyon na'ming dalawa.
Nagulat pa ako sa sinabi ng anak na'ming si Shaun kay Adam. Kumabog sa kaba ang dibdib ko.Sinabi ba naman niyang magkahawig silang dalawa at sana daw siya na lamang naging Papa nilang dalawa ng kakambal niya. Tinignan ko kung ano ang magiging reaksiyon ni Adam pero nakangiti lamang siya kay Shaun at tila aliw na aliw sa pinagsasabi ng anak na'min.
Nag-excuse naman ako at sinabing pupunta lamang sa ladies room. Pumasok ako sa isang cubicle. Naiihi ako sa sobrang kaba at pati na rin sa tensiyon na namumuo doon sa loob ng opisina niya. Natatakot ako na baka malaman niya na agad-agad ang totoo kong pagkatao. For five years pinanatili kong lihim ang lahat lahat, pero mukhang hindi ko na yun maitatago pa panghabang buhay. Natigilan lamang ako sa akmang paglabas ng cubicle na yun, ng makarinig ako ng mga nag-uusap usap, malamang mga empleyado ni Adam.
BINABASA MO ANG
Billionaire Series 1: Adam Volszki
RomanceFormer Title: Billionaire's Series 1: Billionaire's Babies WARNING: this story may contains matured contents. At ang kailangan natin ay maging open minded. Isabella Mondragon just by her name screams power. Nasa kaniya na ang lahat, ang kasikatan, y...