Chapter 11

8.5K 151 1
                                    

"That bitch!!!"- naibato nya ang hawak hawak na wine glass. Isabella is getting into her nerves. Halos maglabasan na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa matinding galit na nararamdaman niya para dito. Inagaw nito ang lahat lahat mula sa kaniya. Siya dapat ang kasama ni Adam. Siya dapat ang pinakasalan nito pero, ano ang nangyari?

She envy Isabella a lot. Simula pa lang pagkabata nila. Laging si Isabella na lamang ang nakakatanggap ng papuri. Na si Isabella ang mas matalino kesa sa kaniya. Na mas talented ito kesa sa kaniya. Lagi na lang siyang ikinukumpara ng mga magulang niya kay Isabella.

Nanggagalaiti at napasigaw na lamang siya sabay sinabunutan ang sarili. She thought na magiging maayos na ang lahat. Limang taon ang ginugol niya sa States para sa pagpaparehab niya. At malalaman na lang niya na, buhay ang pinsan niya at nagkabalikan silang dalawa ng lalaking pinakamamahal niya.

Tiniis niya ang lahat ng paghihirap sa pagpaparehab. Ang lungkot at ang depresyon. Pakiramdam niya na mas mababaliw siya sa loob ng Mental Hospital na pagmamay-ari ng tiyuhin niya doon sa Amerika pero kinaya niya. Para kay Adam. Baka sakaling kapag gumaling siya at magpakita dito. Magkabalikan sila.

But it did not happened. Iba ang nangyari. Isang buwan ang nakalipas mula noong makabalik siya dito sa Pilipinas at ang una niyang nasagap na balita ay, buhay daw si Isabella at nagkabalikan daw sila ni Adam. Ayaw niya sanang maniwala pero noong puntahan niya ang binata ay doon niya nakumpirma.

Napatingala siya upang pigilan ang mga luhang nais kumawala sa mga mata niya. Nag-ngingit siya sa galit. Punong-puno na siya. Hindi niyo siya masisisi. Natuto siyang maging makasarili. Natuto siyang maging tuso dahil kapag hindi niya 'yon ginawa. Siya ang magiging kawawa. Pero hindi niya mapigilang malito. Bakit ganun? Naging tuso na siya't lahat lahat pero si Isabella pa rin ang nagwawagi. Ang pinsan niya pa rin ang mas lamang.

"Nagpapasalamat ako na nawala ka Bela. Pero putang*na!!! Buhay ka pa pala!!"- hindi niya mapigilang batuhin ang portrait ni Isabella na nasa tabi ng sa kaniya. Naikuyom niya ang mga kamao habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa nakangiting mukha ng pinsan niya doon sa portrait.

" Lahat lahat na lang inagaw mo!!"-hindi niya mapigilang kunin 'yon at ibato 'yon sa napakalapit na trash bin. Pero hindi naman ganun kalala ang pagkadisgusto niya sa pinsan. Nagsimula lamang 'yon noong malaman niya ang tunay na ugali nito. Akala mo kung sinong santa demonyita naman pala. Akala mo mabait, 'yon bang sa sobrang amo ng mukha ay hindi mo pag-iisipan na gagawa ng masama. Pero, alam niya. Hindi ganun ang pinsan niya. Palabas lamang ang lahat ng mga yan.

Flashback

"Sarah!! Anong nangyari? Kamusta ang date niyo ni Ethan?"- nakangiting tanong nito. Agad-agad siya nitong sinalubong. Tulad niya ay nakaschool uniform pa din ito. Pilit niya itong nginitian at agad na niyakap.

Napahugulgol siya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa pinsan.

"H-hindi niya na daw ako mahal Bela. May mahal na daw siyang iba. Ang sakit sakit, ang sakit sakit..."

Hindi ito umimik at niyakap siya pabalik. Mas lalo siyang napaiyak dahil sa ginawang paghagod at pagtapik-tapik nito sa likuran niya na para bang pinapatahan siya.

Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon